Vol. 3: Ch. 39

130 21 1
                                    

Expedition Continues

...

[Zenith's POV]

"Ano ang nangyari?" Interoga ko kay Arthur habang tinatahak namin ang kaliwang daan, at ang grupo naman ng mga babae ay sa kanan dumaan. Nandito na kasi kami ngayon sa sinasabi ng mapa na kailangang maghiwalay ang grupo, at ang sabi ni Rosia ay kailangan daw iyon para hindi ma-detect ng mga nakatagong higher rank na demon ghouls ang mga dumadaan.

Mabilis daw kasi 'yong maka-detect kapag maraming tao ang magkakasama, at iniisip daw ng mga demon ghouls na 'yon na gustong kunin ang teritoryo nila. May usap-usapan daw na diamond rank ang mga 'yon, at dahil mababang rank lamang ang pinapadala rito ay kailangang mag-ingat.

"Oo nga, hindi naman nila tayo maririnig kaya i-kwento mo na." Segunda ni Steno na ngayon ay nakaakbay na kay Arthur.

"Hindi niya raw alam ang sasabihin niya, at bigyan ko raw siya ng oras at espasyo para mag-isip." Blangko ang emosyon na sinabi ni Arthur, at hindi ko naiwasang tapik-tapikin ang balikat niya dahil ramdam kong nag-aalala siya na baka masira ang pagkakaibigan nila.

Natahimik tuloy kami ni Steno, at minsan ay nagsasabi na lang kami ng mga biro para gumaan ang loob ni Arthur. Habang naglalakad ay hindi ko rin maiwasang isipin ang tungkol sa anomalya na gustong ipatingin sa amin ni Mayor Silvanya.

Kung titignang mabuti ay hindi naman 'ata talaga para sa low ranks 'to, ngunit wala siyang magawa kung hindi ipagkatiwala sa amin dahil sa requirements ng expedition na 'to. Nabanggit niya kasi na malaking issue pa raw kapag higher ranks ang pinadala niya sa misyon, at parang harap-harapan niya na ring nilabanan ang buong bayan ng isang pamilya.

Ngayon, kung iisipin ay kailangang maghiwalay sa daan na ito... pero paano kaya kung may bantay kami ngayon na dapat talagang mag-aalalay sa amin sa expedition na 'to? Baka mamaya, nandito pa lang sila ay pinatay na pala sila nung bantay, at ang pirmahan ay nagaganap kapag nagpapahinga ang grupo bago magpatuloy rito, o 'di kaya'y nagaganap ang pirmahan sa malapit na bayan.

Ngunit kung ganoon ay maaaring malaman iyon ng katabing bayan nitong forest kapag dito sila pinatay. Nasabi kasi sa amin na may mga bantay raw silang pinapadala rito upang mag-report sa kanila kapag may mangyayaring pagsalakay ng mga demon ghouls. Mahahalata nilang may pinapatay o pinatay rito kung ganoon ang iisiping sitwasyon. Siguro ay hindi pa rito, baka sa mas malayo pa talaga, o kaya'y roon na mismo sa dragon tower nangyayari ang anomalya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, at dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakalabas na pala kami ng forest. Hinihintay na lang namin ngayon ang grupo ng mga babae, at hindi rin naman nagtagal ay nakita na namin silang papalabas na rin ng forest.

Pinagpahinga muna namin sila, at naglabas na rin kami ng mga baon naming pagkain dahil nakaramdam na kami ng gutom. Halos tatlong oras na rin kasi kaming naglakad kanina para lang makarating dito, at kaunti lang din naman ang kinain naming umagahan kanina.

"May mga nadaanan ba kayong kalaban?" Tanong ni Rosia na agad namang inilingan ni Steno.

"Buti naman at ligtas tayong nakarating lahat dito. Nakakatakot pa naman kanina sa dinaanan namin dahil madilim ang paligid dulot ng mga puno." Dagdag naman ni Diane, at napansin kong tahimik lamang si Letizia sa isang gilid. Hindi tulad noon na magkasama na sila ni Arthur at nag-uusap... ngayon ay ang awkward nilang tignan.

Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sa matapos na ang lahat kumain, at ngayon ay nagliligpit na kami. Nang matapos ako sa pagliligpit ng kinainan ko ay nilabas ko na ang mapa at tinignan kung saan kami susunod na pupunta. Sa palagay ko'y maaaring dito na nagkakaroon ng anomalya dahil nahahati na sa dalawang destinasyon ang pupuntahan. Ang isa ay mas mabilis na makakarating sa dragon tower ngunit may note na delikado roon, at ang isa naman ay ligtas ngunit mas malayo ang tatahaking daan.

Spectral MagusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon