Chapter 19.

6 1 0
                                        


Kasalukuyan kaming umaakyat ng hagdan ngayon. Andaming puno rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon. Mula sa ibaba tanaw ko ang napakagandang tanawin. Paano pa kaya pag nasa taas na kami. Kanina bago kami umakyat dito andami naming nakita. Mga iba't ibang animals at mga iba't ibang mga plant and flowers. Pinakanagandahan ako doon sa garden madaming mga bulaklak at naliliparan na mga butterfly. Sobrang nakakaaliw dito sa green land tapos andami pang mga activities pero di ako sumali kagaya ng wall climing at mga zipline naglibot-libot lang kami. Ngayon paakyat na kami pero hindi namin kasama si mel, hinanap ko siya kanina pero hindi ko siya nakita.

"Yesa, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni eira. Agad naman sila tumigil at tumingin sa akin.

"Bakit kayo tumigil? Okay lang ako." Natatawa kong sabi.

"Hindi naman masakit paa mo? Diba may paltos ka." Tanong naman ni kevin.

"Okay na ako. Ano ba naman kayo! Bilisan na natin." Tinignan ko naman si zack sa likod ko kanina pa siya seryosong-seryoso simula ng umalis kami sa picnic grove kakaiba ang awra niya ngayon. Baka nag away sila ni mel.

Pagdating namin sa taas. Natanaw ko ang sobrang gandang view ng syudad at ng mala paraisong mga puno. Ang ganda talaga tignan ng pag kaberde ng mga puno dito nakaka relax.

"Kailangan ba talaga natin na dito dumaan?" Tinuro ni kuya alfred ang isang hanging bridge.

"Yup.. Tignan niyo nasa kabilang dulo na ang mga kasama natin baka mamaya ay iwan pa tayo." Paliwanag ni stephen.

"Wala namang ibang daan." Tinignan ko ang bridge. Natatakot ako baka mamaya malaglag ako sobrang taas.

"Wala na tayong magagawa yesa dito ang mabilis na daan baka maiwan tayo pag babalik pa tayo." Saad ni eira. Napalunok naman ako. Nagsimula na sila maglakad sa hanging bridge. Hindi naman ako makahakbang nanginginig ang paa ko. Nagulat naman ako ng may humawak sa braso ko. Tinignan ko naman kung sino ang nasa likod ko si zack. Tinignan ko naman ang mga kasama namin nakalayo na ang mga ito.

"Ang tagal mo naman." Inip na sabi ni zack at nauna sa akin hahakbang na sana siya pero pinigilan ko siya hinawakan ko ang kamay niya.

"Wag mo ako iwan dito. Natatakot ako."

"Ang layo na nila hindi pwedeng dito lang tayo maiiwan tayo ng bus oh." Inis na saad niya sakin. Akmang aalis siya pero niyakap ko siya kaya di siya nakagalaw.

"Wahh sige na! Hayaan mo ako nakaganto sayo natatakot ako. Lakad na bilis. Baka mamaya ay mahulog tayo dito." Hindi naman ito nag salita at nag lakad ng paunti-unti.

"Hindi ako makalakad yesa ang higpit ng kapit mo sakin hindi ka naman mahuhulog matibay ito." Umiling-iling lang ako habang naka akap sa kaniya.

"Ayoko! Mamaya wahhh!!" Nagulat ako ng umalog ang bridge kaya sobrang napayakap ako sa kaniya.

"Yesa inaantay na nila tayo... Tanggalin mo yang pagkakaakap sakin para makalakad ako ng maayos at makaalis na tayo dito." Pilit niya naman tinatanggal ang pag kakaakap ko pero wala din naman siya nagawa kasi mas lalo kong hinigpitan. Kaya ayun nakarating kami sa dulo nang nakayakap ako sa likod niya.

"Sorry zack at salamat." Nakangiti kong wika sa kaniya ng makarating kami sa kabilang dulo. Pagkatapos ay naghiwalay-hiwalay na ulit kami.



Pagdating naman sa bus nagulat ako ng pagupo ko ay tinusok ni eira ang tagiliran ko kaagad naman ako nakiliti kaya tumingin ako sa kaniya. Nagtataka naman ako dahil ngiting-ngiti siya. Para itong may nalaman na isang sobrang mahalagang bagay.

"Ikaw ah! Crush mo pala si zack ah!! May pa yakap-yakap ka pa nalalaman!" Tuwang-tuwang sabi ni eira at akmang susundutin ulit ang tagiliran ko pero agad ko itong pinigilan.

"Huh? Ikaw talaga eira kung ano-ano iniisip kp mo! Hindi kaya. Natakot lang talaga ako kanina kaya nagawa ko iyon." Paliwanag ko.

"Sus wag ako yesa ayieee." Napairap na lang ako kay eira kung ano-ano iniisip.

"Ikaw talaga eira.. May girlfriend na kaya yung tao." Pabulong kong sabi.

"Ano yun yesa di ko narinig? Wag ka mag alala hindi ko ipagkakalat iyon." Ayaw talaga maniwala ni eira. Naalala ko naman ang ginawa ko kanina. Nahiya naman ako ngayon ko lang na pagisip-isip sobrang nakakahiya ako. Nilubog ko na lang ang sarili ko sa upuan at pumikit. Ayoko na isipin yun.















Nagising ako ng may yumugyog sa akin. Tinignan ko naman kung sino ang yumuyugyog sa akin. Bumungad sa akin ang excited na mukha ni eira.

"Bilisan mo na yesa!! Inaantay na nila tayo. Bakit ba kasi napaka
tulog mantika mo?! Ang hirap mo gisingin!" Relkamo niya sa akin at inayos ang suot niyang salamin.

"Sorry kanina pa ba huminto ang bus. Saglit lang magaayos lang ako." Iniwan naman ako nito at nauna lumabas. Ako naman nagmadali ako ayusin ang sarili ko. Masiyado ako napagod ah. Tumingin ako sa bintana gabi na.




Pagbaba ko ng bus nakita ko na sila nag aantay sa akin. Sabi nila na pwede na daw mag hiwahiwalay basta babalik din sa takdang oras na sinabi ng aming guro. Pagdating namin sa loob ng noah's ark andaming mga nag kalat na estudyante.

"Sakay na tayo doon tayo oh!!" Tinuro ni kevin ang isang vikings. Tinitigna ko pa lang ito nakakatakot na gusto ko i try pero bawal ako. Well sumama ako pero bawal ako sumakay ng kahit anong rides dito sa noah's ark. Lahat kasi ng nandito ay extrime ride at bawal sa akin alam niyo na. Agad naman silang pumila doon.

"Kayo na lang ang sumakay dito lang ako hindi kasi ako pinayagan ni mama na sumakay ng mga ganiyan. Pumayag naman siya na sumama ako pero bawal ang sumakay ng mga ganiyan." Dahilan ko. Tumingin naman sila lahat sa akin.

"Ang KJ mo yesa mas masaya kung kasama ka!" Inis na sabi ni clarence sumang ayon naman silang lahat.

"Sorry hindi talaga ako pwede. Aantayin ko na lang kayo doon." Tinuro ko ang bilihan ng mga pagkain na gutom ako at natakam ako doon sa tinitinda ng babae kaya kakain ako!!

"Sige na ingat ka doon! Doon ka lang nako baka mamaya mahirapan kami hanapin ka." Natatawang tumango na lang ako. Kinawayan ko sila at pumunta na sa kainan.







Bumili ako ng cotton candy ang sarap pala nito naupo lang ako sa isang upuan dito at tinignan ang mga tao. Ang saya naman nila. Gusto ko sin maging normal na kagaya nila na nagagawa ang lahat ng gusto nila. Ako kasi madaming bawal sakin. Nagulat naman ako ng may umupo sa gilid ko. Si zack lang pala.

"Zack anong ginagawa mo dito? Bakit di ka sumama sa kanila?" Takang tanong ko. Di naman niya ako sinagot seryoso lang ito nakatingin sa malayo. Nako kanina pa ito ganito alam ko na kung ano dahilan.

"World war 3 kayo ni mel ngayon noh? Nako alam mo ganun talaga si mel hindi mo maiintindihan minsan pero sigurado mag babati na kayo kaya wag ka na sumimangot dyan tignan mo o di bagay dito lahat sila nakangiti tapos ikaw ganiyan ang mukha! Tatanda ka ng maaga niyan zack! Ito mag cotton candy ka na muna." Nilagay ko sa kamay niya ang isang plastic ng cotton candy. Napangiti naman ako ng kinain niya iyon.






---------------------------------------------------------

1:04

Friday, January 03. 2020

-majoy

---------------------------------------------------------







The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon