The Dragon Meets The Tiger
(Caution: The context of this chapter is inappropriate for kids. There were no explicit scenes, just the context.)
...
[Zenith's POV]
Habang nagpapahinga sila'y nagpaalam ako na maglilibot lang muna at titignan ang mga bagay-bagay rito sa paligid ng spring, Pumayag naman silang lahat maliban kay Diane na nagpumilit sumama kaya wala na akong nagawa kung hindi isama siya, at ngayon ay nakaupo kami sa tabi ng isang balon. Inutusan kasi ako ni Zealestia na dumako sa direksyon na 'to dahil may naaamoy siyang masangsang na soul force at killing intent.
"Bakit tayo tumigil dito? May espesyal ba sa balon na 'to?" Inangat ko lang ang kanang kamay ko at inilagay ang hintuturo sa labi, hudyat na tumahimik lang siya. Naintindihan niya naman ako at hindi ko napigilang matawa ng mahina sa ginawa niyang pag-nguso. Paano ako makakapag-focus nito kung may kasama akong ganito?
"Pwede naman kitang samahan pabalik kung gusto mo." Alok ko sa kanya na agad niya namang inilingan at tuluyan akong natawa nang peke siyang ngumiti.
"Hindi ako makakapag-focus nito sa gagawin ko eh. Tara, ihatid na kita paba-" Natigilan ako nang makaramdam ako ng marahas at mabigat na soul force mula sa balon, at sa bigat nito ay tila ba hinihila ako nito papasok. Agad kong nilabas ang katana ko at buong lakas na isinaksak sa lupa upang hindi ako mahatak patungo sa balon, ngunit mas lumalakas pa ang paghatak nito sa bawat segundong lumilipas.
"Zenith!" Mabilis akong napalingon kay Diane, at hindi ko na siya natulungan pa nang mabilis siyang hinatak ng balon. Wala na akong nagawa kung hindi bumitiw sa katana ko at magpahatak na rin sa balon. Mariin ko na lang ipinikit ang mga mata ko dahil kasalanan ko rin na isinama ko pa siya rito kahit binalaan na ako ni Zealestia kanina.
"Zenith, pinigilan kaming makapasok ng barrier!" Dinig kong sigaw ni Zealestia, at nang tumingala ako ay roon ko tuluyang napagtanto na lahat ng kapangyarihan namin ay naiwan sa itaas ng balon. Kung ano man ang meron sa ilalim nito, sana ay makalabas pa kami ni Diane.
...
Ilang minuto na ang lumilipas ngunit tila ba walang katapusan ang kalaliman nitong balon kaya nagtataka kong idinilat ang mga mata ko, at agad kong nakita si Diane dahil sa lumalabas na maliwanag na soul force sa kanya. Hindi man sigurado pero sinubukan kong gumalaw, at ngayon ay tila ba nasa ilalim kami ng tubig. Sinubukan kong lumangoy papunta sa kanya, at nang makaalis ako sa pwesto ko ay nagtuloy-tuloy lamang ako sa paglangoy.
Nang tuluyang makalapit sa katawan niya ay agad ko siyang hinawakan sa kamay upang mahatak papalapit sa akin, at maingat ko siyang niyakap gamit ang kaliwang kamay ko habang nagpapatuloy sa paglangoy gamit ang kanang kamay.
Lumangoy lang ako nang lumangoy pasulong, at nang makatagpo ako ng liwanag ay walang pagdadalawang-isip akong lumangoy papunta roon. Hindi naman ako nahihirapan dahil wala naman talagang tubig, ngunit nang malapit na ako ay nabasa ang dulo ng kamay ko na tila ba may natamaan akong tubig.
Napailing na lang ako at hindi iyon pinansin, ngunit nang ulitin ko ang paglangoy paangat ay tuluyang nabasa ang kanang kamay ko, at maya-maya lang ay pumasok na rin ang ulo ko sa tubig. Doon ko tuluyang napagtanto na papasok na kami sa tubig, ngunit nagtaka naman ako dahil wala akong naramdamang tubig kanina. Napabuga na lang ako ng hangin, at naghanda ng hininga ngunit napatigil ako sa akmang pagpasok sa tubig nang maalala kong kasama ko si Diane na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Saglit pa akong nagdalawang-isip bago mabilis na sinuong ang tubig, at ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay mabilis na makarating sa nakikita kong liwanag... kahit pa hindi ako sigurado kung ligtas na nga ba kami pagdating doon.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasyBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...