Chapter 3.

19 12 0
                                    


Habang naglilinis sila nandito lang ako sa isang tabi nakaupo tinitignan sila. Nakakaawa naman sila basang basa na sila ng mga pawis. Kasalanan din naman nila yan kung di lang sila nagaway kanina wala sanang nangyari na ganito.

Nagaway sila dahil lang sa daan parang mga ewan noh. Sa sobrang galit daw kasi ni mel kay clarence binato niya ito ng bag niya umilag si clarence di ito natamaan pero sa likod pala nito nakalagay ang fire alarm kaya iyon ang natamaan at umingay ang bell tapos naglabas ng tubig yung kisame yung parang maliit na shower basta yun yon di ko kasi alam tawag. Kaya ayun basa lahat at nag panic ang ibang estudyante sa pagaakalang may sunog sa paaralan. Ang ending walang pasok ngayong araw.

"Yesa pwede ba umuwi ka na! Baka hinahanap ka na doon sa inyo." Inis na sabi ni mel.

"Okay lang mel di nila ako hahanapin. Isa pa bawal ako umuwi kasi sabi sa akin ng principal bantayan ko kayo. Wala naman akong ibang gagawin kaya okay lang." Paliwanag ko.

"Ewan ko sayo baliw ka talaga." Pinagpatuloy nito ang pag momop ng sahig.

"Sus sabihin mo lang maria eliza laverna gusto mo lang pauwiin si yesa kasi ayaw mo na maglinis. Para pag umuwi siya wala ng titingin sa atin. Mga galawan mo din noh." Pangaasar sa kaniya ni clarence.

"Anong sabi mo?!" Galit na binitawan ni mel ang mop at lumapit kay clarence.

"Binge ka ba-

"Tama na iyan. Ikaw clarence tigilan mo na si mel kaibigan ko yan wag mo nga siya asarin kaya kayo lagi nagaaway eh." Saway ko.

"Di tayo friends yesa wala akong kaibigan! Ilang beses ko na bang sinabi sayo yan ang kulit mo talaga!" Galit na sabi ni mel. Kinuha yung mop niya at pumunta doon sa dulo.

"Ganun talaga si mel. Sige pagpatuloy niyo na yang ginagawa niyo." Minsan nalulungkot din ako pagtinatanggi ako ni mel pero ganun talaga. Sana balang araw matanggap niya ako bilang isang kaibigan.

Isang oras ang lumipas medyo nakaramdam na ako ng gutom. Anong oras na ba? Napatingin naman ako sa relo ko. 12:38 na pala ng tanghali di ko man lang napansin.

"Yesa pwede bang kumain muna kami nagwawala na itong mga bulate ko sa tyan gutom na ako!!" Reklamo ni kevin.

"Kevin ano ba?! Kanina ka pa reklamo ng reklamo pwede ba manahimik ka na lang ang ingay mo bakit di ka tumulad dito kay greg tahimik lang!" Saad ni clarence sinimangutan lang siya ni kevin.

"Sige na mamaya niyo na ituloy yan kain muna tayo sa labas." Bigla naman sumigla ang mukha ni kevin ng sabihin ko iyon. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Let's go na yesa!!" Saad nito.

"Wait lang kayo dito tawagin ko lang si mel siguradong gutom na iyon sabay-sabay na tayo." Pumunta ako sa kinaroroonan ni mel.

"Mel kain na tayo!" Aya ko sa kaniya.

"Di pa ako gutom kayo na lang." Tanggi nito habang winawalis ang mga dahon.

"Bilis na alam ko naman na gutom ka na eh!" Pilit ko sa kaniya.

"Ayoko sabi-" di natapos ang sasabihin niya ng tumunog ang tyan niya.

"Sabi ko naman sayo lika na kita mo na gutom ka. Alam mo bawal mag palipas ng gutom magkasakit ka niyan!" Hinawakan ko na lang ang kamay niya at nginitian siya. Sumama siya sakin.

Masaya ako habang magkahawak kamay kaming pumunta kila clarence.

"Bilisan niyo naman gutom na ako" Sigaw ni kevin. Natawa na lang ako.

Pagkarating namin sa isang malapit na restaurant sa school ay kaagad na umorder si kevin. Nakakahiya kasi pang mayaman itong restaurant na ito. Isa kasi itong french restaurant. Lahat ng kumakain may pustura halata mo na mayayaman talaga.

"Soupe de poisson à la rouille, beef bourguignon, and chocolate souffle." Saad ni kevin sa Waiter pero hindi ko naintindihan.

Pagtingin ko sa menu ang mamahal naman nito! Tapos ang hirap pa bigkasin ng mga pangalan.

"Kayo anong order niyo?" Tanong niya sa amin.

"Coq av vin and confit de canard sa akin." Order ni clarence.

"Cassoulet." Maikling tugon ni greg.

"Flamiche lang ang akin" sabi naman ni mel.

Syete nakakahiya paano ba ito. Nakatingin naman sila sa akin at inaantay ako na magsalita.

"Yesa anong sa iyo?" Tanong ni mel sa gilid ko.

"Mel ikaw na lang mag sabi di ko kasi alam kung paano bigkasin ang word na ito." Bulong ko Tapos tinuro ko sa kaniya yung order ko.

"Nicoise salad kay yesa." Saad ni mel.

"Sigurado ka ba na iyon lang ang kakainin mo tignan mo ang payat payat mo na. Napapansin ko na mas lalo ka pumapayat di ka ba kumakain sa inyo." Inis na puna ni mel sa akin.

"Ikaw talaga mel binobola mo ako! Ayieeee nagaalala siya sakin!" Pangaasar ko sa kaniya.

"Tigilan mo nga ako yesa di ako nagaalala sayo noh!" Umirap siya sa akin at uminom ng tubig.

"Di ka pa namin kilala yesa magpakilala ka naman!! Hindi naman tamang kami kilala tapos ikaw hindi!" Sabi ni Clarence.

"Feeling close." Bulong ni mel.

"Pasensiya na Ako nga pala si Ayesa Azul Valdez 3rd year collage at kasalukang nagaaral ng business administration. Kaibigan ako ni mel. Iyon lang." Pakilala ko.

"Valdez? Kaano ano mo si Alexis Alfred Valdez." Natigilan ako sa tanong ni kevi. Nanahimik lang ako.

"Ikaw talaga kevin kung ano ano tinatanong mo kay yesa." Binatukan ni clarence si kevin.

"Hay naku di mag kamag anak si yesa at yung tinutukoy niyong valdez na kaibigan niya siguradong nagkataon lang na magkaapilyido sila! Sa pagkakaalam ko kasi magisa lang na anak si yesa. Diba yesa?" Saad naman ni mel. Napatango tango na lang ako. Nakahinga naman ako ng maluwag di ko kasi alam kung paano sila sasagutin.

"Kayo naman mag pakilala ang unfair naman kung ako lang." Paglihis ko ng usapan.

"Ano namang sasabihin namin tungkol sa sarili namin HAHAHA eh mga basagulero lang naman kami mga nagrerebelde sa magulang ikaw talaga yesa! Tyaka siguradong kilala mo na kami sikat ata kami sa school" Nalungkot naman ako sa sinabi ni clarence.

"Yun lang ba ang tingin niyo sa sarili ninyo?" Tanong ko. Oo mga basagulero sila pero alam ko na mababait sila di lang nila kaya ipakita sa ibang tao. Madami silang pinagdadaanan sa buhay kaya nila nagagawa ang mga ganung bagay. Di pa naman siguro huli ang lahat para magbago sila.

Eksakto dumating ang pagkain namin.

-----------------------------------------------------------

11:10pm

Sunday, August 18, 2019

-majoy

-----------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon