Ilang araw ko na inaabangan lagi si kuya pero sadyang umiiwas siya sakin kaya hindi ko siya nakikita. Ngayon ang bigat ng pakiramdam ko kasalanan ko kaya ayaw niya makita ako. Sana naman makita ko na siya at hayaan niya ako magpaliwanag.
"Hindi parin kayo naguusap ni kuya alfred?" Tanong ni eira sakin. Tumango lang ako sa kaniya. Kaagad naman siya yumakap sa akin. "Magiging maayos din ang lahat." Niyakap ko naman siya pabalik.
Matapos ang klase namin ngayong araw. Di ko parin nakikita si kuya. Mukhang ayaw niya naman ako makausap baka galit siya sakin. Nagdesisyon na lang ako umuwi kaysa ang antayin siya. Baka hindi pa talaga siya handa sa ngayon di ko na siya pipilitin pa.
Habang naglalakad magisa papuntang gate nakasalubong ko si zack. Sinabayan niya ako.
"Uuwi ka na?" Tanong niya sakin.
"Oo" sagot ko.
"May sundo ka?" Tanong niya ulet.
"Bakit?" Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.
"Anong bakit?" Naguguluhang tanong niya.
"Bakit ka nagtatanong kung may sundo ako?" Tanong ko ulit.
"Wala lang." Sagot niya.
"Okay." Maikling tugon ko.
"Ahhh..." Mukhang may sasabihin siya kaso di niya masabi.
"May sasabihin ka pa?"
"Ayain sana kita sa park.." Nahihiyang sabi niya. Agad naman akong napangiti.
"Okay tutal minsan ka lang mag aya. Tetext ko na lang sundo ko na mamaya na ako sunduin." Natatawang wika ko sa kaniya.
Pagdating namin sa park umupo lang kami sa damuhan. Pinanood lang namin yung mga batang naglalaro sa playground.
"Di ko pala natanong kanina, bakit inaya mo ako pumunta sa park?" Naalala ko dito ko siya unang nakita. HAHAHA gwabi yung nangyari.
"Wala napansin ko lang kasi nung nakaraang araw ka pa malungkot." Napatingin naman ako sa kaniya. "Gusto lang kita mapasaya kahit papaano kasi nung malungkot ako dinamayan mo din ako."
"Salamat." Sincere kong sabi sa kaniya. Di ko alam na mapapansin niya yun. Madalas kasi tahimik lang siya at parang walang pake sa mundo.
May dumaan na naglalako ng sorbetes at binilhan niya ako. Tuwang-tuwa naman ako kasi hindi ako lagi kumakain ng ganun. Matagal na din nung kumain ako ng ice cream. Sobrang naging busy ko na din kasi. Isa sa mga favorite kong pagkain ang ice cream tapos ube flavor nako.
Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo habang kumakain. Sobrang payapa lang. Hindi naman siya boring para sakin. Masaya nga ako eh ewan ko ba. Basta masaya kasama si zack.
Nagulat naman ako ng bigyan niya ako ng paniyo.
"Ang kalat mo kumain." Saad niya at tinawanan ako. Kinuha ko yung paniyo. Pero napatigil din ako ng tumawa siya. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa lagi kasi siyang seryoso. "Bakit?" Takang tanong niya sa akin.
"Wala ngayon lang kasi kita nakitang tumawa." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Kaagad naman siyang sumeryoso nung sinabi ko iyon.
"Hala bat sineryoso mo nanaman mukha mo!" Reklamo ko sa kaniya. "Mas gwapo ka kaya pag nakangiti ka!"
"Punasan mo na lang mukha mo dyan." Saad niya. Masama ko naman siyang tinignan. Pinunasan ko yung bibig ko. Naamoy ko ang pabango niya sa paniyo ang bango tapos dinumihan ko lang.
"Bukas ko na lang ito balik sayo ah! Labhan ko muna" tumango naman siya sa sinabi ko.
Napansin ko naman na palubog na ang araw. Hindi ko namalayan ang oras maggagabi na pala. Kaagad kong tinext si manong na sunduin na ako dito sa park.
"Zack" tawag ko sa kaniya kaagad naman niya akong tinignan. "Uuwi na ako aantayin ko lang sundo ko. Salamat ah! Maagaan na pakiramdaman ko!" Saad ko sa kaniya.
"Mabuti naman." Sabi niya.
Hindi muna siya umuwi. Sinamahan niya ako antayin ang sundo ko. Hanggang sa dumating si manong. Nagpaalam ulet ako sa kaniya. Tapos ay sumakay na.
Pagdating ko sa bahay. Nakita ko kaagad si mama nasa sala nanonood ng tv habang kumakain. Kaagad naman ako pumunta sa kaniya at niyakap siya.
"Ginabi ka ata ngayon?" Tanong niya habang nanonood ng tv.
"Kasama ko po kasi yung kaibigan ko si zack." Saad ko.
"Zack?" Kumunot naman ang noo niya. Hindi nga pala ni mama kilala si zack.
"Isa po siya sa mga kaibigan ni kuya at kabanda. Mabait po siya ma!"
"Okay pero sa susunod wag ka na magpapagabi." Bilin niya. Tumango naman ako sa kaniya. Niyakap ko lang siya. "Ang lambing naman mo naman ngayon yesa nako gusto lang ata mag pababy kay mama eh." Asar niya sakin.
"Wala lang ma, gusto lang kitang yakapin." Saad ko. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Hayaan mo di na ako aalis ulet dito lang ako sa tabi mo. Babawi ako sa lahat ng panahon na wala ako." Tiningala ko naman siya habang yakap ko siya.
"Wag mo na po talaga ako kami iwan ni kuya" baka sa susunod na iwan mo kami wala na ako pagbalik mo. Tumango lang si mama. Ngumiti siya sa akin.
Nagmovie marathon lang kami ni mama. Pagkatapos ay naghanda na ako matulog. Habang nagbibihis ako bigla na naninikip ng sobra ang dibdib ko kaya agad kong hinanap ang gamot ko. Sobrang gulo ng damitan ko dahil sa ginawa ko. Pagkatapos ko ito makita ay kaagad ako pumunta sa may table sa gilid ng kama ko nandoon kasi ang tubig ko. Nadapa pa ako bago makapunta doon at nagkalat ang mga gamot ko. Tumayo naman kaagad ako at kumuha ng tubig at uminom ng gamot ko.
Maya-maya narinig ko ang katok sa aking pintuan.
"Anak okay ka lang ba? May narinig akong tunog dito sa kwarto mo. Anong nangyari?" Sunod-sunod pa na katok ang narinig ko.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Ma! Okay lang po ako nadapa lang po ako." Sagot ko. Pinulot ko naman kaagad ang mga gamot na nagkalat sa sahig at nilagay ito sa lagyanan.
Tinago ko ito sa bulsa ng aking pajama. Pumunta ako sa pintuan dahil di parin tumitigil sila mama.
"Okay lang po ako ma, nadapa lang po ako." Saad ko.
"Akala ko kung ano na nangyari sayom sige matulog ka na dyan may pasok ka pa bukas." Bago siya umalis hinalikan niya muna ako sa aking pisngi at nagpaalam na.
Bahagya paring naninikip ang dibdib ko ng humiga ako sa aking kama. Mabuti na lang talaga at nakainom kaagad ako ng gamot ko.
---------------------------------------------------------
12:04am
Saturday, March 13. 2021
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?