Awakening (1)
...
[Zenith's POV]
Habang inaaalala ko ang mga sinabi ngayon ni Master ay biglang bumalik sa akin ang mga sinabi niya pagkadating ko galing sa Magus City. Masyadong maraming impormasyon ang mga nalaman ko na naguguluhan ako dahil iba-iba sila ng paraan at gamit. Ang iba ay nag-ooverlap ang detalye dahilan para mas maguluhan ako.
"Master-"
"Alam kong nalilito ka dahil noong una ay sinabi kong kailangan mong i-imbue sa soul core mo, pero kalaunan ay may koneksyon pala sa soul stone mo ang desolation fang. Kaya napunta tayo sa soul merging pero ngayong nagkusa ang desolation fang na ma-imbue sa soul core mo, gagamitin natin ang isa pang paraan ng soul merging. Magagawa mo lang ito kapag nakipag-soul fusion ang desolation fang sa'yo, at mas mataas na antas 'yon kaysa sa normal na pag-imbue ng soul relic sa soul core mo."
"Paano mo natatandaan lahat 'yan, Master?" Hindi ko maiwasang humanga dahil napakarami talagang alam ni Master. Hindi na ako makasunod sa dami at iba't ibang tinuturo niya. Ako mismo'y napaghahalo ko ang mga impormasyon, o baka dahil kulang lang talaga ako sa kaalaman.
"Maraming taon na puno ng pagsubok at pagtuklas."
"Pasensya na kung nalilito ako sa iba't ibang impormasyon, Master Zen. Napaghahalo ko na sila kaya-"
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag, naiintindihan ko naman na nalilito ka. Kahit ako nama'y nagkakaroon ng pagkakataong malito noong inaaral ko ang mga tinuturo ko sa'yo. Hindi lahat nakukuha agad ng mabilisan, minsan ay taon bago mo pa tuluyang matutunan. Sa huli, mapapangiti ka na lang na natutunan mo rin 'yong mga bagay na pinaghirapan mong alamin."
Kahit kailan ay hindi talaga nawalan si Master ng mga bagay na magpapahanga sa'yo, at mga salita na bibigyan ka ng pag-asa o 'di kaya'y tiwala sa sarili mo. Hindi man niya binubukas ang lahat ng bagay tungkol sa kanya ay tutulungan ka niya sa bagay na kailangan mo talagang malaman.
Saglit pa akong nanatiling nakatingin sa mga inaayos ni Master Zen hanggang sa siguro'y nakumpleto niya na ang lahat ng kakailanganin kong runewords, inscriptions, at incantations. Isa-isa niyang nilapag sa harapan ko ang mga papel na kung saan ay unang tingin pa lang, may mararamdaman kang kakaiba mula sa tintang ginamit upang isulat o iguhit ang mga nakalagay.
"Bago natin umpisahan ang soul merging, kailangan mo munang tawagin ang desolation fang. Gagamitin mo kasi 'to para sugatan mo ang sarili mo, at ang dugo mo ang gagamitin mong tinta para gayahin ang mga runewords at inscriptions." Agad akong tumango bilang tugon sa sinabi ni Master. Hindi ko maiwasang ma-excite na matawag ang desolation fang na kanina lang ay nakipag-soul fusion sa akin.
"Sa totoo lang, kung hindi ko natutunan ang bagay na 'to ay mahihirapan ka talagang tawagin ang soul relic. Mababasa mo kasi sa mga libro na kakailanganin mong magbigay ng parte ng soul force mo sa soul relics. Sa paraan na 'yon ay magagamit mo ang soul relic sa laban, at habang gamit mo'y tuluyang mababawasan ang soul force mo.
Sa paraan na 'to ay ligtas mong magagamit ang soul relic, at kapag nakipag-soul merge ka na sa soul stone na may naka-soul fusion sa'yong relic, magagamit mo ito na ang tingin ng iba ay soul force mo ito, pero hindi mo talaga soul force ang pinagmumulan ng lakas nito. Tulad nga ng sabi ko sa'yo, hindi ko hahayaang maparusahan ka sa paggamit ng soul relic, at hindi ko rin hahayaang masira ka nito."
Maliwanag na sa akin ang lahat kaya wala na akong ibang gagawin bukod sa sundin ang mga sasabihin ni Master Zen na hakbang. Hindi ko ngayon mapaliwanag ang nararamdaman ko habang iniisip na mapapalabas ko ang soul relic na desolation fang.
"Ang mga hakbang na sasabihin ko'y hindi talaga ang paraan para mapalabas ang soul relic, bagkus ay para mabuo mo ang koneksyon mo rito. Kung may itatanong ka pa'y itanong mo na sa akin ngayon." Agad akong umiling dahil wala na akong naiisip na tanong. Lahat ay maliwanag pa naman sa akin hanggang sa huling sinabi ni Master.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasiaBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...