A Complicated Relationship
(A revelation of story between Arthur and Letizia)
...
[Zenith's POV]
"Wala na ba kayong naiwan?" Tanong ko nang makalabas na kami sa gate ng Magus City. Hawak ang mapa sa kanang kamay ay muli kong tinignan ang mga tao at bahay na tanaw mula sa labas ng gate. Kung ano man ang mangyayari sa expedition namin ay wala akong ideya, at kung tama ang kutob ni Mayor ay may posibilidad na hindi na rin kami makabalik.
May dalawang alagad siyang inutusan para magbantay sa amin pero hindi pa rin naman sigurado kung sapat na nga ba sila sa expedition na 'to. Nakakakaba at nakakatakot pero ito rin ang sinumpaan kong bagay bago ko makuha ang soul stone ko. Magpapalakas ako at gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang lahat ng mga tao at malalapit sa buhay ko.
Nang matapos nilang i-check ang kanya-kanyang spatial amulet ay nag-thumbs up na sila sa akin, hudyat na maaari na kaming magsimula sa paglalakbay. Hindi normal sa isang estudyante na makatuntong agad sa silver kaya pinili kami ni Mayor para sa expedition na 'to. Mataas ang ekspektasyon niya sa amin kaya susubukan namin ang lahat ng makakaya namin upang hindi siya mabigo.
"Ang unang landmark natin ay ang willow forest, at ang sabi ay may bronze ranked demon ghouls doon kaya maging handa tayo sa anumang sneak attack." Paalala ko habang pinapangunahan ang paglalakad patungo sa lugar. Medyo malayo pa naman ang willow forest, at may mga bayan pa naman kaming madadaanan para makapagpahinga.
"Madadaanan pa natin ang bayan ng mga Sekato at Nukter. Pwede tayong tumigil doon para magpahinga at kumain. Maayos at mababait naman ang mga tao roon." Wika ni Rosia habang tinitignan ang mapa na hiniram niya sa akin.
"Nakapunta ka na sa willow forest?" Tanong naman ni Steno na ngayon ay pasimpleng umakbay kay Rosia. Hindi naman iyon pinansin ni Rosia, at may kumukulit ngayon sa akin na akbayan ko rin daw siya pero hindi ko ginagawa dahil may nakabantay sa amin.
"Nakapunta na ako noon dahil sinama ako ni papa para maghanap ng wild berries." Dinig kong sagot ni Rosia, at hindi ko na nasundan pa ang usapan nila dahil may kumukulit talaga sa gilid ko.
"Akala ko masungit ka, hindi ko alam na ganito ka pala ka-clingy." Panunuya ko at tinignan niya ako ng masama dahil doon.
"Ikaw 'tong gumamit sa akin ng hindi ko alam kung ano, tapos ganyan ang sasabihin mo sa'kin? Sa'yo nga lang ako nagkakaganito." Mataray niyang sabi na ikinatawa ko naman.
"Oo na! Oo na! Baka siraan mo pa ako kay Mayor eh." Natatawa kong sabi at napatingin ako sa likod nang marinig ko ang pag-ubo ni Arthur at Letizia.
"Akala ko maglalakbay, maglalandian pala." Nagpipigil ng tawa na sinabi ni Arthur, at sumang-ayon naman si Letizia roon.
"Sussss! Bakit ba kasi ayaw niyo pa mag-aminan? Para hindi kayo naiinggit!" Kantyaw naman ni Steno, dahilan para matawa ako ng malakas. Akala ko ay ako lang ang nakakapansin.
"Wala namang dapat aminin." Kibit-balikat na sabi ni Arthur na sinegundahan naman ni Letizia. Napangiti na lang ako sa mga nangyayari dahil hindi ko talaga na-imagine na mangyayari sa akin ang ganito. Nakakatakot tuloy isipin na baka nasa ilalim lang ako ng isang spell, at baka panaginip o ilusyon lang pala ang lahat ng ito.
...
Inabot na kami ng gabi bago makapasok sa loob ng willow forest dahil dumaan pa kami sa malapit na bayan, at napalaban pa kami sa mga demon ghouls na humarang sa amin kanina. Mahihina lang naman sila kaya hindi kami nahirapan.
Ngayon ay nagtayo muna kami ng mga baon naming tent para matulog ngayong gabi, at naghanda kami ng dalawang bonfire para sa grupo ng lalaki at ng babae. Tatlo lang din ang tents namin, at ang naka-aassign na magkasama ay si Arthur at Steno, Rosia at Letizia, at ang pangatlo ay kaming dalawa ni Diane.
BINABASA MO ANG
Spectral Magus
FantasyBook 1 of Spectral Magus | Complete ... Isang binata na siyang magiging manliligtas. Isang lalaking nagmula sa hinaharap upang tulungang lumakas ang batang bersyon niya. Ang mga trahedyang hindi mapipigilang mangyari. Ang mga taong gustong supilin a...