Book 1 Finale Part 2
...
[3rd POV]
"Alam ko na kung ano ang pinaglalaban niyo pero hindi niyo dapat gawin ito sa lahat ng mga tao. Lalo na sa kaibigan ko na kinokontrol lang naman ng kung anong demonyo sa loob ng palasyo." Subok na paliwanag ni Zenith habang iniilagan ang bawat pag-atake ni Cuatro, at gusto man niyang mag-counterattack ay hindi niya magawa dahil akay-akay niya pa rin ang walang malay na si Steno.
"Ang mga taong sinasabi mong hindi dapat idamay, sila rin ang mga taong sunud-sunuran sa palasyo! Ang mga taong sumira sa bayang pinagmulan ko! Ang mga walang awang sipsip sa demonyong naninirahan sa palasyo!" Halata ang galit sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Cuatro habang patuloy na umaatake kay Zenith.
"Maaaring ginawa lang nila 'yon dahil takot silang patayin at ubusin ng palasyo!" Tugon ni Zenith at mabilis na lumayo nang makakita ng tamang pagkakataon. Mabilis niyang inilapag si Steno at ikinulong sa mirror cage bago muling hinarap si Cuatro.
"Takot? Paano matatapos ang kasamaan kung uunahin ang takot? Nakita mo ba kaming natakot? Hindi! Kasi gusto naming matapos ang kasamaan! Ang hayaan mong magpatuloy ang kasamaan ay wala ring pinagkaiba sa pagiging masama! Isang kahangalan!" Nagkaroon ng sunod-sunod na malalakas na bugso ng killing intent at soul force mula kay Cuatro, dahilan upang tuluyang mawasak ang mga bahay na nasa paligid nila. Kung hindi lang din matibay ang mirror cage ay maaaring nawasak na rin ito sa inilabas na lakas ni Cuatro.
"Kung hahayaan mo lang din sila, ituturing na rin kitang kalaban!" Mabilis itong naglaho kasabay ng paglabas ng mga portals sa paligid ni Zenith, at wala na siyang ibang maisip na paraan maliban sa paggamit din ng area attack. Inisip niya na lang din na wala naman na siyang dapat ipag-alala dahil wala na rin namang mga buhay na malapit sa kanila, at hindi naman maaapektuhan sila Steno at Rosia sa gagawin niya.
"Secrets of the Mirages, Unleash! Blood of the Overlord, Infuse!" Mabilis ang naging bawat pagkilos ni Zenith dahil alam niyang walang ibang paraan para mapigilan si Cuatro. Kita niya sa mga mata nito na walang makakapagbaluktot sa paniniwala nito, at kung hindi siya lalaban ay maaari niyang ikamatay, lalo't may tumutulong dito na gumagamit ng portals.
Nagsimula ang pag-ulan ng mga piraso ng replika ng overlord katana, at hindi tulad noong ginamit niya ito laban kay Seteroth ay hinaluan niya na ito ng dugo ng overlord, dahilan upang maging mas malakas ang bawat replika ng overlord katana na nagtutungo sa iba't ibang direksyon kung saan matatagpuan ang mga portals na nilatag ni Tres.
"Kung sa tingin mo ay matatalo mo ako sa mga simpleng palaro mo, isa kang hangal!" Sinundan ito ng malalakas na halakhak ni Cuatro na umuugong sa lahat ng portal na nasa palagid ni Zenith. Nang unti-unting naglaho ang mga halakhak ni Cuatro ay siya ring unti-unting paglabas ng totoong kapangyarihan ng overlord katana na kapit niya.
"Kusanagi-no-Tsurigi, Ultima Despertar!" Umugong ang mala-demonyong boses ni Cuatro sa bawat portal na nasa paligid, at hindi rin nagtagal ay nagsimulang lumabas sa lahat ng portal ang isang marahas na soul force at killing intent na tila ba gusto nitong lamunin ng buhay si Zenith.
"Kusanagi-no-Tsurigi: Eight-Headed Snake, Release!" Pag-cast ni Cuatro ng spell ay unti-unting lumabas sa walong magkakalayong portal ang mga ulo ng ahas na may halo ng itsura ng dragon at ang mga mata'y pulang-pula.
Sa mga sandaling iyon ay unti-unting nauubusan ng ideya si Zenith kung paano niya tatalunin ang kalaban. Uunahin niya ba si Tres o kung kakalabanin niya si Cuatro na hindi man lang niya alam kung nasaan, at ang tanging nakikita niya lang ay ang walong ulo ng ahas na nakapalibot sa kanya ngayon.
"Alam kong masyado kang minaliit ni Seteroth, pero hindi ako isang hangal na tulad niya!" Mala-demonyong sabi ni Cuatro na sinundan ng mga tawa na tila ba nang-aasar, may galit, at hindi matukoy na mga emosyon. Sa bawat tawang inilalabas ni Cuatro ay siya ring paglakas ng mga ulo ng ahas na tila ba nagrerepresenta ng iba't ibang emosyon na nararamdaman ni Cuatro.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasyBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...