Chapter 12.

5 2 0
                                    

Naglalakad na ako papunta sa room ng biglang may humila sa akin papunta sa gilid. Nagulat ako ng makita si zack ito.

"Bakit?" Tanging nasabi ko lang.

"Pagpasensyahan mo na si alfred ganun talaga siya pag may tumatawag sa kaniya na kuya. Ayaw niya na tinatawag siya na kuya." Paliwanag sa akin ni zack.

"Okay lang naiintindihan ko." Saad ko. Iyon lang ba ang dahilan niya kung bakit niya ako hinila o may iba pa siya sasabihin. Inaantay ko naman siya mag salita. "May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko. "Sige kailangan ko na pumunta sa klase ko malalate na ako ikaw din. Salamat pala." Umalis na ako at agad nagtungo sa aking klase. Minsan di ko maintindihan ang si zack. Para siyang walang pake alam sa paligid niya pero meron siyang pake. Madalas siya tahimik pero minsan madaldal din siya.

Nakatingin lang ako sa labas habang nag lelecture ang guro namin. Di naman ako napansin nito. Buong period ganun lang ako. Di ko namalayan na uwian na pala nagising lamang ako sa malalim kong pagiisip ng niyugyog ako kaunti ni eira. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Uwian na yesa." Nilibot ko ang paningin ko onti na lang kaming nasa room. Tumayo ako at sinukbit na ang bag ko.



Paglabas namin nagulat ako ng sinalubong ako ng aking ina.

"Yesa!" Tawag niya sa akin at niyakap ako.

"Ma? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Edi sinusundo ka nako napakatagal na din nung huling sinundo kita! Syempre kailangan ko din na bumawi sayo noh!!" Nakangiting wika niya sa akin. "Oh sino naman itong napakagandang kasama mo." Baling niya kay eira. Nagtatakaniya kaming tinitignan ni mama. Siguradong madaming paliwanag ang sasabihin ko sa kaniya kung bakit parehas kami ng nanay ni kuya alfred.

Hinila ko naman palapit sa akin si eira. "Ma! Kaibigan ko po si eira." Pakilala ko sa kaniya.

"Nako! Ikaw ang unang kaibigan na pinakilala niya sakin gusto mo ba sumalo sa amin kakain kami sa labas mag didinner kami!" Parang gusto tumanggi ni eira pero wala din siya nagawa ng hilain siya ni mama papunta sa sasakyan. "Ihahatid ka na lang namin sa bahay mo eira mamaya paguwi." Sabi ni mama nung nasa sasakyan na kami. Si mama ang nag drive ngayon. "Siguradong magugustohan mo ang kakainan natin ngayon anak!" Excited na sabi ni mama. Napangiti naman ako gusto niya talaga makabawi sa akin pero bawing bawi na siya nung umuwi siya sa bahay. Makita ko lang siyang masaya at mabuo ang pamilya namin masaya na ako.


"Yesa?" Malungkot siyang tumingin sa akin. Habang naglalakad kami papasok sa loob ng restaurant.

"Papaliwanag ko na lang sayo eira bukas. Please lang wag mo sasabihin sa iba." Tumango naman siya bilang tugon.

Umupo kaharap ang bintana kita dito ang mga gandang view ng mga gusali ag kabahayanan. Over looking ang lugar na ito napakasayang tignan ang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay at gusali.

"Nagustohan niyo ba dito?" Tanong ni mama.

"Ang ganda po mama ng view dito." Saad ko.

"Oo nga po." Tugon naman ni eira.

Maya-maya dumating ang aming pagkain madami ang inorder ni mama.

"Mama sobrang dami naman po ng inorder mo para po tayong bibitayin bukas." Natatawa kong sabi.

Nagsandok naman siya ng pagkain at nilagyan ang plato ko bago siya sumagot. "Ikaw yesa anak akala mo ba di ko na pansin tignan mo anak ang payat-payat mo na! Kaya kailangan mo kumain ng madami para tumaba-taba ka naman ngayong nandito na ako di ko na hahayaang malipasan ka." Nilagyan niya pa ng madaming kanin ang plato ko. Matagal-tagal na din nung huli kong naranasan ito. "Ikaw eira gusto mo ba nito?"

"Okay lang po tita."




Nag usap-usap lang kami nila mama madaming tanong si mama sa akin at kay eira. Sobrang saya talaga andami kong nalamang bagay kay mama. Tinanong nga kami ni eira kung may natitipihan na ba kaming lalaki at sabi ko wala pa ganun din si eira. Nagkabiruan pa kami. Di namin namalayan ang oras.







Nandito na kami sa tapat ng bahay ni eira.

"Ang saya niyo po kasama tita. Salamat po pala sa pa dinner."

"Ikaw na bata ka basta ikaw. Sasusunod ulit ah punta ka lang doon sa bahay namin kami-kami lang naman ni yesa ang nandoon."

"Sige na po tita at yesa pasok na po ako baka hinhanap na ako ni mama magiingat po kayo." Niyakap ko siya bago umalis.

"Good night eira." Kumaway siya bago pumasok ng bahay nila at kami pumasok na din ng sasakyan at umalis.







Madaming nangyari ngayong araw na ito. Sobrang nakakapagod. Parang ngayong araw naghalo-halo ang emosyon pero worth it naman. Ngayon ang tanging nasa isip ko lang muna ay mapasaya ang mga taong nakapaligid sa akin. Mabuo ang pamilya namin. Wala na akong ibang mahihiling pa kundi maging masaya sila kahit na madaming problema.




Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto ng bumukas ito. Pumasok si mama na naka pajama na.

"Pwede bang dito muna ako matulog anak namiss kita eh. Gusto ko katabi kita matulog." Paalam niya

"Okay lang po ma! Halika po dito ka po sa tabi ko." Nahiga siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Alam mo nak sobrang saya ko kasi nakasama na ulit kita. Miss na miss na miss ko na kayo ng kuya mo." Saad niya sa akin habang yakap ako.

"Ako din po ma matagal ko pong inantay na bumalik kayo dito sa tabi namin. Miss na miss na miss ko na po kayo ni daddy. Sana po ay magkaayos na kayo ni daddy mama pati si kuya miss na miss ko na din siya." Di na siya umimik pa. Siguro ay nakatulog na si mama.



"Alam mo ba ma, lagi ko na dinadasal na mabuo na ulit ang pamilya natin at hanggang ngayon dinadasal ko pa rin iyon. Umaasa ako na mabubuo pa ang pamilya natin alam ko may paasa pa ma. Kailangan niyo lang po magkaintindihan alam ko may nagawang mga bagay si daddy na nakapanakit ng dadamin niyo pero sigurado nasisisi si daddy ngayon sa mga kasalanan niya. Mama sana mapatawad niyo na si daddy. Si kuya di niyo ba siya namimiss pabalikin niyo na po siya dito. Nadala lang naman kayo ng galit niyo sa isa't isa nakikita ko po sa mata niyo ang pagmamahal kaya di pa po ako nawawalan ng pagasa."



---------------------------------------------------------

6:54pm

Friday, December 20. 2019

-majoy

---------------------------------------------------------






The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon