Cave that Screams Death
...
[Master Zen’s POV]
“The stars were already changing its path, and everything is starting to completely realign, Master Zen. (Translated from Sylph Tribe Language)” Napatango-tango ako sa sinabi ni Star Sylph. Agad siyang lumabas nang maramdaman niya ang pagbabagong nangyari sa batang ako, at inakala niyang ako pa ang nakipag-isa sa celestial body. Nang dahil din sa nangyari ay nagkaroon na rin ng leak sa soul force ko na kapareho ng sa kanya, at dahil doon ay sigurado na akong malapit na akong bumalik sa kung saan ako nararapat.
Tuluyang nagbago ang mga mangyayari sa kanya, at dahil din doon ay mapapaaga ang paglusob ng buong banshee council. Habang pinapakita sa akin ni Star Sylph ang mga mangyayari, kahit hindi man kumpleto, ay hindi ko pa rin maiwasang maawa sa batang ako. Magbubunga naman ang ginawa nila ni Diane ngayon ngunit…
“May paraan pa ba para mabago ang propesiya?”
“Ikinalulungkot kong sabihin ngunit wala na tayong magagawa. Kapag pinigilan mo pa itong mangyari ay tuluyang masisira ang barriers sa time, space, and dimensions spectrum.” Napabuga na lang ako ng hangin sa naging sagot ni Star Sylph.
Walang pagdadalawang-isip akong kumuha ng papel at panulat na kami lang ng batang ako ang makakabasa. Kailangan kong isulat ang mga dapat niyang malaman dahil magiging mas magulo ang mga susunod niya pang dadanasin. Hindi ko inakala na makakasama pa pala ang ginawa kong pagpunta rito… kung alam ko lang sana.
“Binalaan ka na nila pero mas pinili mong hindi makinig sa Creator of Time, Space and Dimensions. Nang dahil din sa pagpunta natin dito ay may mga nangyaring masama sa pinanggalingan natin, at wala tayong ideya kung bakit sila namamatay.” Dismayadong sabi ni Star Sylph, at umiiling-iling na bumalik sa soul core ko. Napahilamos na lang ako ng mukha bago sinimulang isulat ang mga kailangan malaman ng batang ako. Kailangan ko na ring umalis at hintayin na lang ang oras na kailangan kong sumali sa laban dahil hindi na kami pwedeng magkasama ng batang ako.
...
[Zenith’s POV]
“Anong gagawin natin sa balon na ’yon?” Tanong ko kay Zealestia sa isipan ko habang kumakain kami ng umagahan.
“Mabigat na ang kasamaan sa balon na ‘yon, at hindi na basta-basta ang lakas ng bantay. Base sa napansin ko bilang isang demon ghoul, nasa overlord na ang lakas niya at ilan-daang taon na rin siyang kumukuha ng biktima. Puno ng pagnanasa, karahasan, at hinagpis ang kalaliman nito, at sa sobrang lakas ay nagawa niya kaming ihiwalay sa soul core mo. Mas mabuting hayaan natin siya roon kaysa magalit siya at mas maraming tao pa ang madamay.” Si Kasero ang sumagot na sinegundahan naman ni Zecarias.
“May dumaan din sa akin na alaala ng panggagahasa sa balon na ‘yon dahil sa kagustuhang makaligtas, at dahil doon ay agad nagpakamatay ang babae nang makalabas sa balon.” Nagtaka naman ako sa sinabi ni Zealestia, at mukhang natunugan niya ‘yon.
“Ang mga taong may hinanakit at galit bago mamatay ay hindi agad nakaka-ascend sa celestial realm. Bilang isang celestial being ay kaya kong kumonekta sa mga katulad niya, at hindi ko na pwedeng sabihin ang iba pa dahil ipinagbabawal ng Spiritual Lord Council.” Paliwanag niya, dahilan upang mamangha ako. May panibago na naman akong nalaman, at hindi ko alam kung gaano pa karami ang mga bagay na hindi ko pa nalalaman at maaaring hindi ko na malaman pa.
“Hindi ko pa nakita o nabasa ang mga bagay tungkol sa mga celestials at celestial realm na ‘yan, at ngayon ko lang napagtanto na marami pa palang bagay na hindi alam ng mga tao sa Magus Kingdom.” Napalingon ako kay Diane na kanina pa tahimik, at kaya pala siya tahimik ay dahil nakikinig siya sa sinasabi nila Zealestia sa akin.
“H’wag kang maingay, baka marinig ka nila.” Pabulong kong sinabi at binigyan niya lang ako ng thumbs up. Mabuti na lang at sa kanya-kanyang tents kami kumakain ng umagahan kaya kampante akong hindi nila kami maririnig.
“Naririnig mo pala talaga ang lahat ng sinasabi nila sa akin, at nakikita mo rin sila kahit ako lang naman talaga ang dapat makakita. Akala ko ay nagkabigayan lang tayo ng soul force pero higit pa pala roon ang magagawa no’n.” Napatango-tango ako sa panibagong kaalaman, at kailangan kong mag-ingat sa susunod dahil hindi ko alam kung ano pa ang ibang bagay na nakuha namin sa nangyari sa amin.
“Paano kaya kung ulitin natin? Baka may madagdag pa sa mga pwede nating gawin?” Pagbibiro ko, at natatawa ko siyang pinigilan nang inabot niya ang pangsara ng tent.
“Nagbibiro lang ako, kumalma ka. Tama na ang isang beses, baka lalo pa tayong pagalitan ni Mayor.” Natatawa kong pinisil ang pisngi niya dahil mukhang nagtampo pa siya sa sinabi ko.
“Ayan, tumalab na sa’yo ang karisma ko.” Pang-aasar ko sa kanya, at magpapatuloy pa sana ako sa pang-aasar kung hindi lang dumating si Steno para sabihan kami na maglalakbay na kami patungo sa dragon tower.
…
“Tama ba ang tinatahak nating daan? Bakit parang masyadong malakas ang soul force at killing intent na nararamdaman ko?” Nagtatakang tanong ni Steno, at sumang-ayon din ang iba pa naming kasama sa tinanong niya.
“Hindi naman siguro tayo dadalhin ni Mayor sa maling lugar? Maliban na lang kung…”
“Kung may nagbago ng orihinal na mapa.” Putol ni Arthur sa sasabihin ko na agad ko namang inilingan.
“Kung hindi na ang orihinal na dragon ang nasa loob ng dragon tower.” Pagpapatuloy ko sasabihin ko, at sabay-sabay lang napatango-tango dahil doon.
“Ibig mo bang sabihin… wala, malabo palang mangyari ang iniisip ko.” – Rosia
“Hindi ko makonekta sa kahit anong bagay ang sinabi mo, Zenith. Paniguradong may mas malalim pang anomalya ang nangyayari, at hindi na natin ‘yon masasagot gamit ang matutuklasan natin ngayon.” – Arthur
“Ang isa pang tanong ay mabubuhay pa kaya tayo?” – Letizia
“May nagbabantay naman sa atin kaya ligtas tayo kung sakaling malakas ang makakalaban natin sa dragon tower.” Kampante kong sabi at itinuon ko na muli ang atensyon ko sa paglalakbay. Kung ano man ang meron sa dragon tower… sana ay mabuhay pa kami.
…
“Nandito na tayo.” Anunsyo ko nang makumpirma ko ang symbols na nasa mapa at ang symbols na nakalagay sa dalawang haligi na nakita ko sa hindi kalayuan. Naglakad pa kami ng halos labing-limang minuto bago namin tuluyang narating ang tapat ng isang malaking kweba na nagsusumigaw ng marahas na killing intent, at nakaramdam ako ng kaba nang pangunahan ko ang pagpasok sa kweba.
“Maligayang pagdating.” Sabay-sabay kaming napalingon nang unti-unting nawawala ang liwanag mula sa labas, at tatakbo sana kami palabas ngunit may malakas na pwersa ang humatak sa amin papasok sa loob. Hindi ko maiwasang matakot dahil ganito ang nangyari kanina sa balon, at ang isa pang dahilan para matakot ako ay nabobosesan ko ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasyBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...