Andaming nag-aaya samin ni eira na magsayaw eto namang si eira hindi makatanggi kaya ayun andaming sinasayaw. Ako eto nandito lang sa table namin mag isa food is life. Maya-maya dumating sila kuya. May hawak nanamang plato si kevin.
"O bat di ka nagsasayaw doon yesa madaming lalaking nakapalibot sa inyo dito kanina." Takang tanong ni kuya.
"Ayoko kuya masakit sa paa sumayaw hindi din ako sanay mag suot ng ganito kataas na takong." Masakit pala mag suot ng heels ng matagal grabe kaya naupo na lang ako. Medyo naawa din ako kay eira kasi andami niya pa isasayaw hindi pa siya makaupo.
"Kevin kumakain ka nanaman wala ka ata talagang kabusugan." Sita sa kaniya ni stephen.
"Ano ba masama bang kumain kumuha ka doon ng pagkain mo kung gusto mo din ingit ka lang sakin." Inis na sabi ni kevin.
"Wala ba kayong balak mag sayaw ng babae." Ninguso ko naman sa kanila ang mga babaeng nakatingin sa kanila pangiwi naman silang lima.
"Alam mo mel mas gugustohin ko pa kumain kaysa isayaw sila." Saad ni kevin grabe naman.
"Si clarence ba yun? Kasama niya si mel." Takang sabi ni stephen. Nakita ko naman na papalapit samin sila clarence at mel.
"Sabi na may namamagitan talaga sa kanila ni mel eh. Satinginan pa lang ni rence sa kaniya." Saad naman ni kevin.
Magkahawak kamay si mel at clarence. Tinignan ko naman si zack kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Alam kong kilala niyo si eliza. Yesa best friend mo si mel at gusto ko lang sabihin na kami na." Sabi ni rence at tinignan si mel. Nginitian naman siya ni mel.
"Seryoso ka na ba sa kaniya?" Tanong ni kuya
"Oo naman!" Masayang tugon ni clarence. Mukha naman silang masaya sa isa't isa kaya sino ako para humadalang sa relasyon nilang dalawa.
"Masaya ako para sa inyong dalawa." Sincere kong sabi tinignan ko si mel at nginitian siya kahit di kami okay ngayon kailangan ko na lang tanggapin na ganun na talaga yun.
Nagulat naman ako ng nasa tabi ko na si zack.
"Pwede ba kitang isayaw?" Tanong niya. Inilapat niya ang kamay niya sa harap ko. Tinignan ko si mel wala siyang reaksyon ang mukha niya. Tinanggap ko na lang ang kamay niya at tumango sa kaniya.
"Ikaw ah zack!" Asar sa kaniya ni clarence.
"Congrats sa inyo." Sabi ni zack kila mel bago kami pumunta sa gitna.
Habang nagsasayaw kami ni zack tinignan ko ang mukha niya alam kong nakatingin siya kila mel. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumingin sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin.
"Gusto mo lumayo sa kanila noh kaya inaya mo ako sumayaw?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo" maikling tugon niya. Sandaling Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa nang magsalita siya ulet "Pero Kahit naman hindi sila dumating ayain parin kitang sumayaw." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Hindi ko nakita ang tinatapakan ko kaya natapakan ko siya.
"Hala sorry! Masakit ba?" Tanong ko sa kaniya. "Kaya ayoko makipagsayaw kasi siguradong makakatapak ako ng paa eh. Sorry talaga."
"Okay lang." Natatawang sabi niya.
"Bakit ka natatawa dyan natapakan na nga kita!" Inis kong sabi sa kaniya.
"Wala lang balik na nga tayo doon ngalay na ata ang paa mo." Inalalayan niya ako papunta sa table namin.
Nandoon na si eira kausap niya si mel. Huminto naman si zack sa paglalakad kaaya huminto din ako. Maya-maya naramdaman ako ang hininga niya sa may leeg ko.
"Di ko pala sinabi sayo ang ganda mo ngayon." Bulong niya sa akin. Naginit naman ang aking pisngi. Bakit niya kailangan gawin yun.Di ako nakaimik sa ginawa niya at pinagpatuloy na namin ang paglalakad. Minsan di ko din maintindihan ang pagiisip ni zack.
Pagdating namin sa table umupo na ulet ako. Andaming kwento ni eira. Hindi daw siya makapaniwalang may nagkakagusto sa kaniya. Natawa naman ako. Tahimik naman nakikinig si mel kay eira.
"Kayong dalawa kailan kayo magbabati?" Biglang pagiiba niya ng kwento.
Napahinto si mel sa ginagawa niya.
"Okay na kami ni mel." Saad ko kay eira
"Mabuti naman tayo-tayo na nga lang magkakaibigan tapos mag-aaway pa kayong dalawa."
Natapos ang event sa school sinundo si eira ng daddy niya kaya magkahiwalay na kami. Nagpaalam ako muna ako sa kanila bago ako umuwi. Pagdating ko sa bahay wala si mama may business meeting daw siya sabi ni manang magkasunod lang daw kami na umalis ni mama pero di pa nakakauwi si mama. Siguradong madaling araw nanaman siya makakauwi.
Nag half-bath lang ako at nagpalit ng damit bago humiga sa higaan ko. Hindi ko parin nalimutan ang binulong sa akin ni zack kanina. Ano ba naman bakit ba ako binabagabag nun.
Tumunog naman ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama ko kaya agad ko itong kinuha.
"Hello kuya C!"
"Kumusta balita ko ay madaming nakipagsayaw sayo na lalaki." Tinawanan ko lang si kuya c.
"Iyan lang ba ang tinawag mo sa akin kuya c? Wag ka mag-alala isa lang naman sinayaw ko kaibigan ko lang si zack kilala mo yun."
"Nako! Umayos ka kikilatisin ko yung zack na yun! Pababantayan kita kay kuya chess."
"Sows kahit naman hindi mo sabihin kay kuya chess binabantayan niya parin naman ako." Silang dalawa lagi ako binabantayan feeling ko nga guardian angel ko talaga silang dalawa.
"Oo na matulog ka na nga anong oras na bawal sayo magpuyat."
"Alam ko po patulog na nga po ako eh kaso tumawag ka po." Pangangatwiran ko.
"Sige na uminom ka ng gamot mo sa tamang oras wag mong kalimutan kumain ah!" Bilin niya
"Opo tay." Asar ko sa kaniya at pinatayan siya ng tawag.
Walang pasok bukas kaya makakapagpahinga ako. Nandito lang kaya si mama bukas? Gusto ko sana ipagbake siya.
Ang ganda mo
Kaagad ko naman pinikit ang mata ko. Ano ba yans naalala ko nanaman yun kailangan ko na talagang itulog ito. Hindi ko siya gusto okay at wala din yung gusto sakin siguradong trip lang ako ni zack.
---------------------------------------------------------
4:52pm
Thursday, March 04. 2021
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Novela JuvenilNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?