Steno's Spotlight
...
[Zenith's POV]
"Kinakabahan ako, ngayon ko lang masusubukang lumaban sa silver 5 na training ground." Pawis at namumutlang sabi ni Steno habang pumapasok kami ngayon sa entrance ng silver 5 training ground.
Napag-usapan kasi namin kagabi na rito kami didiretso ngayon. Pinasulat ko na rin sa kanya 'yong petrify runeword sa empty runestone, at isa 'yon sa gagamitin niya ngayon sa pagsasanay niya.
"Kaya mo 'yan, at heto nga pala, may ibibigay ako sa'yo." Muntik ko pang makalimutan na ibigay sa kanya ang lance na binigay sa akin dati ni Master Zen.
"Para saan 'to?"
"Panglaban? Pangpatay ng demon ghoul?" Pamimilosopo ko sa kanya dahil halata naman ang sagot sa tanong niya.
"I mean, tank support ako, 'di ba?" Napailing-iling na lang ako sa katangahan niya ngayon, dala na rin siguro ng kaba niya.
"Alam mo, kulang ka siguro sa kain. Malamang kailangan mo ng armas panglaban! Kaya ka nga tinuruan ni Master Zen makipaglaban, 'di ba? May sakit ka ba ngayon? Ayos ka lang? Parang lutang ka pa eh." Napabuga na lang ako ng hangin at hinatak siya papunta sa hilaga nitong training grounds. Nanggaling na ako rito nung isang linggo, at nakakita na ako ng fire attribute na grupo ng demon ghouls. Magagamit niya roon ang newly acquired petrification spell niya.
"Sorry, kinakabahan kasi talaga ako. Hindi rin ako nakatulog sa pagsasanay para ma-activate ang runeword." Hingi niya ng tawad nang tumigil kami sa isang puno malapit sa house of fire goblins.
"Ayos lang, gusto ko lang din namang matauhan ka. Tulog ka pa 'ata eh." Biro ko, dahilan para mapangiti siya at mahinang napailing.
"Nga pala, noong papaalis na tayo sa bayan ay binilin ni Master sa akin ang lance na kapit mo ngayon. Ang sabi niya ay ibigay ko raw sa'yo 'yan kapag silver rank ka na at kapag nakatagpo ka na raw ng special petrify runeword."
"Minsan talaga, naiisip kong manghuhula si Master dahil sa sobrang galing niyang mag-isip. Akalain mo 'yon, alam niyang makakatagpo talaga ako ng special petrify runeword. Teka, ano pala ang connect nung runestone sa lance?" Masusi niyang tinignan ang lance, at nang walang makita ay nagtataka niya na akong tinignan. Agad ko namang binuksan ang isang hidden socket sa gitna nito at itinuro sa kanya.
"Subukan mong ilagay ang runestone riyan tapos isara mo, at kapag tingin mo ay ayos na, simulan mong ilagay ang soul force mo sa lance."
"Gagana kaya? Nakailang ulit na ako ng practice kagabi pero hindi ko naman napagana ang runeword."
"Wala namang masama kung susubukan mo." Kibit-balikat kong sabi at sumang-ayon naman siya roon.
...
[3rd POV]
Maingat na inilagay ni Steno ang runestone sa hidden socket, at hindi pa man niya nailalagay ng mabuti ay nagsimulang magliwanag ang runeword. Hindi maiwasang mamangha ni Zenith at Steno sa nangyayari, at excited na isinara ni Steno ang hidden socket ng lance.
Huminga muna siya ng malalim bago ginawa ang fighting stance na paulit-ulit itinuro sa kanya ni Master Zen. Kinuha niya rin ang shield niya dahil wooden shield ang kapit niya sa kaliwang kamay tuwing sinasanay siya ni Master Zen. Doon niya lang din napagtanto na sakto sa lance at shield ang fighting stance na 'yon, at nang ipikit niya ang mga mata niya ay mabilis na dumaloy ang kulay kayumangggi na soul force niya sa lance at shield.
Ang kaliwang paa niya ay naka-forward habang ang kanang paa naman ay naka-backward. Ang shield na hawak niya naman sa kaliwang kamay ay nakatutok sa langit, at ang kanang kamay ay nakapantay sa bewang habang ang kapit nitong lance ay nakatutok ng 45 degrees sa langit.
Nang dahil sa concentration training ay naging madali para kay Steno na i-concentrate ang soul force niya papunta sa buong parte ng katawan niya, pati sa lance at shield. Napaatras naman si Zenith dahil sa bigat ng soul force na inilalabas ngayon ni Steno, at dahil doon ay natatawag na rin ni Steno ang atensyon ng mga fire goblins na nasa malapit.
Unti-unting humuhulma sa kamay niya, mula sa lance and shield, ang isang gauntlet na gawa sa bato at umabot iyon hanggang sa balikat niya. Nagsimula ring umukit ang petrify runeword sa gauntlet.
"Pierce of the Earth Spirit! Unleash!" Sigaw ni Steno nang makumpleto niya na ang required soul force para sa stance, dahilan upang magwala ang soul force niya na tuluyang nakatawag sa mga fire goblins.
"Woah!!! Astig!" Sabay nilang sabi nang magkatinginan sila. Ngunit agad din silang naalarma nang mapansing napapalibutan na sila ng fire goblins. Ang mga pulang halimaw na isang metro ang tangkad, at may mga ngipin na lahat ay pangil. May mahahaba itong tenga, at ang tuktok ng ulo pati ang mga kamay ay may nagliliyab na apoy.
"Doon ako sa tuktok ng isang puno. Tutulungan kita kapag kinakailangan." Sumang-ayon naman kaagad si Steno kaya umakyat na si Zenith sa puno at pinanood kung paano makikipaglaban si Steno sa mga fire goblins.
Mabilis nagbago ang emosyon ni Steno, at ngayon ay naka-focus na siya sa mga fire goblins na nagsisimula na ring umatake sa kanya. Nang makalapit ang isa ay mabilis niyang ginamit ang lance upang tusukin iyon, dahilan upang maging bato ito at mabilis niyang hinampas ng katawan ng lance upang madurog.
Sa bawat lumalapit ay ganoon ang ginagawa niya, dahilan upang magalit ang mga fire goblins. Nagsimulang mag-ipon ang mga ito ng soul force at sabay-sabay na sumigaw, dahilan upang balutin ng apoy ang buong katawan nila. Imbes na lumapit kay Steno ay nag-ipon sila ng soul force sa kamay at nagsimulang ibato iyon kay Steno.
Mabilis namang ginamit ni Steno ang kalasag upang saluhin ang mga ibinabato ng fire goblins, at sa bawat pagtama ng apoy ay sumasabog ito, dahilan para mahinang mapaatras si Steno. Nakaramdam na rin ng kaba si Zenith ngunit may tiwala siya kay Steno kaya pinanood niya lang kung ano ang maiisip nitong paraan.
Mabilis namang nag-isip si Steno mula sa mga nabasa niya sa librong pinagmulan ng runeword, at nang may maalala siyang special spell na nakasulat sa dulo ng pahina ay walang pagdadalawang-isip niyang ginamit ang concentration technique na natutunan niya sa training. Inilagay niya ang focus ng soul force niya papunta sa mga fire goblins at mabilis na ginamit ang special spell.
"Holy Petrification of the Earth God!" Nang i-cast niya ang spell ay marahas na nagwala ang soul force niya at mabilis na kumalat papunta sa mga fire goblins. Dahil hindi hamak na mas mataas ang antas ng soul core niya kumpara sa mga fire goblins, mabilis na naging bato ang mga ito at kusang nadurog hanggang sa maging alikabok.
Hindi maiwasang magulat ni Steno sa nangyari dahil hindi niya inaasahang kaya niyang maglabas ng ganoong kalakas na spell, at ganoon din naman ang pagkamangha ni Zenith sa kaibigan niya. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman niyang saya na makitang malakas na rin ang malapit niyang kaibigan.
"Zenith! Nagawa ko!" Natutuwang sigaw ni Steno at hindi pa rin makapaniwalang tinitignan ang nangyari sa mga fire goblins.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasyBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...