Vol. 2: Ch. 29

142 25 0
                                    

Group Fight (1)

...

[Zenith's POV]

"Kaya ba natin 'to?" Nag-aalalang sabi ni Steno, at hindi ko naman siya masisisi dahil may mga nauna sa amin na hindi nagtagumpay. Habang ang susundan naman namin na nakikipaglaban na ngayon ay nahihirapan ding manalo. Mula sila sa ibang klase, at may kasama silang royalty at halos lahat ay mga nasa mataas na nobility.

"Tiwala lang, kaya natin 'yan." Sabi ko na puno ng kasiguraduhan. Kita ko rin kasi sa soul core ni Arthur at Letizia na nakapasok sila sa peak ng bronze 3, kaya sigurado akong kakayanin namin ang laban. Ramdam ko rin ang lakas ng twin hounds sa dalawa kaya kahit ganyan lang ang rank nila, pwedeng mag-exceed ang lakas nila sa kung anong rank nila.

Kung sakaling may masaktan man ay malakas naman na ang heal ko kaya makakaya kong i-sustain sila. Pwede ko ring gamitin ang howl of fortification pero kapag kailangan na nila ng karagdagan na lakas.

Natanong ko nga rin kagabi si binibining Silvanya tungkol dito bago kami naghiwalay ng landas pauwi. Ang sabi niya ay hindi raw siya pinasama ng ama niya, at ang rason ay hindi niya rin daw alam. Wala na rin naman akong magagawa tungkol sa bagay na 'yon, at wala rin naman akong karapatan kaya hindi na ako nagtanong pa.

Muli ko na lang binalik ang pansin ko sa nakikipaglaban dito sa malaking dimensional screen. Nagagawa naming mapanood ang labanan sa pamamagitan nito, at iyon ang nakakakaba dahil lahat ng kasali ay may mga nakalagay na observer spells. Magiging ingay 'yon kapag nilabas ko ang totoong lakas ko, lalo't ang alam nila ay mahina lang ako.

Hindi ako pwedeng makakuha ng atensyon dahil pwede nilang halungkatin ang mga impormasyon tungkol sa'kin at kay Master Zen. Ayaw na ayaw pa naman ni Master na may makaalam ng totoong pagkatao niya. Kaya nga kahit ako'y hindi na nagtatanong kapag sinabi niyang hindi niya pwedeng sabihin.

"Mukhang nalimutan din nila ang attribute compatibility." Dinig kong komento ni Arthur, at sumang-ayon naman ako dahil pinagsabay nila ang apoy at yelo. Halos ma-negate ang damage nila dahil magkaibang level of soul force ang casters. Mas malakas ang soul force ng fire caster kaya mabilis natutunaw ang freeze cage nung ice caster.

Imbes na ma-hold ay nababawasan lang ng tunaw na yelo ang lakas ng apoy, dahilan para sobrang konti lang ng mabawas nila sa kalaban. Hindi ko kasi ramdam dito kung ilan na lang ang nalalabi nilang soul force, pero base sa nakikita ko'y humihina na ang bawat panira nila.

"Malapit na silang matalo, hindi man lang nila nagawan ng malaking bawas ang main demon ghoul." Komento naman ni Letizia, at halata sa boses niya ang kaba.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na ang laban, at hindi nagtagumpay ang grupo na talunin ang kalaban. Habang kami naman ay binigyan ng isang minuto para maghanda at magpalakas ng loob.

"Focus lang at 'wag basta-basta gagamit ng kapangyarihan. Madami na kayong napanood na mas effective ang physical fight kumpara sa paggamit ng magic. Basta hindi ko kayo papabayaan, laban lang. Okay?" Huling bilin ko.

"Okay." Sabay-sabay nilang sagot, at sabay-sabay rin kaming naglakad papasok sa entrance. Hindi tulad kanina na nasa forest sila, kami ay napunta sa disyerto. Kung ganoon ay kalaban din namin ang init ngayon kaya kailangan namin ang isang spell ni Arthur.

"Arthur, pwede ka bang mag-freeze coat?" Tanong ko, at wala naman siyang naging reklamo. Mabilis siyang nag-cast ng spell, at nang malagyan na ako ng freeze coat ay naramdaman ko ang lamig na katulad sa lamig ng panira ng ice hound.

"Mahina lang naman ang bawas nito sa soul force mo, 'di ba?"

"Tumatagal ng thirty minutes ang freeze coat, at maliit lang ang bawas niya sa soul force ko kaya ayos lang." Napatango-tango naman ako sa sagot niya, at konti lang din talaga ang nakita kong bawas nito sa soul force niya. Hindi naman daw kasi talaga 'to heavy buff, sakto lang na magagamit kapag mainit ang klima o lugar ng paglalabanan.

Nabanggit niya lang din 'to sa meeting namin, alam niya kasing may posibilidad na sa disyerto kami mapunta. Kung sa winter type na lugar naman ay blazing coat ni Letizia ang gagamitin namin. Normal naman din daw na ginagamit ang coats ng ice at fire attribute kapag naglalakbay ang mga magus.

"Sino ang uunahin nating patayin?" - Steno

"Kaya niyo bang kayo lang dalawa ni Letizia sa mga minions ng main demon ghoul?"

"Kaya 'yan... kung hindi, e'di patay." Pabirong tugon ni Letizia sa tanong ko sabay kamot sa batok niya. May tiwala rin naman ako dahil mahina lang ang minions kumpara sa lakas ni Letizia, at magaling din namang mag-support si Steno. Si Master din naman ang nagsanay sa kanya kaya sigurado ako sa kakayahan niya.

"Sige, kaya namin 'to, nand'yan ka naman para mag-heal sa'min." Nag-thumbs up pa si Steno sa akin kaya mahina akong natawa. Nilingon ko naman si Arthur at Rosia na agad akong tinanguan, hudyat na didiretso kami sa main demon ghoul.

"Kaya natin 'to." Muli kong pagpapalakas ng loob nila bago kami tuluyang pumasok sa demon ghoul zone.

...

[3rd POV]

Nang makapasok ang grupo nila Zenith ay bumungad sa kanila ang grupo ng mga scorpion na anyong tao. Ang itsura nito ay tila isang tao ngunit ang kamay ay gawa sa scorpion claws, ang mga mata'y kulay dilaw, at ang ngipi'y tila mga basag na salamin. Ang pwetan nila ay may scorpion tail na ang dulo'y nakaangat sa ere, at ang kulay ng balat ay itim na may mga linya na bumubuo ng runeword na 'venom'.

Sa likod ay nakatayo ang namumuno sa pangkat, at ang hulma ng katawan nito ay pang-babae. Ang kamay nito ay may pakpak ng ibon, at ang ulo nito ay hindi kita dahil sa telang nakasaklob dito. Ngunit kita sa dilim ang mga linya sa mukha nito na bumubuo rin ng runeword na 'venom', habang ang mga dilaw na mata'y nagliliwanag din sa dilim.

Marahan nitong itinaas ang kamay dahilan upang bumuka ang pakpak nito, at naglabas ito ng kakaibang killing intent na kahit malayo ang grupo nila Zenith ay naramdaman nila ang bigat nito.

"Let there be darkness! (Translated from Ancient Demon Language)"

...

"Anong nangyayari? Tama naman ang portal na ginawa natin, 'di ba?" Agad na tanong ng namumuno sa group fights nang balutin ng dilim ang dimensyon kung saan napunta sila Zenith.

"Sir, may nangyaring disturbance nang pumasok ang isa sa kanila, at nang magsara ay tuluyang naging unstable ang portal. Ikinalulungkot ko pero hindi natin hawak ang dimensyon na napuntahan nila." Report ng isa sa nagbabantay sa portal, dahilan upang magkagulo ang mga guro at nagbabantay. Lalo't kasama sa mga pumasok ang dalaga ng Mesero at tagapagmana ng Lerance.

"Kumilos ang lahat! Kailangan nating maayos ang lahat, at kailangan nating mailigtas ang mga estudyanteng nasa loob! Kilos!" Utos ng taong may pinakamataas na posisyon sa Academy.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon