Kaya ba ayaw na ni kuya umuwi dito sa bahay kasi alam niya na may iba ng pamilya si papa? Iyon ba ang dahilan. Kahit anong mangyari kailangan ko makita si papa. Gusto ko marinig ang paliwanag niya. Matagal na panahon ko na siya hindi nakikita panahon na siguro para ayusin itong gulong ito. At kung may anak na si papa sa iba okay naman tatanggapin ko pero sana mag kaayos na sila ni mama.Nakatulog akong iniisip iyon. Pagkagising ko iyon nanaman ang iniisip ko. Sakit sa ulo noh. Kinapa ko naman ang dibdib ko.
Heart chill ka lang wag ka masiyado ma stress. Huminga ako ng malalim at tumingin sa aking salamin ngumiti ako. Start a day with a smile ika nga nila.
Bumaba ako at pumunta sa kusina upang kumain ng almusal. Kapansin-pansin na wala si mama. Siguradong inaasikaso niya ang papel sa pakikipaghiwalay niya kay papa.
"Nasaan si mama?" Tanong ko kay manang kahit alam ko naman ang sagot.
"May pinuntahan lang yesa. Anong oras ka pala naka uwi hindi ka namin napansin. Pag tingin ko sa kwarto mo ay tulog ka na." Saad ni manang.
"Mga hapon po. Napagod po siguro ako kaya maaga ako nakatulog." Dahilan ko. Pag katapos ko kumain ay niligpit nila ang kinainan ko. Handa na ako umalis at inaantay na ako ng driver namin sa labas kaya agad na din ako nag paalam kay manang.
Inantay ko na makaalis ang driver namin tyaka ako tumakas. Balak ko puntahan ngayon si papa at huwag muna pumasok sa aking klase. Sapat naman ang pera ko papunta sa sarshena city malayo-layo din ang lalakbayin mga limang oras na biyahe. Sana ay hindi ako maligaw pero kilala naman ang kumpaniya ni papa kaya mabilis ko lang iyon mahahanap pag nandoon na ako.
Tatawagan ko muna si eira para ipaalam na hindi ako papasok dahil baka mamaya ay kay mama tanungin kung bakit hindi ako nakapasok mabuking pa ako. Naka ilang ring ang cellphone niya bago niya ito sagutin.
"Yesa, nasaan ka na ba? Malalate ka na!" Bungad sa akin ni eira.
"Hindi ako makakapasok ngayon may pupuntahan ako eira wag mo sasabihin sa iba at lalo na kay mama."
"Bakit? Nasaan ka ba? Saan ka pupunta?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Pupuntahan ko si papa. Kailangan ko lang siya makausap. May kailangan lang ako malaman sa kaniya. Sige na anong oras na siguradong nandyan na ang teacher natin babush na tawagan na lang ulit kita mamaya." Hindi ko na inantay ang sasabihin niya at binaba na ang tawag.
Pumila lang ako sa sakayan ng bus papuntang sarshena city habang nasa biyahe iniisip ko ang mga sasabihin ko kay papa. Limang oras akong nakaupo sa bus at nakarating din ako. Pag baba ko ng bus bumungad sa akin ang sobrang daming maiingay na sasakyan. Puro polusyon ang nandito malayo sa lugar na kinagisnan ko. Ang carmen Kasi sariwa pa ang hangin doon at madaming puno hindi gaano mapalusyon.
Nagtanong-tanong ako sa mga tao nandito kung saan ang yung kompaniya ni papa. Isang oras ko ding hinanap ang building na ito at ngayon nandito ako sa labas nakatayo. Mag tatanghalian na at wala paring laman ang tyan ko gutom na ako pero okay lang. Tinignan ko naman ang sarili ko bago ako pumasok inayos ko ang gulo-gulo kong buhok naka uniform pa ako pero wala akong pake alam.
Papasok na sana ako ng harangin ako ng guard ano ba naman iyan.
"Anong kailangan mo bata?" Tanong nito sa akin.
"Manong anak po ako ng may ari nito kailanga ko lang po makita ang papa ko may gusto lang po ako malaman." Paliwanag ko.
"Nako hindi mo ako mapapandaran ng ganiya umuwi ka na sa inyo." Hindi pwede! Malayo pa ang tinahak ko para lang makarating dito.
"Manong paki sabi na lang po sa papa ko siya po ang may ari nito na hinahanap siya ng nag ngangalang ayesa azul. Sige nanaman po! Malayo pa po ang tinahak ko upang makarating dito." Pagmamakaawa ko.
"Hindi talaga pwede bata hindi ito ang lugar kung saan pwede kang manggulo. Isa pa siguradong madaming ginagawa ang may ari aya hindi ka maasikaso." Bigong tumalikod ako pero naalala ko na may i.d ako at lagi ko dala ang family picture namin. Kaya bumalik ako.
"Ano nanaman?" Asar na tanong nito sa akin.
"Manong paki abot naman ito kay mr. Valdez paki sabi na inaantay ko siya dito please ito na lang po ang way.. Promise po dito lang ako sa labas hanggat walang sinabi na pumasok ako." Nginitian ko naman siya.
"Sige na dahil makulit ka ibibigay ko na lang ito doon sa secretary ni mr. Valdez para maibigay kay mr. Valdez." Masayang inabot ko sa kaniya ang picture at i.d ko.
"Maraming salamat talaga! Hulog ka po ng diyos sa akin. Salamat po!"
"Sige na sige doon ka na mag antay sa isang tabi." Pagtataboy nito sa akin.
Tumayo lang ako sa may gilid. Inaaliw ko lang ang sarili ko habang inaantay si papa siguradong pag nakarating iyon sa kaniya hahanapin niya ako. Think positive ang yesa.
Kalahating oras na akong nag aantay dito. Halos maupo na ako dito. Ngawit na ngawit na ang paa ko at gutom na gutom na ako paramg any minute ay hihimatayin ako. Ang init-init pa dito. Sayang naman kung aalis ako. Kalahating oras pa yesa kaya mo yan.
Napabuntong hininga naman ako pangilang beses ko na ba iyon? Hindi ko din nabilang.Maya-maya ay may isang babaeng humahangos na pumunta kay manong guard. May tinanong ito kay guard. Tinuro ako nito agad naman pumunta sa akin ang babae.
Salamat naman. Kaagad naman ako napatango.
"Pasensya ka na ms. Yesa hindi kita agad na papasok alam mo naman po ayoko pa po mawalan ng trabaho." Naiintindihan ko naman siya sa ginawa niya.
"Okay lang manong."
Pumasok kami at sumakay ng elevator pinindot ng secretary siguro ito ni papa ang 24th floor.
Magkikita na din kami ni papa. Kinakabahan at nag eexcite ako pero may halo ding lungkot dahil sa nalaman ko.
---------------------------------------------------------
8:59pm
Friday, January 03. 2020
-majoy
---------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?