Vol. 3: Ch. 43

117 21 0
                                    

Zenith vs Blizzard Dragon (1)

...

[3rd POV]

"Master, napatay nila si Diregonus... at may kakaibang lakas akong naramdaman habang pinapatay nila ang alaga mo. Pakiramdam ko'y makakahadlang sila sa mga plano natin, at mas matindi pa ang hawak nilang ebidensya dahil namatay ang isang binata mula sa pamilya ng Lerance." Pagbabalita ng misteryosong lalaki sa kanyang Master, at binalot siya ng kaba nang matunugan niya ang galit ng kanyang master.

"Pakawalan ang ika-walong miyembro ng Banshee Council, at sabihin mo kay Blizzard Dragon ang nangyari sa kanyang anak." Agad nitong pinutol ang communication scroll kaya hindi na nakatugon pa ang lalaki, at wala na rin siyang magawa kung hindi pasukin ang sikretong daan sa loob ng kweba. Nang makarating sa tapat ng isang malaking pinto ay agad siyang naglabas ng isang scroll at nagbanggit ng mga incantations. Habang nalalapit siya sa katapusan ng incantation ay siya ring unti-unting pagliwanag ng mga sealing runewords sa pinto.

"Release!" Malakas niyang sigaw, dahilan upang tuluyang magliwanag ang pinto, at pagkatapos ng ilang segundo ay mabilis na nawala ang liwanag at unti-unting bumukas ang pinto kung saan nagsimulang lumabas ang isang marahas at galit na galit na soul force. Mabilis na umalis ang lalaki nang maramdaman niya ang matinding killing intent ng blizzard dragon na tila wala itong sasantuhin at kikilalanin dahil sa pagkamatay ng anak nito.

...

[Zenith's POV]

"Anong tinitignan niyo? Talikod!" Mabilis kaming napatalikod ni Steno nang sabay kaming sigawan nila Rosia at Diane. Wala rin naman sa isip ko na nasiraan nga pala ng damit si Letizia, at ang buong atensyon ko ay nandoon pa rin sa pagkamatay ni Arthur. Naging tahimik lang ang paligid, at dinig kong binibihisan nila si Letizia na hindi raw makagalaw dahil sa trauma.

"Zenith." Dinig kong bulong ni Steno kaya lumapit ako sa kanya upang pakinggan kung may sasabihin man siya.

"Nakikita mo ba 'yon?" Tanong niya na ipinagtaka ko kaya tinignan ko rin ang lugar kung saan siya nakatingin ngayon, at mula sa malayo ay natatanaw ko ang kulay asul at puti na soul force na unti-unting lumalaki hanggang sa tuluyang kong maramdaman ang isang matinding killing intent. Agad akong napalingon sa tatlong babae na mukhang naramdaman na rin ang matinding killing intent na 'yon.

"Umalis na kayo ngayon, at kailangan kong maiwan upang hindi kayo masundan." Mabilis kong pagdedesisyon dahil papalapit nang papalapit ang pinagmumulan ng killing intent, at nang makita ko ang pag-aalala sa mukha nila ay maingat kong inisip ang susunod kong sasabihin.

"Kailangan niyong makauwi at sabihin kay Mayor ang mga nangyari ngayon. Kung lahat tayo ay magpapaiwan ay mataas ang posibilidad na mamatay lang tayong lahat, at mawawalan ng saysay ang pagkamatay ni Arthur kung mangyayari 'yon." Pagkumbinsi ko sa kanila ngunit ayaw pa rin nilang gumalaw kaya nagmamakaawa kong tinignan si Diane.

"Tama si Zenith, kailangan nating makarating sa Magus City para masabi kay papa ang mga nangyari sa atin. Hindi natin pwedeng hayaan na mapunta lang sa wala ang lahat." Malungkot niya lang akong tinignan habang pinipilit sila Steno, Rosia, at Letizia na umalis. Nang maramdaman din nila na sobrang lapit nang pinanggagalingan ng killing intent ay mabilis silang naglakad palayo, at nang makalabas sila ng kweba na bumukas kanina ay pare-pareho nila akong tinignan ng malungkot.

Nginitian ko lang sila at itinaas ang kanang kamay upang magpaalam, at nang tumalikod na sila ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa pinagmumulan ng matinding killing intent.

...

[3rd POV]

"Zealestia." Nang banggitin ni Zenith ang pangalan ni Zealestia ay agad nitong naintindihan ang gagawin at mabilis na binigay ang lahat ng lakas kay Zenith, dahilan upang muling bumalot sa kanya ang berdeng soul force na kahulma ng taong-lobo.

Sa isang kisapmata lang ay mabilis na tumaas ang soul core ni Zenith mula sa platinum 4 dahil sa activation ng soul remnant, ngayon naman ay umakyat ang soul core niya sa platinum 3 dahil kay Zealestia. Kahit siya ay gulat na gulat nang maramdaman niya kung gaano na kalakas ang soul core niya.

"Master, kung maaari ay pagbigyan niyo rin po akong ipakita ang lakas ko. Ngayong sapat na ang soul force mo at may soul remnant ka na rin ng kapatid kong si Aysis, ipapaubaya ko na sa'yo ang hidden technique ng mirror realm na wala sa libro." Kausap ni Kasero sa isip ni Zenith, at dahil wala na ring oras para magdalawang-isip ay sumang-ayon na siya, lalo't ngayon ay nakikita niya na ang  Blizzard Dragon.

"I-focus mo ang soul force mo sa galit at poot, at buong lakas mong isigaw ang spell na ipapasok ko sa isipan mo." Turo sa kanya ni Kasero, at agad namang dumaloy sa sistema niya ang matinding galit niya sa nangyari kay Arthur.

Habang abala si Zenith sa pag-focus ng soul force niya ay siya rin namang matinding galit na dumadaloy sa ama ni Diregonus na si Dorseroph, o mas kilala sa pangalang Blizzard Dragon. Nagngangalit ang killing intent at ang soul force niya, dahilan upang ang bawat tapakan, pati na rin ang paligid ng dinaanan niya ay nagyeyelo. Nagsimula na ring bumugso ang matinding hangin, lalo nang maramdaman niya ang lakas na nagmumula kay Zenith.

"Ikaw ang pumatay sa anak ko! Dito mo siya pinatay kaya rito ka rin mamamatay!" Galit na sigaw niya nang makita niya si Zenith na ganoon din ang galit at poot na nararamdaman. Sa isang iglap, ang halimaw na kahulma ng tao ay unti-unting nag-aanyong dragon. Sa lakas ng soul force na nilalabas niya ay nagkaroon ng malakas na pagsabog, dahilan upang gumuho ang kweba. Maagap namang nakalabas si Zenith bago ito mahulugan ng malalaking bato, at naiwan si Dorseroph sa loob.

Nang patapos na ang pag-iipon ni Zenith ng lakas ay siya rin namang paglabas ni Dorseroph sa kweba, at galit na galit na bumuga ng marahas na hangin na tila ba isang ipo-ipo ngunit may kasamang malalaki at matutulis na tipak ng yelo.

"Mirror Realm: Absorb!" Subok na pagsalag ni Zenith habang hindi pa kumpleto ang kailangan niyang pagpapalit ng soul force, ngunit nabigo siya kaya mabilis siyang napailag. Sa lakas ng ibinuga ni Dorseroph ay dumiretso ito hanggang sa kailaliman ng lupa. Nang makitang hindi tinamaan si Zenith ay muli itong bumuga ng panira na mas mabilis at mas malakas, at walang ibang magawa si Zenith kung hindi umilag.

"Tama ba ang ginagawa ko, Kasero?" Tanong niya dahil kanina pa siya nag-fofocus pero hindi pa rin niya nakukuha ang kailangan niyang soul force na puno ng galit at poot.

"Tama ngunit masyado kang mabait... pero magiging mabait ka pa kaya kung si Diane ang tinarget kanina? At bago kainin ay harap-harapang hinalay sa harapan mo? Paano kung mamatay ka ngayon at ganoon ang gawin kay Diane ng halimaw na 'to?" Sinabayan pa ni Kasero iyon ng ilusyon na tugmang-tugma sa sinabi nito. Doon na tuluyang naging blangko ang isipan ni Zenith, at ang kaninang berdeng soul force mula kay Zealestia ay nahaluan ng itim, at ang mga kamay at paa niya ay nabalutan ng diamond na magaang lamang ngunit kapag tinamaan ang kalaban ng kahit anong tira niya ay sampung beses ang itataas ng lakas nito.

"Darkness Ultimatum: Empire of the Demonic Mirror!" Malakas niyang sigaw, dahilan upang sumabog ang maitim at puno ng galit na soul force niya. Ang lupa sa paligid niya ay unti-unti ring nagkaroon ng mga itim na diamond, at mas lumawak pa ang sakop nito.

Habang nasa loob ng field na gawa sa black diamond ay mas tumataas pa ang rank ng soul core niya, at ngayon ay umakyat na siya sa diamond 5. Hindi man permanente ngunit maaaring sapat na rin upang magamit niya sa laban na ito.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon