May pasok na ulet kami at naging busy nga kaming lahat sa school sunod-sunod ang naging project namin nitong mga nagdaang linggo, di ko narin masyadong nakikita sila kuya at mel ang madalas ko lang kasama ay si eira dahil magkaklase kami. Paminsan-minsan si clarence, kevin, at zack nakakasalubong namin di rin namin sila nakakasama dahil may ginagawa sila.
Nakaupo lang ako sa room namin habang nagbabasa ng libro ramdam ko ang titig sa akin ni eira. Kaya tinignan ko siya.
"May problema ba?" Tanong ko sa kaniya. Nimudmud niya ang ulo niya sa lamesa niya. "Di ko na alam gagawin sa buhay ko yesa! Ang sakit na ng ulo ko sa dami nating gagawin! Nakakaiyak." Reklamo niya. Hinimas ko naman ang likod niya.
"Di lang ikaw, ilang araw na din ako walang maayos na tulog kakagawa ng school works." Napabuntong hininga na lang ako. Naiisip ko andami na namang nadagdag sa gagawin ko.
"Nahihirapan ako sa accounting! Yesa ikaw na lang ang tanging pag-asa ko wala talaga akong nagegets sa accounting! Tulungan mo ako." Naiiyak na wika ni eira sakin.
"Tutal hanggang 2pm lang tayo ngayon pumunta ka na lang mamaya sa bahay ng 3pm tuturuan kita sa accounting." Agad naman natuwa si eira at niyakap ako. "Salamat talaga!"
Pagkatapos ng klase namin umuwi kaagad ako sa bahay upang paghandaan ang pagpunta ni eira. Sa kwarto ko kasi kami gagawa. Well di naman madumi yung kwarto ko pero may mga ilang gamit kasi ako na kakalat doon kagaya ng mga librong binasa ko nung nakaraang araw. Habang naglilinis ako napansin ko yung picture frame na nakalagay sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama ko. Bata pa kami dito ni kuya ang saya namin dito kasama namin sila mama at papa yakap nila kami nasa park kami nung panahon na toh. Pinunasan ko lang ito at binalik sa mesa. Tapos ko na ang pag-aayos sa gamit ko kaya napagdesisyonan ko na bumaba. Ngayon nandito si mama sa bahay may mga inaasikaso siyang trabaho at kasalukuyan siyang nasa garden nagbabasa ng ilang dokumento at nakaharap sa laptop niya. Wala na kayang ginagawa si mama? Nalimutan ko pa lang sabihin sa kaniya kanina pupunta dito si eira.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si manang na parang natataranta may dala siyang tray na may lamang juice at cake. "Manang!" Tawag ko sa kaniya pero mukhang di niya ako narinig dahil nagtuloy-tuloy lang siya ng lakad. Lumabas siya papuntang garden kaya sinundan ko na lang siya. Anong meron at natataranta si manang?
Nakita ko namang may kausap si mama na lalaki. Hindi ko gaano makita ang mukha nito dahil medyo malayo sila sa akin. Kaya nagdesisyon na lang ako pumunta upang makita kung sino ang bisita ni mama.
Habang papalapit ako ng papalapit namumukhaan ko ang lalaking kasama ni mama.
"Papa?" Sambit ko ng makalapit ako sa kanila. Kaagad naman silang napatingin sa akin. Matagal-tagal na din ng huli siyang umuwi siya dito sa bahay.
Kaagad ko namang niyakap si papa.
"I miss you pa!" Saad ko sa kaniya habang nakayakap. Nakita ko naman na masaya si mama na nakatingin sa amin."Bakit hindi ka po sa akin nagsabi na uuwi ka pa!" Tanong ko sa kaniya.
"Di na ako nagkapag sabi biglaan lang din kasi." Sagot niya sa akin.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Nakakapagtaka kasi dahil biglaan ang uwi niya.
"May paguusapan lang kami ng papa mo anak." Sagot naman ni mama. Naalala ko naman na maghihiwalay na sila mama at papa baka tungkol doon ang paguusapan nila. Nalungkot naman ako bigla pero hindi ito pinahalata kila mama. Sana magkaayos na sila.
Pinaupo naman ako ni papa sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Kumusta pag-aaral anak?"tanong sa akin ni papa.
"Okay naman po madami lang po kaming ginagawa ngayon" Bigla ko namang naalala na pupunta pala si eira ngayon. "Ma, pa, pupunta nga po pala yung kaibigan ko si eira magaaral po kami sa kwarto nalimutan ko po sabihin."
"Sige anak sasabihan ko na lang din si manang na paghanda kayo ng miryenda mamaya." Nakangiting sabi ni mama. Nagkwentuhan lang kami ni papa habang tahimik lang na nakikinig si mama.
"Talaga pa! Gusto ko din makapunta doon." Kasalukuyan nagkwekwento si papa na pumunta siya sa isang sikat na beach resorts sobrang ganda daw ng tanawin doon at tahimik lang. Mababait din daw ang mga tao.
"Pag nagkaroon ako ng bakanteng oras pupunta tayo doon." Nakangiting saad ni papa.
"Pangako mo yan pa ah!" Sumang-ayon naman siya kaagad. "Pangako"
Naputol naman ang pagkwekwentuhan namin ni papa ng dumating si manang kasama niya si eira. Kaagad naman akong tumayo at pinuntahan si eira.
"Papa ito nga po pala si eira kaibigan ko po." Pakilala ko sa kaniya.
"Good afternoon po tito." Nahihiyang bati ni eira.
"Naikwento ka sakin ni yesa kanina--" Di naituloy ni papa ang sasabihin niya may tinignan siya sa aming likuran kaya tumingin din ako dito dumating si manong yung driver namin. Kasama sila kuya kaya gulat napatingin sa kanila. Napatayo naman si mama.
"Ma'am yesa kaibigan niyo din daw po sila kaya pinapasok ko." Paliwanag ni manong.
"Opo." Sagot ko. Paano ko ba ito ipapaliwanag kay kuya. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na magkapatid kami. Tinignan ako ni kuya at litong-lito siya na nakatingin sa akin.
"Yesa? Bat kasama mo ang mga magulang ko? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya sa akin. Lumapit naman si mama sa kaniya at kaagad siya niyakap.
"Alfred anak! Miss na miss kita!" Sabi ni mama sa kaniya. Nagulat naman ako ng kumalas siya sa pagkakayakap ni mama.
"Wag mo akong yakapin. Wala akong nanay." Matigas na sambit ni kuya.
"Alfred! Galangin mo ang mama mo!" Galit na saad ni papa.
"Bakit? Sino ba kayo? Iniwan niyo kami ng kapatid ko nung bata pa kami pinabayaan niyo kami at mas pinili niyo ang trabaho niyo!" Galit ding sabi ni kuya. Naiyak naman ako. Nag-aaway nanaman sila.
"Hayaan mo akong magpaliwanag anak!" Umiiyak na pagmamakaawa sa kaniya ni mama. "Alam kong mali ako ang ginawa ko pero hayaan mo sana akong magpaliwanag."
"Bakit ako makikinig? Nakinig ba kayo sakin noon?"
"Kuya" nasabi ko na lang napatingin naman siya sa akin. Umiiyak na ako ayoko ng ganito. Bumabalik lahat ng nangyari nung nakaraan. Wala ba talaga silang pag-asa mag kaayos.
---------------------------------------------------------
6:43pm
Tuesday, March 09. 2021
-majoy
---------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/145577503-288-k252229.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?