Vol. 2: Ch. 17

163 25 0
                                    

Picking the Right Weapon

...

[Zenith's POV]

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kabusugan, at hindi ko rin alam kung gaano karami na ang nakain kong tsokolate. Ngunit sigurado akong marami akong kailangang tunawin bukas sa pag-eensayo ko. Ang sabi kasi nila Letizia kanina ay hapon nagsisimula ang klase sa Academy, at ang mga oras na wala sa klase ay pagkakataon mo para mag-ensayo o maglibot sa Magus City.

"Nasaan ang banyo nila? Meron ba sila? Naiihi na kasi ako." Hindi ako pamilyar sa mga lugar dito kaya kinapalan ko na ang mukha kong tanungin si Arthur.

"Paglabas mo rito, may makikita ka sa gilid na dalawang pinto. Nakasulat naman doon kung alin ang banyo ng lalaki at babae."

"Sige, salamat."

Nagpaalam na rin ako sa iba bago tumungo sa banyo na sinabi ni Arthur. Agad ko namang natagpuan ito ngunit nang papasok na ako sa banyo ng mga lalaki, siya namang bukas ng banyo ng mga babae. Hindi ko maiwasang matulala sa babaeng nakikita ng mga mata ko ngayon, at hindi sapat ang diyosa ng kagandahan para ipaliwanag ang itsura niya.

Mayroon siyang mahaba't maalon na buhok, at ang kulay nito ay tila abo. Ang mga mata niya'y tila mga bituin sa langit na hindi mo pagsasawaang pagmasdan, at sinamahan pa iyon ng matangos na ilong, at labi na nakakaakit angkinin. Ang katawan niyang balingkinitan, at kulay ng balat na maaaring ihalintulad sa niyebe tuwing tag-lamig.

"Zenith? Kalma." Pagpapakalma ko sa sarili nang mapagtanto ko kung ano na ang tinitignan ng mga mata ko. Mahina ko ring sinampal ang pisngi ko dahil hindi ko maiwasang tignan ang dibdib niya na paniguradong malambot.

"Umayos ka nga, Zenith. H'wag mong tutularan si Steno, okay? Okay." Hindi ko naiwasang huminga ng malalim bago pumasok ng banyo.

Hanggang sa makabalik ako sa mesa nami'y hindi ko malimutan ang babae na 'yon, at kung hindi ko lang nakita ang mga nagbabantay sa kanya kanina, baka nilapitan ko na siya. Panigurado akong isang royalty siya, at mataas din ang antas ng mga nagbabantay sa kanya kanina. Kung tuluyan akong nadala ng pagkabighani ko sa kanya, baka nakakulong na ako ngayon.

Ano na ba 'tong nangyayari sa akin? Ito ang unang beses na naramdaman at ginawa ko ito.

...

"Ang sarap nga talaga ng mga pagkain doon, noh?" Kami na lang ngayon ni Steno ang magkasama habang naglilibot. Mamayang gabi pa raw ibibigay sa amin ang mga kwarto namin sa Academy Dormitory. Kasalukuyan pa raw kasing nililinis at inaayos ang lahat ng kwarto.

"Hindi ko alam kung nakakain ka ba talaga, o tinitigan mo lang si Rosia kanina."

"Pwede both? Pero seryoso, ang sarap ng mga pagkain doon kaso ang mahal nga lang. Kung tayo lang ang kakain ay mauubusan tayo ng spirit coins. Halata rin naman na maraming royalty ang kumakain doon, at maganda rin ang lugar nila." Nagpatuloy lang ako sa paglibot sa bilihan ng mga shield para kay Steno. Sa pagkakatanda ko'y brown ang soul force na aakma kay Steno.

"Dala mo ba ang spatial amulet mo?"

"Pano ko malilimutan 'yon eh paulit-ulit pinapaalala sa akin ni Master bago tayo umalis." Tamad niya akong tinignan habang sinasabi 'yon, at halatang nairita nga siya sa pagpapaalala sa kanya ni Master kanina.

"Bakit mo pa kasi hinuhubad palagi? Hindi naman mabigat suotin 'yung amulet."

"Naiirita ako kapag may nakasukbit sa leeg ko eh, maliban na lang kung kamay 'yon ni Rosia." Napabuga na lang ako ng hangin dahil kung saan-saan na naman mapupunta ang paksa ni Steno.

Natagalan din kami sa paglilibot bago ako nakakita ng tindahan na maraming binebenta na earth type shields. Halos magkakapareho naman ang disenyo nila kaya papapiliin ko na lang si Steno kung ano ang gusto niyang disenyo.

"Pumili ka na lang ng gusto mong disenyo, ako na ang bahala sa spirit coins kung kukulangin." Kaunti lang kasi ang ibinigay ng mga Siltore sa amin pero marami namang binigay sa akin si Master Zen.

Naghintay na lang ako kay Steno na makapili ng gusto niyang shield. Nang tingin ko'y matatagalan siya ay nagpaalam na akong magtitingin din ng armas sa malapit na mga tindahan. Naisip ko rin kasing hindi ko pwedeng gamitin lagi ang desolation fang, kailangan ko rin ng normal lang na armas.

Naglibot-libot ako sa malalapit na tindahan ngunit wala akong makita na magugustuhan ko. Wala na akong nagawa kung hindi lumayo ng kaunti pero sinigurado kong matatanaw ko pa rin si Steno. Matangkad naman siya kaya tanaw ko pa rin ang ulo niya mula sa malayo.

Saglit pa lang akong nagtitingin-tingin ay agad akong nakakita ng magandang one-handed sword. Halos dagger na rin ito ngunit mas mahaba ito ng mga apat na pulgada sa normal na haba ng dagger. Sa pagkakaalam ko kasi'y labing-dalawa hanggang labing-limang pulgada lamang ang haba ng dagger.

"Pwede ko po bang subukang buhatin ang one-handed sword na 'to?" Paalam ko sa bantay ng tindahan, at iminuwestra niya naman na kunin ko ito. Maingat ko itong kinapitan sa hawakan at dahan-dahang binuhat.

Katamtaman lamang ang gaan nito, at sakto lang na maigagalaw ko ito ng mabilis sa ere. Walang element ang soul force nito kaya sakto lang din para sa akin. Kumpara sa ibang may element ay mas matibay ang pagkakagawa rito base sa nakita kong laki ng soul force nito.

"Maganda ang pagkakagawa sa one-handed sword na 'yan, at isa 'yan sa paborito ng blacksmith namin. Ngunit walang nagtatangkang bumili dahil kakaiba ang bigat, kaya hanga ako na naigagalaw mo 'yan ng mabilis sa ere." Hindi ko naman ramdam na mabigat ito, baka dahil na rin sa naging training ko kaya parang wala lang sa akin.

"Gaano po ba ito kabigat?"

"Nasa labing-limang kilo rin ang bigat n'yan, mabigat na para sa mga one-handed sword na pang-baguhan."

"May mas mabigat pa po ba rito?"

"Meron, at kalimitan ay matataas na antas ng warriors ang gumagamit nito. Hindi rin kasi masyadong gumagamit ang mga magus ng mabibigat na armas, lalo na ang matataas na antas." Napatango-tango na lang ako at binayaran ang halaga na sinabi niya sa akin.

Nang maglakad na ako pabalik kay Steno ay namataan ko siyang inip na inip na sa paghihintay. Hawak niya na rin ang shield na siguro'y nagustuhan niya. Bilog ang hugis nito, at gawa ito sa metal na may iilang mga runewords ang paligid nito. May mga linya rin ito sa gitna na gawa sa pininong kahoy, at ito ay walang sinusunod na iisang pattern ngunit maganda ang kinalabasan nito. Tila ba mga ugat ng puno na walang direksyon ngunit maganda ang kaguluhan nito.

Ngunit mas maganda pa rin ang nabili kong one-handed sword. Gawa ito sa metal na kahawig ng ginto, at paniguradong matibay ito. Simpleng espada lang naman ang itsura nito ngunit tila nagbabago ang kulay niya kapag nahaluan ng ibang soul force. Sinubukan ko kaninang lagyan ng soul force ko, at napansin kong may mga berdeng linya ang lumabas sa talim nito. Kung hindi ako nagkakamali ay katana ang tawag sa kanya, at ang kasama nitong lagayan ay maganda ang disenyo. May mga disenyo itong maliliit na dragon sa magkabilang dulo na gawa rin sa metal na ginamit sa katana.

"Buti na lang ay kasya ang dala kong spirit coins. Ang tagal mong bumalik, sabi mo sa malapit ka lang." Inip na inip nitong reklamo, dahilan para matawa ako.

"Parang hindi naman ako nagtagal sa pagtitingin."

"Halos kalahating oras kang nag-iikot, at hindi naman ako makasunod dahil hindi ko alam kung saan ka nagsuot. Nakakainip kaya maghintay rito na wala ka namang spirit coins pambili ng makikita mo."

"Para kang bata! Tara na nga, punta na tayo sa Academy." Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil para talaga siyang bata na nagmamaktol. Kalalaking tao, parang babae kung magmaktol.

"Paano ka magugustuhan ni Rosia n'yan kung mas babae ka pang magmaktol sa kanya?" Tuloy kong asar kay Steno habang naglalakad kami papuntang Academy.

"Pre, ang tao kayang magbago." Napailing na lang ako sa mabilisang pagbabago ng mood niya.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon