Chapter 13.

6 2 0
                                    

"Magkapatid pa kayo ni alfred? Yesa?" Bungad na tanong sa akin ni eira. Pinaglaruan ko lang ang straw ng milktea ko inikot-ikot ko lang ito. Tumingin ako sa mga mata niya inaantay niya ako sumagot. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Oo kuya ko nga siya." Tapos yumuko ako.

"Eh bakit hindi ka niya kilala?" Tanong niya pa.

"Mahabang kwento." Ayoko madamay siya sa kalokohan ko. Ayoko mag sinungaling siya gaya ko. Malungkot niya akong tinignan.

"Wala akong pake alam kung gaano kahaba iyang kwento mo na kahit abutin tayo ng hapon dito at di tayo makapasok. Di ako pinapatulog ng konsenya ko." Dalawang araw ang lumipas simula ng makita niya si mama humingi ako ng dalawang araw para sabihin sa kaniya ang totoo at nasabi ko naman di ko lang alam kung paano ipaliwanag. "Dalawang araw yesa! Bakit hindi ka kilala ni alfred! Alam ko nasaktan ka ng araw na iyon nung sinabi ni alfred na wag mo siya tawagin na kuya! O baka naman kilala ka ni alfred pero ayaw kaniya maging kapatid. Nung isang araw pa ako nagtitimpi sa lalaking iyon."

"Hindi-hindi eira! Ang totoo di talaga alam ni kuya na kapatid niya ako may nangyari kasi nagkalayo kami dahil sa isang pangyayari. Hindi niya na ako matandaan kasi bata pa lang kami nung nagkalayo kami" paliawanag ko sa kaniya.

"Bakit ayaw mo aminin na kapatid mo siya?" Sumimsim siya sa milktea niya na salted caramel ang flavor.

"Di pa kasi ito ang tamang panahon kailangan muna ko muna ayusin ang gusot nila mama at papa. Gustong-gusto ko na makasama si kuya pero hindi pwede ayoko magulo lahat kailangan uti-utiin ko muna baka kasi pag binigla ko sila baka mas lalo pa silang magkagulo kaya ikaw eira please wag mo sasabihin!!" Hinawakan ko ang kamay at tinitigan siya.

"Makakaasa ka sakin. sana naman maayos mo na ang problema ng pamilya niyo ng makasama mo na ang kuya mo." Sana nga eira, sana nga.




Butonghininga lang ang nagawa ko sa tuwing naiisip ko ang pamilya namin naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang away nila bata pa ako nun. Lagi umiiyak noon si mama. Simula nung nag umpisa sila ni papa mag away dati-datu umuuwi pa si papa sa bahay pero aalis din kaagad pero pagkatapos ng mga pangyayari na iyon madalang ko na lang makita si papa. Tapos iyon umuwi ako ng isang araw sa bahay lumayas daw si kuya.

Minsan naiingit ako sa mga batang may buong pamilya ang saya-saya nila. Gusto ko rin mag karoon ng ganun yung tuwing family day kasama ko sila na naglalaro. Ako tamang tingin na lang ako sa mga kaklase ko nung grade school habang kasama ko sila manang.





Managers who guide the company. Investors who want to know how the business is doing. Analysts and brokerage firms dealing with the company's stock. The government, which decides how much tax should be collected from the company.

Kasalukuyan ako nandito sa likod ng building nag babasa at nag rereview ng mga lesson. Wala ng pwesto sa library kasi ginagamit ito ngayon kaya naisipan ko na dito na lang mag review at mag basa tahimik dito sa likod ng building madaming puno may mini garden din dito kaya merong kakautinting upuan. Wala si eira dahil may inutos sa kaniya ang isa naming guro. Sabi niya sa akin susunod na lang daw siya dito. Medyo matagal-tagal pa yun si eira makapagbasa na nga lang.


Naudlot ang pagbabasa ko ng napansin ko may tao na papalapit baka si eira na iyon. Tatayo na sana ako para salubungi siya ng marinig ko ang pagtatalo ng isang babae at lalaki.

"Eliza pinipinilit kita intindihin pati and sitwasyon natin wag naman ganito. Nagseselos lang ako kaya hindi ko napigilan kanina nagseselos ako sa lalaking yun!" Kilala ko ang boses ng lalaking iyon hindi man siya laging nagsasalita tandang-tanda ko ang boses niya.

"Magkaibigan lang kami andrei! Paano na lang pag nalaman nila may namamagitan satin?! Paano na lang kung nalaman ito ng magulang ko o ng magulang mo?! Hindi mo ka ba nagiisip!! Paghihiwalayin nila tayo siguradong ipapadala ako sa paris nila mom! Ayokong mangyari yun mahal kita!" Naiiyak na sabi ni eliza. Sinilip ko ang kinaroroonan nila at nakita ko si mel at zack gulat na gulat ako sa nalaman ko. Hindi ko dapat ito nalaman lagot na!! Anong gagawin ko? hindi dapat ako nandito.

"Sorry sa susunod magiingat na ako." Irinig ko sabi ni zack kay mel.




Kinuha ko lahat ng gamit ko at dahan-dahan na naglakad paalis doon. Magkayapan sila ngayon sana lang hindi nila ako mapansin. Ngunit dahil di ako naging maingat nahulog ang ballpen na nasingit sa isa kong notebook onting ingay lang naman ang ginawa nito. Nang lingunin ko ang kinalalagyan nila nakatingin sa akin si zack wahhh anong gagawin ko?! Hindi ako kita ni mel dahil nakatalikod siya. Agad kong tinakpan at pinulot ang ballpen ko tapos tumakbo ng napakabilis. Wahh!! Ngayon kailangan ko na talaga siya iwasan!! Hingal na hingal ako at napahawak ako sa dibdib ko.




Nakita ko naman si eira na papunta doon kaya pinigilan ko siya.

"Oh bat hingal na hingal ka?" Gulat na tanong sa akin ni eira.

"Sa ibang lugar na lang tayo mag aral eira!" Di ko na siya inantay na mag salita at hinila ko na siya.

Inabutan ako ng tubig ni eira. Agad ko naman itong kinuha at uminom.

"Anong nang yari? Bakit namumutla ka nung nakita kita? May nakita ka ba na di dapat nakita?" Agad naman nanlaki ang mata ko sa sinabi ni eira.

"WALA!WALA AKONG NAKITA PROMISE!!" bwelta ko. Kinunotan niya ako ng noon sa sagot ko. "Ah may nakita akong ipis doon kaya ayoko na doon takot ako sa ipis." Dahilan ko. Totoo yesa takot ka ba talaga sa ipis napairap naman ako sa kalooblooban ko grabeng dahilan yan. Sana maniwala ka eira! Sana maniwala ka! Dasal ko sa isipan ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti naman at naniwala siya sakin.

---------------------------------------------------------

5:40pm

Sunday, December 22. 2019

-majoy

---------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon