Vol. 1: Ch. 11

182 24 0
                                    

Soul Merging (2)

...

[Zenith's POV; Timeline:  2 days later - Magus Kingdom]

"Ngayon na ang huling araw para makumpleto mo ang soul merging. Hanga ako dahil mas mabilis mong nagawa ang mga pagsubok ng spectral wolf kumpara sa inaasahan ko. Kailangan mong magtagumpay ngayon dahil bukas ay physical training ka na." Bigla kong naalala na ang cultivation technique ni Steno ay physical training agad.

"Kapareho lang ba ng physical training ngayon ni Steno?"

"Hindi, pero sa natitirang pitong araw bago kayo bumalik sa Academy, parehas kayo ng gagawing training. Pauna lang ang kay Steno para sa tank-support build up niya, pero mas mahirap na ang gagawin niyo bukas. Magkaiba lang talaga kayo ng role kaya magkaiba ng starting point, at depende na rin iyon sa soul stone na hawak niyo."

Hindi ako natatakot pero napapaisip ako kung paanong physical training kaya ang gagawin namin? Sigurado akong mahirap 'yon dahil kailangang pumantay ang pisikal na pangangatawan ko sa nilalaman ng soul realm ko. Ang sabi ni master noon sa akin, kapag mahina ang katawan mo'y papatayin ka ng soul force na nasa loob ng soul realm mo habang nagcu-cultivate ka ng soul core.

Napakakumplikadong maging isang magus, at doon ka mapapahanga sa mga ekspertong magus. Hindi pa ako nakakakita ng totoong laban ng mga eksperto, pero tuwing nakikita kong makipaglaban ang mga Siltore sa mga demon ghoul na umaatake sa lugar namin, hindi ko maiwasang mapahanga.

Napapahanga rin ako sa mga skills na ginagamit nila, at nang maranasan kong gumamit ng skills, hindi pala ganoon kadali gamitin. Sa ilang araw na nasa loob ako ng spectral wolf kahapon, naranasan kong gumamit ng iilang skills ayon sa problemang kinakaharap ko.

Unang skill na natutunan ko ay ang Wolf's Howl skill, at ito ang tawag sa healing spell ko. Natutunan ko ito nang nasa sitwasyon ako kung saan katabi ko si Master Zen, at nag-aagaw buhay na siya dahilan para may sumigaw sa isip ko ng skill na Wolf's Howl. Wala na akong ibang magawa kung hindi isigaw ulit 'yon sa isipan ko dahil pakiramdam ko'y si Master Zen talaga ang katabi ko. Sa oras na natapos kong banggitin ang spell name ay nadagdagan ng siguro'y limang porsyento ang lakas ni Master Zen.

May enhanced version ang skill na 'yon kung saan ang isisigaw ko sa isip ko'y Continuous Wolf's Howl. Kapag ginamit ko 'yon ay patuloy na gagana ang heal spell, at ganoon din naman ang pagbawas ng soul force ko. Pinaliwanag din sa akin na ang nababawas na soul force sa akin ay nagre-regenerate ulit. Dalawa raw kasi ang uri ng soul force, ang isa ay ang foreign soul force na inaabsorb sa cultivation technique, at ang isa ay personal soul force na nasa loob na ng soul core at nagagamit para sa skills. Ang personal soul force ang siyang nagre-regenerate ulit.

Pangalawa ang Wolf's Territory skill, kung saan ay ikakalat ko ang soul force ko sa paligid hanggang sa limitasyon ng lakas ko. Ang sabi ng spectral wolf ay directly proportional ito sa lakas ng soul core ko, at may iba pang paraan para palawakin ang sakop nito. Tinanong ko na rin kay Master kung paano ang ibang paraan na 'yon pero ang sagot niya ay ako lang ang makakatagpo sa sarili ko.

Natutunan ko ang skill na 'yon pagkatapos ng Wolf's Howl, at iyon ay nangyari naman habang maraming taong malapit sa puso ko ang nasa paligid. Lahat sila ay pagod at nanghihina na, at kita ko sa harapan ko ang bilang ng mga kalaban na susugod sa amin. Tila ba wala ako sa aking sarili ng isigaw ko sa isip ko ang Wolf's Territory at ang healing spell na gagamitin ko.

Wolf's Territory:  Continuous Wolf Howl!

Nang mabigkas ko ang dalawang magkasunod na spell na iyon ay agad kumalat ang sakop ng soul force ko, at ang lahat ng nasa loob na nais kong i-heal ay sabay-sabay nagamitan ng heal spell. Maganda ang spell na 'yon ngunit malaking bilang ng soul force ang nababawas sa akin. Doon ako mas lalong natulak na magpalakas pa dahil siguradong kakailanganin ko 'yon sa maraming sitwasyon.

Ang panghuli na natutunan ko ay ang tinatawag na buff skill, at ang tawag ay Howl of Fortification. Ang skill na ito ay tumatagal ng dalawang minuto sa kung sino man ang maging target kong lagyan ng buff. Pwede ko itong gamitin sa Wolf's Territory ngunit malaking porsyento ng soul force ko ang mawawala. Malaki ang magiging tulong nito sa laban pero kailangan ko ng mas malakas pang soul force para magamit 'to sa mas maraming bilang ng tao.

Ang epekto ng buff skill na ito ay magkakaroon ng 1% life regeneration per 5 seconds ang lagyan ko, at titigil lamang ito kapag nawala na ang bisa nito o di kaya'y mamatay ang nilagyan ko. Bukod pa roon ay dodoble ang lakas nila ngunit epektibo lamang ito sa loob ng thirty seconds, at hindi ko rin pwedeng i-cast ulit ito sa iisang tao sa loob ng limang minuto.

Akala ko nga nung una ay niloloko lang ako ng spectral wolf ngunit nang subukan ko itong i-cast muli sa iisang target, nasira ang soul core nito. Nang itanong ko rin kay Master ay sinabi niya na hindi talaga maaaring magsunod-sunod ang iisang buff skill sa iisang tao. Ang maaari lamang mangyari ay magkakaibang buff sa iisang tao.

Nang tanungin ko si Master kung ganito rin ba ang mga skills na meron ang ibang may wolf soul stone, ang sagot ni Master Zen ay special skills ang mga na-acquire ko. Tanging mga nakipag-soul merge lamang sa awakaned soul stone ang maaaring makakuha ng mga special skills. Iba pa raw ang skills na matututunan sa mga skill books na siyang ginagamit ng mga magus na hindi nakipag-soul merge.

"Tama na ang pahinga, simulan na natin ang completion ng soul merging mo."

"Masusunod, Master Zen."

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon