Vol. 2: Ch. 26

146 25 1
                                    

Dance of the Sword God

...

[Zenith's POV]

Malakas akong napabuga ng hangin habang nanghihinang umupo sa lupa. Unti-unti na ring nawala ang usok kaya nakita ko na ang patay na katawan ng twin hounds. Kung sakaling hindi gumana ang ginawa ko ay paniguradong ako ang patay ngayon.

"Ano ang pwede kong gawin sa kanila?" Tanong ko kay Zealestia na nakaupo na ngayon sa tabi ko. Habol ko pa rin ang hininga ko habang kinukuha sa spatial amulet ko ang soul force regeneration scroll. Nang makuha ko'y agad kong ginamit upang manumbalik na ang lakas ko, at dahil per second ang heal nito ay humiga muna ako sa lupa.

Ginamit ko ang dalawang kamay ko bilang unan, at pinagmasdan ang mapayapang kalangitan sa dimensyon na ito. Nanatiling nakaupo si Zealestia habang mukhang nag-iisip kung ano ang gagawin namin sa twin hounds.

"Alam ko na, pwede mong gamitan ng extract spell para may makuha kang soul extract. May naituro ba sa'yo ang Master mo tungkol sa soul extract? Isa sa mga spells na dapat matutunan ng magus na naglalakbay."

"Nabasa ko na nga 'yon sa isang libro noon. Pwede kong ibigay ang soul extract sa mga kaibigan ko, magandang ideya." Napatango-tango ako sa naisip ko, at muling nag-focus sa pagtingin sa kalangitan. Ang tanda ko ay ice attribute si Arthur, at fire attribute naman si binibining Letizia. Paniguradong makakatulong sa kanila kapag matagumpay ang gagawin kong extracting.

Nang ma-regen na ang lahat ng soul force ko ay kinuha ko na ang extract spell scroll sa spatial amulet. Hindi rin naman ako nahirapang mag-extract kaya ngayon ay nagsisimula na ulit akong mag-ikot.

Hindi ko maiwasang matuwa sa ice at fire soul extract na nakatago ngayon sa spatial amulet ko dahil makakatulong ito sa dalawa kong kaibigan. Paniguradong mabilis silang makakaakyat sa silver kapag nagamit nila ito, ngunit hindi ko alam kung kaya ba nilang i-link ito sa soul core nila.

Problema na nila 'yon, at hindi ko rin naman sila pwedeng turuan dahil hindi naman ako eksperto. Kung sa sarili ko lang siguro ay pwede pa, pero mahirap kapag ituturo ko iyon sa ibang tao na kahit ako ay hindi ko pa nagagawa. Nabasa ko lang iyon sa librong ipinabasa sa akin ni Master noon, at walang ipinakitang demo si Master dahil wala raw siyang hawak na soul extract.

Muli kong ibinaling ang tingin ko sa daan, at ngayon ay dumako naman ako sa silangan. Gusto ko na sanang bumalik para maibigay ko na ang mga soul extract pero mas gusto ko pang maghanap ng kalaban.

Hindi ko pa nagagamit ang kakayahan ko sa pisikal na labanan pati ang howl of fortification kaya kailangan ko pang makahanap ng kalaban. Kailangan ko ng demon ghoul na mas mababa o 'di kaya'y kapantay lang ng soul force ko. Kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng ingay, at unti-unti kong naramdaman ang maraming bilang ng killing intent. Ngunit hindi naman iyon nakakatakot na killing intent, sa tingin ko ay bronze 5 lang talaga ang mga 'yon.

Marahang akong naglakad papalapit sa naglalaban, at hindi nagtagal ay naaninag ko na rin ang sign kung anong demon ghoul ang nandito.

"House of the imps." Basa ko, at may nakalagay na drawing sa tabi ng sign. Sa tingin ko ay iyon ang itsura nila ngunit mas maganda kung makikita ko talaga sa personal. Nagpatuloy ako sa paglakad patungo sa labanan, at hindi nagtagal ay nakarating ako sa isang open field.

Agad akong umakyat sa malapit na puno upang makitang mabuti kung sino ang nakikipaglaban, at muntik na akong mahulog nang makita ko ulit ang babaeng bumihag sa puso ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikita kung paano niya napapanatiling maganda ang itsura niya habang nakikipaglaban.

Sa nakikita ko ngayon ay nasa peak na siya ng bronze 5, at ang soul stone niya ay wind attribute. Kung titignan ding mabuti ang bawat skills at movements niya ay para siyang phoenix na lumilipad, at ang ganda niya ay tila sumisimbolo sa magandang pakpak ng phoenix.

Parang may nagkwento sa akin na ang mga royalty raw, lalo ang mga nasa pamilya ng Silvanya, ay nagsasanay at nagcu-cultivate ayon sa kung ano ang soul stone nila. Hindi tulad ng mga nasa nobility na kadalasan ay normal spells lang na hindi specialized para sa hawak nilang soul stone. Gamit ang isipin na 'yon ay malamang na siya ay isang wind phoenix.

Nanatili akong nanonood lang sa kanya ngunit tila hindi nauubos ang mga kalaban niya, at nakikita kong nauubusan na rin siya ng soul force. Gustuhin ko mang tumulong ay baka isipin niyang nilalapastangan ko ang pagiging royalty niya.

Habang tumatagal ay mas tumitindi ang pakikipaglaban niya, at nararamdaman kong umaabot na siya sa limitasyon at dulo ng mga kakayahan niya. Tila ba binibigay niya na ang lahat sa bawat ipo-ipo at pader na gawa sa nagwawalang hangin, ngunit hindi pa rin sapat 'yon dahil may mga panibagong dumadating. Malakas na ring hinahangin ang mga puno sa paligid, at maging ako ay nakakaramdam na ng panlalamig dahil sa lakas ng hangin na nagmumula sa mga panira at pansalag niya.

"Kaya pala gustong-gusto mo, magaling din naman pala." Napatingin ako kay Zealestia na nakikinood na rin ngayon, at napailing na lang ako na may ngiti sa labi. Ngunit nawala ang ngiti ko nang makita kong napapagod at nanghihina na talaga siya, at hindi ko na napigilang bumaba sa labanan nang hindi siya nakailag sa lambat na itinira ng mga imps.

Mabilis kong nilabas ang katana sa spatial amulet ko, at hindi ko alam kung saan ko na nailapag ang sheath nito. Buong lakas kong iwinasiwas ang katana upang mahati ang mga imps na nakaharang sa dinadaanan ko.

"Dance of the Sword God!"

Sigaw ko habang naka-Sword God stance. Ang kanang paa ko ay naka-forward, at ang kaliwang paa ko ay may ilang hakbang paatras. Ang katawan ko ay nakababa sa kanang tuhod ko, habang ang katana na hawak ko gamit ang kanang kamay ay nakapwesto sa kaliwang gilid ko. Ang kaliwang kamay ko ay nakalapat sa gilid ng katana, malapit sa dulo ng talim.

Saglit akong naghintay at nag-concentrate ng lakas ko bago ko maramdaman ang marahas na pagdaloy ng lakas sa katawan ko. Itinuro sa akin 'to ni Master noon, ngunit ngayon ko lang masusubukan na hindi wooden sword ang gamit.

"Unleash!"

Muli kong sigaw bago nagsimulang hiwain at hatiin ang mga kalaban. Malaya kong iwinawasiwas ang katana habang sumasayaw ayon sa gustong gawin at puntahan ng mga paa't kamay ko. Hindi ko na rin napapansin kung saan tumatalsik ang dugong lumalabas sa mga imps, ang nasa isip ko lang ay malaya akong sasayaw hanggang maubos ko ang kalaban.

Bawat hakbang at galaw ng kamay ay mas nagiging mapayapa ang isip ko, at mas lumalakas at bumibilis ang bawat paggalaw ko. Hindi nagtagal ay kalmado kong isinara ang mga mata ko, at lumalaban na lang batay sa soul force ng imps na nararamdaman ko. Kung saan man ito natutunan ni Master, paniguradong marami na siyang natalo gamit ang sword fighting style na 'to.

Natigil lamang ako nang wala na akong maramdaman na soul force ng imps, at nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga hati-hati at wala ng buhay na imps. Napuno rin ng dugo ang damit ko, pati na rin si binibining Silvanya.

Mabilis ko siyang nilapitan, at hindi ko makita ang reaksyon niya dahil ang mukha niya ay nakaharap sa lupa. Maingat kong inalis ang lambat, at kinakabahan ako dahil hindi pa rin siya gumagalaw.

"Pasensya na kung nakisali ako sa laban mo pero..."

"Salamat, kung hindi dahil sa'yo ay namatay ako." Nagulat ako nang bigla niya akong harapin at yakapin. Nang makabawi ako ay nanatili lamang ako sa pwesto ko. Ayoko namang i-take advantage ang mga nangyayari ngayon.

"Pinapatawad mo na ba ako sa hindi ko pagtayo nang pumasok ka sa room natin noon?"

"Wala na sa akin 'yon, ang mahalaga sa akin ay nailigtas mo ako ngayon. Kung saan mo man natutunan ang pakikipaglaban mo ay hanga ako sa kanya."

"Mas hanga ako sa galing mo, binibining Silvanya." Hanga pa rin talaga ako sa kanya dahil sobrang tapang niya kanina, at talagang ginagawa niya ang lahat para manalo.

"Pwede ba tayong magkita ulit dito bukas? Baka lang may sagot ka sa problema ko, lalo't kakaiba ang pinakita mong galing kanina."

"Pwedeng-pwede po, binibini. Ikagagalak ko pong makatulong sa inyo." Pagkatapos ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Naghiwalay kami ng daan pabalik, at hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang dami kong na-accomplish sa araw na ito.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon