Vol. 4: Ch. 53

120 20 1
                                    

The Traitor Began to be Identified

...

[3rd POV]

Tahimik na bumalik si Zenith sa bayan ng mga Nukter na tila ba hindi man lang napagod sa nangyaring laban. Ngunit hindi maitatanggi ang nangyari dahil ramdam sa bayan ang lakas na ipinakita ni Seteroth at Zenith, at may bakas pa rin ng mga sugat sa katawan niya na hindi pa rin tapos maghilom.

Nagtataka niya namang tinignan ang mga babae na nakatitig sa kanya nang tuluyan siyang makapasok sa bayan. Doon niya lang din napagtanto na nasira nga pala ang suot niyang pang-itaas, ngunit ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon at nagpatuloy sa pagpasok sa sentro ng bayan. Wala rin naman siyang magagawa dahil kailangan niyang ibalik sa initial form ang overlord katana kaya nawala ang armor na suot niya.

"Salamat." Bungad sa kanya ng isang matandang lalaki na siyang namumuno sa bayan ng Nukter. Hindi naman niya naiwasang mapangiti, lalo nang sabay-sabay magpasalamat ang mga tao na ngayon ay nagtipon-tipon na sa sentro ng bayan. Bakas din sa paligid ang mga magic barriers na ginamit kanina upang maprotektahan ang bayan laban kay Seteroth.

"Mas mabuti kung umalis po kayo kanina dahil hindi natin alam kung ano ang mga maaaring mangyari sa laban." Komento ni Zenith nang maalala niya ang sinabi niya sa dalawang bantay kanina.

"Wala rin namang mangyayari kung umalis kami dahil paniguradong hahanapin niya kami kung hindi mo siya natalo. Paniguradong siya o kasamahan niya rin ang may gawa ng gulo noon... sa pagkakatanda ko ay pitong buwan na ang lumipas."

"Anong nangyari?" Puno ng pagtatakang tanong ni Zenith, at nakita niyang sumenyas lang ang namumuno sa bayan ng Nukter. Mas lalo siyang nagtaka pero naintindihan niya rin ang sinenyas nito nang may magsaklob sa katawan niya ng tela.

"Doon na natin pag-usapan sa loob ng mansyon. Maiba lang, kung hindi ako nagkakamali ay kasama ka noon sa grupo na lumaban sa dragon cave, 'di ba?" Tanong ni Seldo, ang namumuno sa bayan ng Nukter.

"Opo, ako si Zenith."

"Sabi na nga ba't hindi pa ako binibigo ng memorya ko, lalo't tumigil pa kayo noon sa mansyon para makapagpahinga. Hindi rin kita malilimutan dahil ikaw ang laging dinidikitan noon ni binibining Diane, ang anak ni Mayor Silvanya."

"Ako nga po 'yon." Sang-ayon na lang ni Zenith dahil hindi niya rin alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Ang interes niya ay naroon pa rin sa nabanggit nitong gulo noon.

"Alam mo bang pinapahanap ka ni Mayor? Kaya bukas ng umaga ay sasamahan na kita sa pagbabalik mo sa Magus City. Alam mo bang nagtataka rin ako noon kung paano sila nakabalik, at wala na akong naging komento nang sabihin nila binibining Diane ang ginawa mong kabayanihan pati na rin ang pagkawala ni ginoong Arthur, ang tagapagmana ng mga Lerance.

Marami na rin kasing namatay sa expedition na 'yon at nakakapagtaka na pinapahanap ka pa ni Mayor Silvanya noon, pero tama sila na buhay ka pa dahil nandito ka ngayon para iligtas kami." Natigil si Seldo sa pagkukwento nang tuluyan silang makapasok sa loob ng mansyon, at sinenyasan niya si Zenith na umupo sa upuan sa loob ng kusina.

"Mas magandang kumain muna tayo bago ko i-kwento sa'yo ang tinutukoy kong gulo." Sumang-ayon naman si Zenith at nagpakabusog sa mga ihinandang pagkain sa mesa. Ngunit habang kumakain ay hindi pa rin maiwasang mapaisip ni Zenith sa mga nangyari habang nasa pangangalaga siya ni Master Na-Ol.

Hindi niya rin maiwasang mag-alala kay Diane, lalo't malinaw na sa kanya ang epekto ng celestial bonding, ang tawag sa pag-iisa nila ni Diane. Natutunan niya lang din ang mga bagay tungkol doon sa pamamagitan ni Master Na-Ol, at nagamit niya rin ng mabuti ang mga nakuha niya mula sa celestial bonding nila. Hindi na rin siya nagtataka kung bakit siya pinapahanap dahil nalaman niya rin kay Master Na-Ol na malalaman sa kabiyak sa celestial bonding kung buhay pa ang ka-bond nito.

"Isang massacre." Napalingon siya kay Seldo nang magsalita ito pagkatapos nilang kumain. Nagkaroon ng ideya si Zenith sa tinutukoy nito, at may hinala na siyang kaugnay talaga ito sa dragon cave expedition at sa nangyaring pag-atake kanina. Ngunit agad siyang na-blangko nang marinig niya ang mga sumunod pang sinabi nito.

"Carlile, Steno, at ikaw... kayo na lang ang nabalitang natira mula sa bayan ng Siltore." Madilim ang mukha na sabi nito, at mabilis napuno ang buong kusina ng killing intent ni Zenith habang bumabalik sa isip niya ang masasayang ala-ala niya sa bayan.

"Kaya ayokong i-kwento agad sa'yo dahil kumalat din iyon sa buong Magus Kingdom, at ang balita ay dalawa lang ang natira. Ngunit naalala ko nang nagtanong ka kanina na nabanggit niyo ni Steno noong tumigil kayo rito sa mansyon na galing kayo sa iisang bayan. Kung hindi ako nagkakamali ng alala, si Steno Siltore ang earth sparrow magus."

"Paanong kaming tatlo na lang ang natira?" Nagsusumigaw ang killing intent ni Zenith hanggang sa labas ng kusina, at hindi maiwasang matakot ni Seldo roon kaya nag-aalinlangan siya kung sasabihin niya ba ang nangyari sa bayan ng mga Siltore.

"Kung hindi ka dumating ay paniguradong natulad na kami sa bayan ng Siltore... isang karumal-dumal na pangyayari..." Habang kinukwento ni Seldo ang mga nangyari ay hindi napigilang maiyak ni Zenith, at hindi niya rin napigilang maglabas ng mas matinding killing Zenith na naramdaman hanggang sa sentro ng bayan.

"Hindi na ako magtatagal, pinunong Seldo. Kailangan kong bumalik sa Magus City." Mabilis siyang tumayo ngunit natigilan siya nang muling magsalita si Seldo.

"May isa pang problema, at paniguradong konektado rin iyon sa mga nangyayari. May hinala na ako kung sino ang nagtatraydor sa Magus City. Isa ako sa mga pinagkakatiwalaan ni Mayor sa mga pag-iimbestiga niya, at hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa'yo... pero paniguradong may kinalaman ito sa nangyayaring gulo ngayon sa pagitan ng mga Lerance at Mesero." Saglit uminom si Seldo ng tubig bago tumayo at tumabi kay Zenith upang akbayan ito.

"Anim na buwan na ang nakalipas nang marinig kong makipag-usap ang isa sa mga Tenseni sa hindi ko matukoy na tao. Nasa daan na ako noon pauwi dahil pinatawag ako ni Mayor Silvanya para sa pag-iimbestiga sa nangyari sa bayan ng Siltore. Nabanggit nila ang pangalan ni Letizia Mesero, ang isang kasamahan niyo sa dragon cave expedition... at nito lamang nakaraang buwan ay kumalat ang pagbubuntis ni Letizia sa hindi kilalang ama.

Doon na rin naglabasan na baka ginahasa ang dalaga dahil natagpuan itong tulala noon sa isang madilim na lugar ng Magus City. Ang mga Tenseni ang nag-umpisa na baka ang mga Lerance ang may gawa dahil sila lang ang may galit sa mga Mesero, at para makabawi sa pagkawala ng tagapagmana nila ay sinet-up nila si Letizia papunta sa lugar na 'yon upang lapastanganin.

Ngayon, hindi na kinaya ni Letizia at tinapos niya na ang buhay niya. Nawa'y mamayapa na siya pero ang kahina-hinala ay ang nangyaring pag-atake ngayon, ang ginawa nilang pagturo sa mga Lerance para gumawa ng gulo, ang narinig kong usapan, at ang pamamahala ng mga Tenseni sa mga expeditions sa Magus City..."

May sasabihin pa sana si Seldo ngunit natigilan siya nang sumigaw si Zenith na tila ba nagpa-panic ito habang nakatingin sa suot nitong singsing na umiilaw.

"Si Carlile... si Carlile! Hawak siya ng mga Tenseni... at... at ang usapan namin ay paiilawin niya lang ang singsing kapag nasa pahamak siya. Kung... kung tama ang hinala mo, pinunong Seldo... nasa matinding panganib ngayon ang kaibigan ko!" Natatarantang sabi ni Zenith at bakas ang matinding takot sa mukha niya. Hindi na siya nakapagpaalam pa at mabilis na tumakbo papunta sa lugar kung saan siya itinuturo ng suot niyang singsing.

"Carlile..." Hindi niya maiwasang umiyak habang tumatakbo patungo sa kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung may aabutan pa ba siya dahil malayo ang pinagmumulan ng soul force ni Carlile, at umaasa siyang sanay umabot pa siya.

Kung may mangyari mang masama kay Carlile ay hindi niya na alam kung ano ang magagawa niya sa mga Tenseni... lalo't pinaghihinalaan na rin pala ito ng mga kasama ni Mayor Silvanya sa pag-iimbestiga kung sino ang nagtatraydor sa Magus City.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon