Vol. 3: Ch. 36

132 25 1
                                    

[Timeskip]

...

[Zenith's POV]

Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Hindi na rin namin napansin ang paglipas nito dahil naging abala kami sa kanya-kanyang pagsasanay, pati na rin sa pakikipaglaban bilang grupo. Lagi na rin naming nakakasama si Diane at nagiging maayos na rin ang relasyon namin. Kahit paano'y pinapayagan na ako ni Mayor Silvanya na pumasok sa mansyon nila para magsanay kami ni Diane.

Hindi naman ako kumikilos na tatawid sa limits namin bilang... hindi ko pala alam kung ano ang tawag sa relasyon namin ngayon. Basta sobrang lapit na namin sa isa't isa, at mas ginaganahan akong magpalakas ngayon dahil kasama na siya sa rason ko para magpalakas.

Tama nga sila Master Zen, iba ang epekto kapag nakita mo na ang babae na bibihag sa puso mo. Sigurado akong mayroon ding babaeng nagustuhan si Master Zen pero malamang ay namatay na ito dahil malungkot siya tuwing nababanggit ang tungkol sa ganoong bagay.

Sa banda naman ni Mayor, naging mapanuri na siya sa mga nakakasama niya sa opisina, at paminsan ay tinatawag niya ang grupo namin para ipaliwanag sa amin ang mga maaaring mangyari. Sa ngayon din ay nagtaasan na ang mga rank namin, at siguro'y malaking bagay na 'yon sa magiging expedition namin bukas.

Si Steno ay mabilis umangat ang rank dahil sa bago niyang armas na naging malaking tulong sa cultivation niya. Ngayon ay silver 3 na siya, kapantay nila Letizia at Arthur. Si Rosia naman ay nasa silver 4 na ngayon, at kahit wala pa siyang special items na nakukuha ay nakakatuwang makita na nakakasabay siya sa paglakas namin. Si Diane naman ay mabilis ding umangat dahil sa ginawa kong pag-unseal ng lakas niya, at sobrang compatible rin sa kanya ng ginagawa niyang cultivation technique. Ngayon ay nasa silver 2 na siya, at kaunti na lang ay makakaakyat na siya sa silver 1.

Habang ako naman ay kasalukuyang nasa gold 3 na, at ang shown rank ko ay silver 4. Hindi hamak na mas matagal talagang umangat sa gold kumpara noong nasa silver ako, at wala pa rin akong nakikitang bagong items or spells na makakatulong sa akin.

Pinili ko na lang sanayin at pagbutihin pa ang mga spells na meron ako, at kahit papaano'y nag-improve naman ang paggamit ko sa kanila.

...

[3rd POV]

"Kamusta ang preparasyon ng mga bata?" Tanong ni Mayor Silvanya sa kanyang alagad na nakaputing roba.

"Mabuti naman po ang mga ginawa nilang pagsasanay, at sa tingin ko ay kakayanin naman nila ang dragon cave expedition kung walang anomalyang nangyayari."

"Paano naman sila Zenith at Diane?"

"Matagal na silang magkasama palagi, at wala naman po silang ginagawang labag sa limitasyon nila." Napatango-tango lang si Mayor Silvanya at marahan na sumandal sa upuan niya. Natahimik ang buong opisina, at nanatiling nakatayo ang alagad niya habang nag-aabang ng susunod niyang sasabihin.

"Naalala ko lang, ano na nga pala ang updates sa pinapa-obserba ko sa inyo na pamilya? Wala naman ba silang kinakausap na taga-labas?"

"Wala pa naman po sa ngayon, ngunit may isa kaming lalaki na pinaghihinalaan, at sa tingin nami'y mula siya sa pamilya na 'yon. Ang problema ay masyado ring misteryoso ang lalaki at natutunugan niya rin kami, kaya nagpalamig muna kami sa pagbabantay sa kanya."

"Salamat, makakaalis ka na." Tumango lang ang alagad at mabilis itong umalis ng palihim. Nangalumbaba lang si Mayor sa mesa at pinag-isipan kung ano ang susunod niyang gagawin tungkol sa mga nangyayaring anomalya.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na nagsisimula na ang preparasyon ng mga nilalang na naninirahan sa dilim. Naghahanda na ang mga ito sa mangyayaring pagsugod nila sa Magus City.

"Ano ang balita para sa expedition bukas?"

"Mukhang nakatunog si Mayor Silvanya dahil bukas ay walang magbabantay sa grupong sasabak sa expedition. Ngunit paniguradong may ipapadala si Mayor dahil kasama ang anak niya, at binigyan lang sila ng mapa kung saan ang dadaanan nila."

"Manang-mana sa ama niya, magaling mag-isip pero hindi pa sapat ang karanasan niya." Mala-demonyong ngumiti ang babae habang pinaglalaruan sa kaliwang kamay niya ang isang puting bola na gawa sa yelo na napapaligiran ng puting apoy.

"Kung ganoon ay abangan mo na lang ang pagdating nila sa kweba, at siguraduhin mong maayos silang makakain ng alaga ko."

"Masusunod, Master." Sumenyas siya na umalis na ang lalaki, at nang makaalis ito ay malakas niyang ibinato ang bolang kapit niya palabas ng bintana. Nang tumama ito sa lupa ay nagdulot ito ng malakas na pagsabog, at mabilis na kumalat ang puting apoy sa mga punong nasa paligid. Bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa mga nangyayari.

"Malakas ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari kay Diregonus. Maghanda ang lahat para sa digmaang magaganap sa susunod na taon." Sabay-sabay na yumuko ang mga opisyal niya bilang tugon.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon