Book 1 Finale Part 3
...
[Master Zen's POV]
"Master, nagsimula na ang hinihintay mong laban." Napalingon ako kay Star Sylph habang hinahanda ko ang mga kakailanganin ko sa ikatlong hakbang. Sa totoo lang ay muntik na akong hindi umabot sa batang ako, at alam kong maaaring mangyari 'yon dahil kinikilala na rin ako ng dimensyon na ito. Isa lang ang maaaring mabuhay sa amin, at kailangan kong gawin ang ikatlo o ang panghuling hakbang mula sa natagpuan kong mga nawawalang pahina sa libro ng Time, Space, and Dimensions.
Hindi ko rin inakala na rito ko pa matatagpuan ang mga mahahalagang pahina na sinadyang punitin sa libro, at doon ko nalaman ang marami pang sikreto na itinatago ng libro. Panigurado akong alam ni Tempus ang mga mangyayari na 'to ngunit hindi niya lang pwedeng sabihin sa akin. Muli kong tinignan ang anak ng batang ako, at hindi ko maiwasang malungkot... ngunit kailangan ko siyang isakripisyo para matapos ang mas marami pang trahedya sa panahon na ito at sa panahon na pinagmulan ko.
Mabuti na lang at hindi pa sapat ang detection ability ni Mayor Silvanya noong gumamit ako ng spell para itanim sa batok niya. Inakala niya talagang lamok iyon, at nang mag-teleport ako sa loob ng kwarto kung saan siya dinala ng mga paa niya ay laking pasasalamat ko na inisip niya na lang na guni-guni lang ako.
Kung hindi dahil doon ay hindi ko matatagpuan ang mga nawawalang pahina... at ang pinakamahalagang nalaman ko ay ang kwento sa likod ng Banshee Council. Ngunit doon ko na lang iyon iisipin sa panahon at lugar kung saan ako nabibilang.
"Zenith, ikaw na ang bahala rito." Hindi ko naiwasang makaramdam ng luha habang naririnig ang pag-iyak ng anak niya, at sisiguraduhin kong hindi ko sasayangin ang pagsasakripisyo rito.
"As the ritual begins, let the memories of this sacrifice fade from the memories of all those who knew. Let the threads of the dimensions connect, let the time not be the hindrance. As the fates of all the existing connect, let some of my choices be an exception. I, Zenith Celud, proclaim the salvation. (Translated from an Unknown Language)"
...
[3rd POV]
Halos masira na ang lahat ng mga nasa paligid ng labanan, at dahil matindi ang nagagawang pinsala ng bawat pagtatama ng reyna at ng halimaw ay napilitang mag-ultimate release si Tres para lang maprotektahan sila laban sa sunod-sunod na bugso ng marahas na impact.
"Hindi ba natin siya tutulungan? Nalalapit na siyang maubusan ng lakas!" Nag-aalalang sabi ni Zenith habang inaalog ang balikat ni Tres at Deseros.
"Iyan na rin ang plan B namin kapag hindi sumunod sa plano ang misteryosong lalaki." Basag ang boses na tugon ni Tres habang tinitignan ang reyna na ngayon ay halatang napapagod na sa laban, at tila ba hindi man lang nito nabigyan ng matinding pinsala ang halimaw. Doon pa lang ay alam na ni Tres kung ano ang kahahantungan ng laban nito.
"Bakit hindi pa natin siya tulungan ngayon? Bakit kailangan pang maghintay?" Patuloy na niyugyog ni Zenith ang balikat ni Tres habang hindi na mawari kung kikilos na lang ba siya sa sarili niya o susundin niya ang plano ng grupo.
"Hindi... ang plano ay ang hayaang mamatay si Master para magamit ang form na iyon sa pag-seal sa halimaw." Blangko lang ang emosyon ni Tres habang ang mga mata'y pinapanood ang nangyayaring laban. Halos hindi na rin niya ito masundan dahil masyadong mabilis ang bawat galaw at palitan ng mga atake. Kita na rin ang matinding pinsala sa palasyo, at kung sakaling magwagi sila ay paniguradong mahihirapan na ring ibalik sa normal ang lahat.
"Hindi ako papayag... mali ang ginagawa ninyo. Natatakot lang kayong lumaban... akala ko pa naman ay handang-handa kayong gawin ang lahat para matalo ang halimaw. Ngunit ngayon ay bahag na ang mga buntot niyo, at mas pinipili niyo na lang manood at isakripisyo ang pinuno ninyo. Kayo dapat ang tawaging mga hangal!" Akmang lalabas na si Zenith nang hawakan ni Tres ang balikat niya, at nakaramdam siya ng paninigas ng buong katawan niya sa paraan ng paghawak nito.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasyBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...