Vol. 4: Ch. 58

101 19 0
                                    

Calm Before the Storm

...

[Zenith's POV]

Abala ako sa pag-iisip kung paano ako makakapasok sa mansyon nang mamataan ko si Mayor Silvanya na tila hindi mapakali habang tinatahak ang daan patungo sa mansyon. Hindi na ako nag-alinlangan pa at nagmamadaling tumakbo papalapit sa kanya.

"Mayor." Pagtawag ko ng pansin niya at hindi naman ako nabigo nang lingunin niya ako. Saglit siyang natigilan at natulala habang tinitignan ang kabuuan ko. Nagkibit-balikat na lang ako nang nagtataka niya akong tinitigan sa mukha, at ilang segundo pa kaming nanatiling nakatitig sa isa't isa bago ko napagtanto na nakatago nga pala ang soul force ko.

May mga nakapagsabi na rin sa akin na malaki ang pinagbago ng pangangatawan at itsura ko, at kahit si Denden ay hindi na rin napigil umamin bago ako umalis sa pangangalaga ni Master. Dagdag pa na mainit ngayon ang usapin tungkol sa mga traydor, at maaaring ginagaya ko lang pala ang sarili kong mukha.

Maingat akong naglabas ng kaunting soul force namin ni Diane, at nagtagumpay naman ako nang mapatango-tango siya ngunit masama pa rin ang tingin niya sa akin.

"Pa, ako 'to... si Zenith." Subok kong biro at mahina akong natawa nang halos matanggal na ang mga mata ko sa lakas ng pagbatok niya sa akin.

"Talagang papa na ang itatawag mo sa akin dahil papanagutan mo si Diane."

"Ha?" Sa gulat at pagtataka sa narinig ay hindi ko sinasadyang nasabi ang dapat ay nasa isip ko lang, ngunit huli na ang lahat dahil hinahalikan na ngayon ng lupa ang pisngi ko sa lakas ng pagbatok niya. Sa halip na tumayo agad ay nanatili pa rin ako sa ganoong pwesto habang iniisip ang sinabi ni Mayor Silvanya.

"Ibig sabihin-"

"Oo, hindi ko alam kung paano mo napikot ang anak ko pero dinadala niya ang anak mo ngayon. Bilisan mo, tumayo ka!"

"Aray!" Daing ko nang mariin niyang hinawakan ang tenga ko at tila galit na hinatak ako patayo. Sa sakit ay dali-dali akong tumayo at sinundan ang bawat paghatak niya sa tenga ko. Ngunit hindi ko rin maiwasang mapangiti habang unti-unting pumapasok sa isip ko ang mga bagay-bagay.

Ni-hindi ko na rin alam kung paano ba ako magre-react dahil magiging ama na ako, at kung suswertihin nga naman ay ang babaeng pinapangarap ko ang nagdadala ng anak ko. Hindi naman ako nahirapan na mapalapit ang loob ni Diane sa akin pero hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko ngayon... para ba akong nanalo ng bagay na tila imposibleng makuha.

"Diane!" Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagtawag ni Mayor kay Diane, at doon ko lang din namalayan na nasa tapat na pala kami ng isang malaking pinto na nakaukit ang pangalan ni Diane.

"Ayokong makipag-usap-"

"Kahit si Zenith ang kasama ko?!"

"Ilang beses mo na 'yan ginawa sa akin, papa! 'Wag ngayon, ayaw akong makipag-usap ni baby sa mga tao ngayon." Parang bata nitong sabi, at hindi ko naman napigilang matawa ng mahina habang bumabalik sa alaala ko ang mga panahong palagi ko siyang inaasar at nagmamaldita siya sa akin. Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nakaramdam ng ganitong saya dahil masyado akong nag-focus sa pag-eensayo at pagpapalakas ko.

"Zealestia!" Sigaw ko sa pangalan na kaming dalawa lang ang nakakaalam, dahilan upang makarinig ako ng malalakas na yabag ng paa papunta sa pintuan. Nang halos masira na ang pinto sa bilis at lakas ng pagkakabukas dito ay agad akong ngumiti, at tuluyang lumaki ang ngiti ko nang masilayan kong muli si Diane. Hindi ko na rin namalayan na umaagos na pala ang luha ko habang pinagmamasdan siyang nakangiti at umiiyak na rin.

Walong buwan na rin ang lumipas nang huli kaming magkita sa totoong oras, ngunit kung isasama ko pa ang oras na nag-eensayo ako sa loob ng Spectral Wolf Dimension na sinagad namin ni Master Na-Ol ang time difference ay aabot na sa 11 years ang pagkawalay ko sa kanya.

Katumbas kasi ng pitong araw sa dimensyon na iyon ay isang oras sa totoong oras. Sa tatlong buwan ay may 91 days, bawat araw ay anim na oras akong nag-eensayo sa Spectral Wolf Dimension, tapos pitong araw kada isang oras... ah basta ganoon na katagal! Na-compute na namin ni Master Na-Ol 'yon eh, basta ganoon!

Mahina na lang akong napailing-iling at umayos na ako ng tayo nang bitiwan na ni Mayor ang tenga ko. Nag-alangan naman akong yakapin siya, takot na baka maipit ang baby namin, at mukhang naintindihan naman niya ako.

"Pwede mo kaming yakapin ni baby, 'wag lang masyadong mahigpit." Basag ang boses na sabi niya, at hindi na ako nagdalawang-isip pa na yakapin siya.

"Iwan ko na kayo, may gagawin pa ako." Dinig kong sabi Mayor ngunit hindi ko na masyadong nabigyang-pansin nang kumalas sa yakap si Diane at mabilis akong hinatak papasok sa kwarto niya. Halos atakihin na rin ako sa puso nang padabog niyang sinara at ni-lock ang pinto.

"Kumalma ka lang, baka maalog ang baby na-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dumampi ang labi niya sa labi ko.

...

"Hindi ba masasaktan si baby sa ginawa natin?" Nagtataka kong tanong habang nag-aayos ng damit ko, at nakita ko naman siyang umiling-iling habang isinusuot ang damit niya na naibato ko pala sa malayo.

"Pasensya na kung ganito ang naging bungad ko sa'yo... imbes na kumustahin ka at tanungin kung bakit ngayon ka lang nakabalik o kung paano ka nakaligtas."

"A-ayos lang." Mahina akong umubo upang mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin alam kung makakaya ko pang itago ang soul force ko na ngayon ay nagpupumilit kumawala dahil na rin sa karagdagang lakas na nakuha ko sa ginawa namin ni Diane.

Mahina ko na lang sinampal ang pisngi ko nang bumalik sa isip ko ang ginawa namin kani-kanina lang.

"Kumalma ka, Zenith!" Kausap ko sa sarili ko, at imbes na kumalma ay mas lalo lang gumulo ang lahat nang lumabas si Zealestia.

"Nako, alam mo bang maraming lalaki na ang natalo at namatay dahil sa pagkahumaling sa babae? Kung iisipin kong mabuti ang mga impormasyon na ipinasok ng mga Spiritual Lords sa utak ko, kadalasan sa mga namatay na bayani ay dahil lang naakit ng babae. Hindi naman sa sinasabi long kalaban si binibining Diane, pero gusto ko lang ipaalala sa'yo ang mga problema na nakapasan sa balikat mo."

Masama niya akong tinignan, dahilan upang matawa si Diane, at napakamot ako ng ulo nang naramdaman kong pagtutulungan ako ng dalawa na 'to.

"May naging babae ba 'tong Master mo?" Seryoso akong tinignan ni Diane na may halong pagbabanta.

"Denden ang pangalan."

"Oy! Hindi totoo 'yan! Kaibigan lang 'yon."

...

Nagpatuloy lang ang mga asaran at kwentuhan naming tatlo hanggang sa mapagod kami at makaramdam ng gutom. Nagpresenta akong kumuha ng pagkain ngunit pinigilan ako ni Diane at sinabing may magdadala naman daw dito sa kwarto.

"Bukas ha, ipakita mo sa akin ang sinasabi mong pagbabago sa lakas mo." Parang bata nitong sabi, at kanina niya pa ako kinukulit, lalo nang malaman niya kay Zealestia na pwede ko siyang isama sa Spectral Wolf Dimension dahil sa celestial bond namin.

Hanggang sa lumipas pa ang oras at ngayon ay mahimbing na siyang natutulog sa tabi ko. Hindi ko maiwasang purihin ang kagandahan niya... ngunit unti-unti akong kinakain ng kaba at takot dahil masyadong masaya ang araw ko ngayon. Paano kung may kapalit pala ang kasiyahan na 'to?

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon