Ngayon ang exam day namin. Nang matapos ang Sem break namin Gaya Ng inaasahan ko naging busy na Kaming lahat Sa pag rereview wala naman akong bagsak Sa Mga subject ko at habulin pa na grades pero ayaw ko na bumagsak Sa exam Hindi Naman Ako ganun Katalino pero Sa pagsisipag ko nakakakuha Ako Ng Hindi bagsak na marka.
Napansin ko Naman si eira sa tabi ko na Hindi mapakali. Hinawakan Ko Ang kamay Niya na Nasa table. Sobrang lamig nito.
"Paano Kung bumagsak Ako?" Tumingin Siya sakin halatang kinakabahan Siya. "Hindi Yan nag review Tayo diba." Nginitian ko Siya. "Alam Kong kayang Kaya mo Yan eira sabay Tayo magtatapos next year." Sana gumaan Ang pakiramdam Niya Sa sinabi ko. Medyo kumalma na Siya.
Pumasok na ang gurong nakatalagang magbantay Sa Amin. Binigay Niya na ang exam na sasagutan namin. Tahimik Lang kaming lahat na nag sagot.
Ilang oras ang makalipas natapos na din Kami Sa exam namin. Parang lantang gulay Lang na naglalakad si eira kasama ko Sa hallway. Sinabayan ko Naman Siya mag lakad at inakbayan Siya.
"Wag Ka masyado mag worry sa kakalabasan ng exam natin for sure na pasado Ka!"
"Pero kas- nauna akong maglakad Sa kaniya at humarap Kay eira. Napahinto Naman Siya at malungkot na tumingin Sa akin.
"Wala Ka bang tiwala Sa sarili mo? May tiwala Ako na papasa Ka Sa exam dapat ikaw din Sa sarili mo!" Cheer ko Sa kaniya. Niyakap Niya Naman Ako.
"Salamat yesa nandito Ka para cheer Ako." Saad Niya at nagpatuloy na Kami Sa paglalakad. Madalas madaldal si eira pag magkasama Kami ngayon Lang Siya naging tahimik na ganun at ayaw ko na malungkot Siya. Naging madaldal na ulet Siya at nag kwento Ng Kung ano-ano.
"Yesa ililibre Kita ngayon deserve natin kumain Ng masarap dahil kakatapos Lang natin mag exam!" Kumapit Siya Sa back pack Niya at humarap Sa akin. "Ano kayang masarap kainin hmmm?" Napaisip din Ako.
"Kahit ano?" Masamang tinignan Niya Naman Ako. "Walang kahit ano Sa menu yesa!" Inirapan Niya Ako. Napatawa Naman Ako Sa kaniya.
Malapit na Kami Sa gate Siguradong nag aantay na samin sila kuya. Napagusapan namin na magkita-kita after exam at kumain. For sure naiinip na sila Kasi mas nauna natapos sila kaysa Sa Amin ni eira Kami huli matatapos eh.
"Nag aaway daw Yung Mga Prince sa gate! Bilisan natin!" May narinig akong bulungan. Andaming nag uusap habang papalapit Kami Sa gate at may Iba pang nagtatakbuhan.
"Anong Meron?" Nagtatakang tanong ni eira sa akin. Nagkibit balikat Lang Ako. "Bat may nagkukupulan Doon?" Binilisan namin mag lakad ni eira papunta Sa gate Kung Saan may nagkukumpulan. Nang makalapit Kami narinig namin Ang bulungan.
"Nako wala talagang magawang Tama Yan si Eliza pinaglaruan ang Mga Prince. Sino ba Siya para pag awayin ang Mga Prince." Rinig Kong bulong Ng katabi namin. Si Mel? Sila kuya?
"Ano bang nangyayari?" Lumapit samin Yung dalawang Babae na nagbubulungan."Hindi Niya Ba alam Yung girlfriend ni prince Clarence nag cheat Sa kaniya tapos ang Sabi si prince Zack daw lalaki ni ghorl." Nagulat Naman Ako Sa sinabi Niya.
"Si Mel?" Nagkatinginan Kami ni eira. Hindi Ako makagalaw. Andaming naglalaro Sa isip ko Hindi ko alam.. Hinila Naman Ako ni eira sumiksik Kami Sa madaming nakakumpol na estudyante papunta Sa harap.
Nakita Kong Nasa lapag si Zack nakahawak Sa labi niyang dumudugo. Si Mel Nasa gitna nilang dalawa ni Clarence. Subrang gulo Ng buhok ni Clarence. Tumingin Ako Sa paligid. Di kalayuan Sa kanila si Stephen at Greg na pinipigilan si kuya na galit din Kay Zack. Si Kevin nakatayo Lang Hindi alam Ang gagawin. Anong nangyayari? Hindi malabong Mangyari lahat Ng Ito nakita... Nakita ko Sa Mata ni Mel noon! Noong panahong umamin si Zack sa akin na Mahal Niya parin si Zack! At nakikita ko Yun palagi pag magkakasama Kami laging malungkot ang Mata Niya. Nangilid ang luha sa Mata ko.
"G*go Ka Zack! Pinagkatiwala ko sayo Ang kapatid ko! Ang Sabi mo Hindi mo Siya sasaktan! Tang*na mo!" Nanggagaliiti Sa galit si kuya habang pinipigilan Siya ni Stephen at Greg. "Putang*na bitawan niyo Ako!" Sigaw Niya pa.
"Wag kayo dito gumawa Ng gulo. Huminahon muna kayo." Saad ni Stephen.
"All this time Hindi mo Ako Mahal Eliza! Paano mo nagawa sakin toh!" Hindi makapaniwalang Sabi ni Clarence. Umiiyak na tinignan Siya ni Mel.
"Hindi ko sinasadya. Sinubukan ko Namang mahalin Ka! Pinilit ko Naman pero Hindi talaga... Sorry..." Lapit Sana Sa kaniya si Mel Sa kaniya Ng lumayo Siya.
"Edi dapat sinabi mo sakin! Dapat sinabi mo! Kasi ang sakit sakit na Eliza! Iniintindi Kita.. Saan ako nag kulang. Ikaw Zack G*go Ka!! Diba nililigawan mo si yesa!! Anong ginagawa mong h*yop Ka!!" Umiiyak na din si Clarence. Lumapit si Clarence Kay Zack. "Napaka g*go mo talaga Hindi Ka lalaki! Magsama kayong dalawa." Bilang sinugod Siya ni Clarence sinapak Niya ulet si Zack. Hindi Siya nilabanan ni Zack. Tumakbo papunta Sa kanila si Mel at inawat sila.
"Mag salita Ka tang*na mo!"
"Tama na rence!" Niyakap Siya ni Mel Sa likod pero kinalas Lang Ito ni Clarence at nagpatuloy. Tumakbo Ako papunta Sa kanila.
"ANO BA TAMA NA?!" Sigaw ko. Tapos pinilit pag hiwalayin si Zack at Clarence. "YESA!" Rinig Kong sigaw ni eira sa likod ko.
"Bakit mo ginawa Yun Mel?" Sabi ni eira.
"Tama na!!" Saad ko at pinilit sila paghiwalayin. Nakatakas Naman si kuya Sa pagkakahawak nila Stephen at Greg Sa kaniya handa na din Siya sapakin si Zack Kaya sinalubong ko Siya.
"ANO BA SINABI KONG TAMA NA!" Sigaw ko ulet at napatigil sila. "NAG PAPATAYAN NA KAYO! MAGKAKAIBIGAN TAYO! ANONG GINAGAWA NIYO!" Umiiyak na din Ako. "Pwede niyo Naman paguusapan Ng maayos... Hindi Yung gumagawa kayo Ng gulo." Tumingin Ako Sa paligid lahat sila samin nakatingin. Wala man Lang umawat Yung IBA nag video pa. Sobrang disappointed Ako Sa kanila. Napahawak Ako Sa dibdib ko naninikip Ito. Naglakad Ako palayo Sa kanila kailangan ko na umalis dito.
"Yesa!" Tumayo si Zack at hinabol Ako. Hinawakan Niya ang kamay ko galit ko siyang tinignan at marahas na hinila Ang kamay ko Sa pagkakahawak Niya.
---------------------------------------------------------
1:58pm
Saturday, January 29. 2022
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?