Vol. 3: Ch. 45

115 19 1
                                    

Epilogue For Dragon Tower Arc

...

[3rd POV]

Inabot ng isang linggo ang apat na magkakaibigan bago makabalik sa Magus City, at nang makapasok sa gate ay tila ba nakahinga sila ng maluwag. Laking pasasalamat din nila dahil may sariling mapa si Diane kung paano makakauwi. Gayunpaman, matapos makaramdam ng kasiyahan sa pagdating sa siyudad ay muling bumalik ang matinding lungkot mula sa pagkamatay ni Arthur at sa maaaring kamatayan na rin ni Zenith.

"Ayos ka lang ba, binibining Diane?" Maagap na tanong ni Steno nang makita niya ang lungkot sa mukha ni Diane. Sa daan nila pabalik ay nalaman nila ang mga kaganapan sa pagitan ni Diane at Zenith, at hindi pa talaga nila iyon malalaman kung hindi nila nakita ang mahinang soul force sa sinapupunan ni Diane.

"Ayos lang naman pero ang inaalala ko ay paano kung hindi na siya makabalik? May tiwala naman ako sa kanya pero hindi ko maiwasang isipin na lalaking walang ama ang batang dinadala ko ngayon." Bagsak ang balikat na tugon ni Diane, at agad naman siyang niyakap ni Rosia upang pakalmahin sa nagbabadyang pag-iyak niya.

"Unang kita ko pa lang sa lalaki na 'yon ay may tiwala na ako sa kakayahan niya... kaya 'wag kang mag-alala. Tsaka kung sakali man, maituturing na siyang bayani ng papa mo dahil niligtas niya tayo at naibalita natin ang nangyayaring pagtatraydor. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niyong lungkot ni Letizia ngayon pero hindi gusto nila Arthur at Zenith na maging malungkot kayo." Subok na pag-alo ni Rosia sa dalawang kaibigan na babae ngunit nabigo siya.

"Matagal pa bago sila makakalagpas sa matinding lungkot na nararamdaman nila ngayon, at aminado ako na sinusubukan ko lang din na maging matapang para hindi kayo mas lalong malungkot pa. Simula pa noon ay lagi ko na ring kasama si Zenith, at ngayon ay hindi ko na rin kayang ipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko.

Ayoko lang din na maging mahina sa harapan mo, Rosia. Ayokong manghina ka rin dahil sa'kin, at nakikita kong pinipilit mo lang din na maging matapang para kay Letizia at Diane. Sa ngayon ay oras na lang talaga ang makakahilom, at 'wag natin hayaang mapag-isa ang kahit sino man sa grupo natin." Tulala lamang si Steno sa kawalan habang sinasabi iyon, at hindi rin maipinta kung ano ang emosyong ipinapakita niya ngayon. Natahimik na lang ang grupo habang nagpapahinga, at halos isang oras din ang lumipas bago sila nagtungo sa opisina ni Mayor Silvanya.

...

[Arc Ending Notes]

Ano na nga ba ang mangyayari? Saan nagmula ang apoy na nasulyapan ni Zenith? Mabubuhay pa kaya siya, at kung mabuhay man ay ano ang mangyayari?

Nag-umpisa na rin ang pagpapakilala ng Banshee Council, at mula ngayon ay ano pa ba ang mga nakaabang na mangyayari sa buong Magus Kingdom? Ano rin kaya ang naputol na sinasabi ni Master Zen tungkol sa ipinagbubuntis ni Diane?

Warning! Rain of Blood is about to come!

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon