Vol. 5: Ch. 79

91 10 0
                                    

Book 1 Finale Part 4

...

[3rd POV]

Nang tumarak ang overlord katana sa lupa ay nagkaroon ng isang malakas at marahas na pagsabog ng soul force, dahilan upang masira at magtalsikan ang lahat ng mga bagay na nasa paligid ni Zenith. Ngunit hindi pa roon natapos ang marahas na bugso ng soul force dahil tuluyang lumubog ang overlord katana sa runeword, at sa bawat paglubog nito ay mas rumarahas pa ang bawat bugso ng soul force at killing intent na lumalabas kay Zenith.

Nang tuluyang lumubog ang overlord katana ay tila ba nilalamon ng dilim ang paligid ni Zenith, at mas lumalawak pa ito sa bawat segundong lumilipas. Hindi iyon nakatakas sa paningin ng halimaw at ng buong Banshee Council na abala sa nangyayaring laban.

Malakas na sumigaw ang halimaw na gumawa ng nakakabinging tunog, at sinundan iyon ng isang malaking bola ng apoy na patungo sa posisyon ni Zenith. Ngunit tila ba alikabok lang ito na nilipad at naglaho sa kadiliman na bumabalot kay Zenith.

Nang dahil sa nangyari ay nagkatinginan sila Dos, Tres, at Deseros na sinundan ng kakaibang ngiti na tila ba nagkasundo-sundo sila sa isang bagay kahit wala silang sinasabi. Mabilis na pumwesto si Dos sa hindi kalayuan ngunit tanaw pa rin ang nangyayaring labanan, at ang kaninang nakatago lang sa barrier na si Tres at Deseros ay pumasok na rin sa labanan.

"Athena's Book, Ultima Despertar!" - Dos

"Janus' Orb, Ultima Despertar!" - Tres

"Chakram of the Twin Dragons, Ultima Despertar!" - Deseros

Halos sabay-sabay nilang release ng kanya-kanyang ultimate awakening, ngunit dahil ang overlord relic ni Deseros ay nasa mansyon ni Mayor Silvanya ay ang mga kamao niya ang nagkaroon ng balot na tila ba ulo ng dragon.

"Ilabas niyo na ang lahat ng kaya niyong ilabas." Gumuhit ang mala-demonyong ngiti sa labi ni Dos, at sumalamin din ang ngiti na iyon sa labi nila Tres at Deseros. Nagpatuloy naman ang pag-atake ng reyna habang ang halimaw ay abala sa pagsalag sa mga atake na 'yon habang tila walang kinabukasan na pinapaulanan ng panira si Zenith na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang paglabas ng ultimate awakening.

Nang tingin ni Dos ay pasok na ang lahat sa area ng labanan ay mabilis niyang inangat ang dalawang kamay na kapantay ng kanyang dibdib. Pinagdikit niya ang magkabilang hintuturo at ganoon din ang ginawa sa hinlalaki, at bumuo ng tatsulok gamit iyon. Wala siyang sinayang na oras at inipon ang soul force niya patungo sa gitna ng tatsulok na nagawa niya. Nang sapat na ang soul force ay mabilis niyang ikinilos ang mga daliri, at ngayon ay ang kaliwang hintuturo niya ay nakadugtong na sa kanang hinlalaki at ang kanang hintuturo naman ay nakadugtong sa kaliwang hinlalaki upang makagawa ng parihaba.

"Athena's Final Tactic: Perfect Cage!!!" Nilagay niya ang lahat ng lakas niya sa spell na iyon, at wala pang isang segundo ay tila kabute na umangat ang apat na transparent na pader sa paligid ng labanan. Mabilis ang naging pag-angat nito, at nang sapat na ang taas ay tila kidlat na nagsara ang ilalim at itaas na parte nito na para bang isang kulungan.

Sakto namang pagkatapos mabuo ng perfect cage ay natapos din ang ultimate awakening ni Zenith, at naglabas ito ng kakaibang bugso ng killing intent na kung hindi dahil sa perfect cage ay makakaapekto ito sa mga taong nasa malapit. Maging si Dos ay nakaramdam ng kakaibang bagay na hindi niya rin maipaliwanag nang tumama ang inilabas ni Zenith na killing intent sa mga pader ng perfect cage.

Muli namang sumigaw ang halimaw na tila ba mabibingi ang sino mang malapit dito nang tila naging abo ang kamay nito na ginamit upang suntukin si Zenith noong nagtagumpay na ang ultimate awakening nito.

Hindi naiwasang mamangha ni Dos, Tres, at Deseros sa ultimate awakening ni Zenith. Nakasuot ito ngayon ng itim na itim na samurai armor, at ang likuran ay may tila kapa ng mga katana na nakapaikot habang ang talim ay nakatutok sa gitna ng bilog. May mga katana rin na nakapiligid na nakatutok ang talim palabas kay Zenith na hindi tumitigil sa pag-ikot, at tila ba mahahati ang sino mang lalapit dahil sa bilis ng pag-ikot nito kay Zenith.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon