Vol. 1: Ch. 15

176 26 0
                                    

Back to the City

...

[Zenith's POV]

Ngayon na ang huling araw bago kami bumalik sa Magus City, at ang sabi ni Master ay ipapaliwanag na raw niya ang mga rason kung bakit niya sa amin pinagawa ang mountain training. Hindi ko rin alam kung ako lang 'to, pero medyo gumanda ang hulma ng katawan ko dahil sa training na iyon.

Medyo maayos naman na ang pangangatawan ko bago pa ang training. Simula kasi nang maging labing-dalawang taong gulang ako'y sinimulan na akong sanayin ni Master. Hindi naman katulad ng ganitong training, mga paraan lang ng pakikipaglaban gamit ang kamay at iilang armas. Hindi nawala roon ang iilang push-ups at sit-ups na hindi ko naman nakikitang ginagawa ng ibang ka-edad ko.

Sila Steno at Carlile ay tinuturuan din naman ngunit sa paggamit lang ng basic spells at armas na eksperto ang pamilya nila. Kung hindi nga lang ako nangarap na maging magaling na magus, tinamad na sana ako sa pagsasanay na pinagawa sa akin ni Master noon.

"Zenith, may sasabihin ako sa'yo habang wala pa si Steno." Agad akong lumapit kay Master dahil mukhang seryoso ang sasabihin niya.

"Tandaan mo ang sasabihin ko sa'yong incantation." Wala na akong nagawa kung hindi pakinggang mabuti ang incantation na binibigkas ni Master. Nang matapos si Master ay binigyan niya ako ng ilang minuto bago ko sabihin ang incantation.

"Hindi mo talaga ako binibigo, e'di ikaw na!"

"Ikaw talaga ang gusto kong gayahin kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko, Master Zen."

"Nambola pa nga, sige na, hubadin mo na ang mga pang-itaas mong damit. Tsaka ko na sasabihin sa'yo kung para saan ito kapag natapos na natin." Sinunod ko naman si Master, at wala siyang sinayang na oras. Agad niyang nilapat ang hintuturo niya sa kaliwang dibdib ko, at naramdaman ko na lang ang init na ginagamit niya para guhitan iyon.

Tiniis ko ang sakit na dulot ng init, at nang siguro'y tapos na si Master ay tinignan ko kung ano ang ginuhit niya. Medyo hindi ako pamilyar dito ngunit isa ata 'tong runeword na ang ibig sabihin ay seal.

"Ngayon, i-focus mo ang soul force mo papunta sa kung nasaan ang ginuhit ko, at bigkasin mo ulit ang incantation." Walang pag-aatubili kong ginawa iyon, at nang matapos ay wala naman akong naramdaman na kahit ano. Nagtataka kong tinignan si Master dahil parang wala namang nangyari.

"Alam kong napansin mong nasa silver 5 na ang antas ng soul core mo. Hindi iyon makikita ni Steno dahil mas mababa ang antas ng soul core niya, ngunit kahit sinong mas mataas sa'yo ay mapapansin 'yon. Kaya ngayon, nilagyan kita ng sealing technique para hindi makita ng kahit sino kung gaano na kataas ang antas mo. Ang makikitang antas ng soul core mo ngayon ay papasok pa lang ng bronze 5. Hindi rin sila maghihinala dahil tataas pa rin naman ito kasabay ng pagtaas ng antas ng soul core mo."

Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa bagay na iyon dahil alam ko naman na tama lagi ang ginagawa ni Master. Hindi niya naman ako ipapahamak, at laging para sa ikabubuti ko naman ang iniisip niya.

"Si Steno pala, Master Zen. Ano na ang antas ng soul core niya?"

"Kasalukuyan siyang nasa bronze 5, at mas malakas ang pangangatawan ni Steno kumpara sa soul force niya. Sakto lang para sa isang tank type na magus, kung saan mas mahalaga ang tibay ng katawan kaysa sa soul force. Puro body reinforcement at crowd control ang skills na gagamitin niya, at hindi naman nangangailangan ang mga 'yon ng malaking soul force. Ngunit mas magiging matibay rin naman ang mga iyon kapag tumaas pa ang antas niya."

Marami pa talagang bagay ang dapat kong malaman para matulungan ko sa pagpapalakas ang mga kakilala. Hindi pa sapat ang mga kasalukuyang nalalaman ko na itinuro ni Master, at sigurado akong wala pa sa isang porsyento ang naituturo niya sa akin.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon