Chapter 26.

8 1 0
                                        


Patulog na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Agad ako napaupo at tinignan kung sino ito. Pumasok si mama na naka pajama. Akala ko di nanaman siya makakauwi. Hindi araw-araw ay nandito si mama may mga time na busy siya sa work niya at hindi nakakauwi. Meron din siyang sarili niyang bahay na inuuwian niya minsan para tignan.

Lumapit siya sa aking at tumabi sa paghiga ko. Habang nakahiga kami ni mama niyakap niya ako.

"Bakit ma?" Tanong ko sa kaniya. Ramdam ko sa buntong hininga niya na may mabigat siyang problema.

"Wala na miss ko lang kasi ang baby ko." Saad niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Ma! Hindi na po ako baby." Protesta ko sa kaniya na ikinatawa niya.

"Alam ko, ang laki mo na anak parang dati kalong lang kita sa bisig ko ngayon tignan mo naman nagkakandaugaga pa ang papa mo noon kapag umiiyak ka. Sobrang nakakalungkot lang kasi hindi kita na subay-bayan sa paglaki mo. Sorry anak kasi wala ako nung mga panahong kailangan mo ako. Sorry kung madami akong pagkukulang sayo. Sorry kasi iniwan kita dito ng hindi nag papaalam sayo di kasi kita kayang dalhin kasi hindi sasapat yung pera na meron ako at sorry kasi ganito ang nangyari sa pamilya natin. Siguro kung nag pakatatag lang ako noon buo pa ang pamilya natin hindi sana nag kaganito kung naayos namin ng maaga yung problema namin ng papa mo." Narinig ko naman ang hikbi ni mama habang nagsasalita siya basa na din ang damit ko dahil sa pagiyak niya. Humarap ako sa kaniya.

"Ma, kahit ganito ang nangyari sa pamilya natin kailanman ay hindi ako nagalit sa inyo ni papa. Kahit madami kayong pagkukulang sa amin ni papa mahal ko parin po kayo walang dapat sisihin sa nangyari sadyang hindi lang siguro kayo para sa isa't isa ni papa. Hindi perpekto yung pamilya natin pero masaya ako pag kasama ko kayo. Alam kong maghihiwalay na kayo ni papa pero okay lang ma para naman iyon sa ikabubuti ng lahat. Ang hiling ko lang naman bago kayo maghiwalay ni papa maayos niyo yung problema niyo." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ni mama at niyakap siya.

"Hays andrama naman natin. Sige na anak tulog ka na maaga pa pasok mo bukas may exam ka diba." Tumango naman ako.

Malungkot na isipin na maghihiwalay na sila mama at papa pero kung yun talaga ang gusto nila wala na akong magagawa doon. Ayoko makita nahihirapan kung ipipilit ko magsama sila baka malungkot lang sila at ayoko na mangyari yun.

Buong magdamag katabi ko lang si mama. Matagal ako bago na katulog dahil sa mga iniisip ko.






Pag gising ko ay wala na si mama sa tabi ko. Hinanap ko siya kila manang bago umalis papunta dito sa school ang sabi lang nila sa akin maaga daw umalis si mama.

Pag pasok ko sa room naayos ang lahat. Tahimik lang ang mga kaklase ko na nakaupo sa kaniya-kaniya nilamg upuan kaya naupo na din ako sa tabi ni eira. Maya-maya ay dumating ang guro namin at binigay samin ang aming exam booklet. Buong araw drain na drain ang utak namin sa pag sasagot ng exam. Kaya ng makalabas kami ng room ay nakahinga na kami ng maluwag.


"Salamat naman at tapos na ang kalbaryo! Sobrang sumakit ang ulo ko doon ah." Nakangiting sabi sa akin ni eira.

"Hindi lang ikaw eira."

"Si mel ba yun?" Agad naman ako tumingin sa tinuro niya si mel nga ilang araw ko na din siya iniiwasan dahil sa nangyari sa kanila ni zack. Ewan ko nasaktan lang ako sa ginawa niya kay zack kahit kaibigan ko siya hindi tama yung ginawa niya.

"Libre kita ng ice cream eira." Pag iiba ko ng topic.

"Nah-ah nag away ba kayo ni mel? Napansin ko kasi nitong nakaraang araw iniiwasan mo siya. Hindi ka naman ganun sa kaniya sobrang clingy mo sa kaniya tapos ngayon? Anong nangyare?" Nagtatakang tanong sa akin ni eira.

"Ahhhh wala.. Wala talagang nangyari." Sagot ko lang.

"Yun naman pala eh! Lika ayain din natin si mel kumain ng ice cream!! Libre mo ah. Tignan mo oh ang lungkot ni mel kahit naman cold hearted yun satin alam ko naman friends ang turing niya satin. Miss na tayo nun ilang araw mo na siya di pinapansin eh." Wala na akong nagawa nang hilain ako ni eira.




"Hellooooo mel!! Sama ka samin lilibre ka ni yesa ng ice cream tapos na din naman yung exam." Aya ni eira sa kaniya.

"Ayoko." Sagot ni mel

"Ang kj mo naman mel! Bilis na kasi! Minsan lang naman ito."

"Eira.. Tama na. Kung ayaw niya sumama wag na natin siyang pilitin. Sa una pa lang ako yung habol ng habol sa kaniya na maging kaibigan ko siya pero ayaw niya siguro nga ayaw niya lang tayo maging kaibigan. Mas makabubuti na ganito wag na natin siya pilitin." Pigil ko kay eira.

"Pero yesa.." Umiling lang ako sa kaniya.

"Mel tandaan mo lagi kaibigan ka parin namin kahit na anong mangyari nandyan lang kami para sayo pag kailangan mo kami. Simula ngayon di ka nanamin guguluhin." Pagkatapos ko bitiwan ang salitang yun agad ako tumalikod sa kaniya. Hinabol naman ako ni eira.





Napahawak naman ako sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Masakit parin sakin yung ginawa ko kay mel kasi isang taon ko din siya hinahabol kahit na ganun yung ugali niya napamahal din siya sakin bilang kaibigan kahit ayaw niya sakin. Seryoso gustong gusto ko siya maging kaibigan pero pag nakikita ko yung disgusto sa mga mata niya nasasaktan din ako.



"Yesa! Ayaw mo na bang maging kaibigan si mel? Nag sawa ka na ba guluhin siya?"

"Hindi, gustong-gusto ko siya maging kaibigan. Siguro kailangan niya muna ng space para mahanap yung sarili niya. Wala siyang tiwala sa atin kaya ayaw niya tayo maging kaibigan at kung pipilitin natin siyang maging kaibigan tayo wala ding mangyayari. Kailangan siya mismo ang mag desisyon sa sarili niya. Nasa kaniya na lang yun kung gusto niya ba tayo maging kaibigan."

"Siguro naman kung mananahimik tayo at hindi natin siya guluhin mahanap niya kung ano sagot sa gumugulo sa isipan niya."





Buong magdamag hindi ako nakatulog dahil sa ginawa ko. Umuwi si eira ng malungkot pero naintindihan naman niya ako.

---------------------------------------------------------

1:29pm

Sunday, May 03. 2020

-majoy

---------------------------------------------------------







The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon