Vol. 2: Ch. 27

152 27 1
                                    

Group Meeting

...

[Zenith's POV]

"Zenith!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang tawag at katok ni Steno. Siya lang naman ang ganyan ang boses, at mukhang kasama niya na rin ang tatlo dahil ramdam ko ang soul force nila. Hindi ko rin alam pero pagkatapos kong lumabas sa training grounds ay mabilis na akong makaramdam ng soul force, maliban na lang siguro sa iba na sinasadyang hindi iparamdam ang soul force nila.

Nagkusot muna ako ng mata bago tuluyang tumayo para pagbuksan sila, at hindi pa ako nakakapagsalita ay agad na silang pumasok sa loob. Ang huling pumasok ay si Arthur at isinara niyang mabuti ang pinto.

"May nalimutan kaming sabihin sa'yo nung kumain tayo kahapon ng umaga. May in-assign kasi ang guro natin na task, at kailangan na grupo ng lima ang lalahok. Kinuha ka na agad namin dahil maaari kang makuha ng ibang grupo." Umpisa ni Rosia at hindi nakaiwas sa mata ko ang pagdantay niya sa hita ni Steno habang magkatabi sila sa kama. Palihim na lang akong napangiti sa nakita ko.

"Bakit nga pala ako pag-aagawan? Kailangan ba ang isang mahinang tulad ko?" Nagtataka kong tanong nang mapagtanto ko ang huli niyang sinabi.

"Ang kakalabanin kasi natin ay bronze 2 demon ghoul, at may mga kasama raw na alagad. Kaunti lamang ang healers sa klase natin kaya sinigurado na naming sa amin ka mapupunta. May nagreklamo pa nga na bakit daw dalawang support ang nasa grupo namin, kahit daw sana ikaw ay ibigay namin. Ayon, napilitan akong gamitin ang pribilehiyo ng pagiging Mesero ko." Tugon naman ni Letizia na mukhang naiinis pa rin sa nangyari.

Sabagay, kahit sino siguro ay magiging desperado maghanap ng healer kung bronze 2 ang kakalabanin. Ngunit paano kaya ang magiging sistema? Kami ba ang maghahanap?

"Tayo ang maghahanap ng demon ghoul?" Tanong ko para makumpirma at agad namang akong inilingan ng apat na nasa harap ko.

"Bago ang lahat, bukas na nga pala ang laban natin, kaya dapat na tayong magplano ng gagawin. Ang sagot naman sa tanong mo, may arena sa tabi ng Magus City Library. Doon gaganapin ang laban, at hindi raw tayo tutulungan hangga't hindi pa tayo nasa delikadong sitwasyon." Napatango-tango ako sa paliwanag ni Arthur, at nakuha ng pagsasanay na 'to ang interes ko.

"Para maayos natin ang plano, isa-isa nating sabihin ang magiging role natin." Suhestiyon ni Arthur na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Crowd control support." - Steno

"Burst offense." - Letizia

"Crowd damage per second." - Rosia

"Defense buffs, freeze and slow offense." - Arthur

"Healer." Ako ang huling nagsalita, at bago ko pa malimutan ay nilabas ko na ang soul extract sa spatial amulet ko. Alam kong magtataka sila pero malaking tulong 'to para sa magiging laban bukas. Nagtataka si Letizia at Arthur nang sa kanila ko inabot ang soul extracts.

"Nakuha ko 'yan habang nagsasanay ako sa training grounds. Naisip ko kasi na magagamit niyong dalawa 'yan dahil sakto sa attributes niyo." Paliwanag ko sa kanila at nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi na sila nagtanong pa. Nagpasalamat lang sila, at hindi rin naman nagtampo si Steno at Rosia dahil halata naman ang attribute ng soul extracts na ibinigay ko.

"Bago tayo mag-umpisa ng plano, alam niyo ba kung paano gamitin ang soul extract?" Tanong ko para sigurado at tumango naman sila pareho.

Nagsimula na ang pag-aayos ng magiging plano namin, at ang unang binigyan ng role ay si Rosia at Steno. Sila ang naka-assign sa mga alagad ng kakalabanin namin dahil pareho silang sinanay para sa maramihang kalaban. Ang sumunod naman ay si Arthur at Letizia na para naman sa main demon ghoul dahil naka-focus sa burst damage si Letizia, at kaya namang pabagalin ni Arthur ang kalaban habang nagbibigay ng defense buffs sa kanilang dalawa.

Ngunit kung ako ang tatanungin ay hindi maganda ang ginawa nilang partnering. Magkakasulangat ang attributes ng pinagsama nila, masyado silang nag-focus sa kung sino ang parehong specialty. Isa sa mga sinabi sa akin ni master ay isa sa pinakadelikadong gawin ay pagsamahin ang hindi compatible na attributes.

Pinili ko na lang munang hindi magsalita habang abala sila sa pagsasabi kung ano ang mga gagawin nila, at inoobserbahan ko rin kung ano ang mga skills na kaya nilang gawin. Nang matapos sila ay doon ko nabuo ang mas magandang plano na magagamit namin ang max potential nila.

"Kung hindi niyo mamasamain... may naiisip din kasi akong plano." Panimula ko, hinihintay kung ano ang sasabihin nila, at bumwelo na ako nang sumenyas sila na sabihin ko ang naisip kong plano.

"Ayos naman sa akin ang sinabi niyong plano pero may malaki kasing pagkakamali sa attributes. Isa kasi sa mga itinuro sa akin ay 'wag na 'wag pagsasamahin ang magkasalungat na attribute, at ang rason ay hihina ang lakas nito. Halimbawa ay ang ice shard ni Arthur at blazing breath ni Letizia. Ang plano ay iho-hold ni Arthur ang main demon ghoul gamit ang yelo, pero ang mali roon ay nagkaroon na ng fire resistance ang demon ghoul dahil pinalamig mo ang katawan niya, at may nakabalot pang yelo. Ang mangyayari roon ay masasaktan lang ni Letizia ang demon ghoul, pero hindi niya mapupuruhan dahil sa yelo." Dumako naman ang tingin ko ngayon kay Steno na mukhang hinihintay ang magiging komento ko.

"Sa inyo naman, Steno at Rosia. Maganda sana na kayang i-root ni Steno ang mga alagad ngunit kung gagamitan mo ng kuryente, may posibilidad na dalhin lang ng root ang kuryente papunta sa lupa. Kaya ang naisip kong pagsamahin ay si Rosia at Arthur, tapos si Steno at Letizia. Kayang patindihin ng root ni Steno ang apoy dahil mag-aapoy ang tree roots, at magandang conductor naman ng lightning strikes ni Rosia ang tubig. Narinig ko kanina na kaya mong gumamit ng water skills kaya makakatulong 'yon. Iyon lang naman ang naisip ko, pero kayo pa rin ang masusunod." Tinapos ko na ang naisip kong plano at hinayaan silang mag-isip kung ano ang pipiliin nila.

Sa tagal ng pag-iisip nila ay nagkasundo silang gamitin ang sinabi kong plano dahil mas may sense raw ang paliwanag ko. Komento rin nila na muntik na nilang malimutan ang compatibility ng attributes, at mabuti na lang ay naisip ko pa raw 'yon. Sa totoo lang ay wala naman talaga sa aking kaso kung gamitin nila ang plano nila dahil pwede rin naman, hindi ko lang sigurado kung magiging maganda ang resulta.

"Sino ang payag na si Zenith ang taga-gawa natin ng istratehiya? Bukod sa siya ang healer natin?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Letizia, at mas nagulat ako dahil itinaas nilang apat ang kamay nila. Ganoon ba kaganda ang sinabi kong plano para mapag-isipan nilang gawin akong strategist? Basic knowledge lang naman ang mga ginamit ko ah?

"Wala na akong magagawa kaya susubukan ko na lang ang best ko kapag mag-aayos tayo ng plano natin." Iyon na lang ang nasabi ko, at saglit lang din bago tuluyang tinapos ang meeting namin. Nagpaalam na sila para sanayin ang kanya-kanyang lakas at skills.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon