Ngayon ang fieldtrip namin. Kasalukuyang nakapila kami ni eira papasok na kami sa bus medyo madilim pa nga at inaantok pa ako pero gumising ako ng maaga para eksaktong oras ako makadating dito sa school. Sobrang ingay nga ngayon pinaghalong ingay ng nagsasalita gamit ang mic at mga estudyanteng excited sa fieldtrip na ito. Napahikab na lang ako."Sa bus number 03 tayo yesa. Dapat doon tayo pumila oh!" Tinuro niya ang kinaroroonan ng mga kaklase namin. Hinila naman niya ako papunta doon.
"Dahan-dahan lang eira andami nating bitbit oh." Nginuso ko sa kaniyaa ang mga bag na dala-dala namin. Si mama parang gusto na ako paalisin sa bahay bukod sa sling bag. Meron pa akong backpack tapos may isang dala-dala pa akong bag. Si eira naman may dalang back pack at isang sling bag.
"Bakit kasi andami mong dala? Pinalayas ka na ba ni tita?" Natatawang biro niya.
"Tanong mo kay mama." Nakasimangot kong sabi sa kaniya.
Nang makalapit kami sa mga kaklase namin eksaktong pinapila kami at isa-isa kaming tinawag upang tiyakin na kompleto na kami. Pagkatapos ay pinapila na kami at isa-isa ng pumasok sa bus. Tinulungan ako ng kaklase kong lalaki buhatin ang bag ko nilagay niya ang bag ko doon sa lagyanan ng bag mataas kasi ito at hindi ko abot. Pinaiwan ko ang back pack ko kasi nandoon yung mga kakainin ko habang nag babyahe.
"Yesa dito ako sa may binta na ah hindi kasi sanay mag biyahe byahe baka mamaya masuka ako. Pero may gamot naman ako at ready yung plastic bag ko dito." Pumayag naman ako at naupo na sa upuan. Sinandal ko ang ulo ko at nakahinga ng maluwag. Buti naman at nakaupo na din ako, ang hirap tumayo sa labas andami pa kasing sinasabi ng teacher namin bago kami papasukin. Sayang lang boses niya kasi wala naman nakikinig sa kaniya kanina.
"Saang bus kaya sila stephen? Di natin sila nakita kanina." Saad ni eira.
"Makikita naman natin siguro natin sila pagbaba natin sa bus. Tawagan ko na lang si kevin." Maya-maya ay umandar na ang bus. Habang papunta kami doon nag pray kami tapos iyon kaniya-kaniya na ng buhay.
"Picture tayo yesa. First picture natin toh!" Nilabas niya ang kaniyang cellphone at nag selfie kami. Ilang oras pa bago kami makarating sa unang lugar na pupuntahan namin. Nakakabored kaya nilabas ko na lang ang cellphone ko may tatlong text akong nakita. Galing kay mama, kuya c, at kevin. Binuksan ko muna yung text ni mama.
---------------------------------------------------------
Mama
M: Enjoy anak :-) wag kahihiwalay sa kanila. Mag iingat ka.
Okay po ma. :you---------------------------------------------------------
Kuya C
K: oy uminom ka ng gamot mo! Pag may nangyari sayo talagang malalagot ka sakin.
Opo iinom po ako ng gamot tatay! :-p
---------------------------------------------------------
Kevin
K: Saan kayo?
Sup ngayon ko lang nabasa :YOU
---------------------------------------------------------
Kanina pa ang mga text na yan hindi ko nakita kasi naka silent yung phone ko. Pinasok ko sa bag ko ang cellphone ko di ko na ito ni silent. Tinignan ko naman itong katabi ko. Abala sa pagkain. Inalok naman niya ako at agad naman ako kumuha. Habang nasa biyahe naka ilang saway ang guro namin sa mga kaklase kong maingay.
Ilang oras ang lumipas at nakarating na kami sa destinasyon namin. Dinala ko ang mahalaga kong gamit at nilagay ko sa sling bag ko. Isa-isa kaming bumaba. Una naming destinasyon ay ang museum. Nakita ko naman agad si kevin kasama nito si clarence. Kumaway ito sa amin. Linapitan naman namin siya ni eira.
"Bus number 3 pala kayo samin bus numer 5 kami lang mag kasama ni clarence. Nasa ibang bus sila greg, zack, stephen, at alfred. Mamaya pa natin makikita ang mga iyon sa ngayon tayo-tayo muna ang mag kasama." Sabi ni kevin.
"Picture muna tayong apat tapos send ko sa gc natin kevin. Inggitin natin silang di natin kasama dito." Saad ni clarence at nilabas ang cellphone niya. Nagdikit-dikit kaming apat kasi di kami kuha ng camera lahat at ngumiti.
"1, 2, 3, click, 1, 2, 3, click."
"Tama na clarence masiyado nasiyahan mamaya mapuno yang storage ng cellphone mo."
Nakita ko naman na pumapasok na ang iba. Kaya pinagmadali ko sila. Sa totoo lang bawal tong ginagawa namin. Bawal kasi humiwalay sa mga kasama namin pero wala pasaway kami.
"Bilisan niyo na pumasok na sila o!" Saad ko at tumakbo papasok.
Pag kapasok namin bumungad sa amin ang mga painting. Isa-isa ko iyong tinignan. Nakakamangha, sana magaling din ako mag drawing at mag paint kagaya nila. Lahat ng larawan may iba't ibang pinapakita na kwento. Ang iba ay malungkot at ang iba naman ay masaya.
"Tignan mo toh yesa!! Sobrang liit ng paiting na toh. Astig kailangan mo pa gumamit ng magnifying glass. Paano kaya ito nagawa? Ang cool talaga!" Lumapit naman ako sa kanila at ang galinga. Maya-maya may lumapit samin na facilitator tapos sinabi niya samin kung sino ang mga pintor na gumawa ng mga painting tapos kung bakit ito naisipan na gawin ng artist, at kung ano kwento sa likod ng mga art na iyon.
Pumasok naman kami sa isang malaking kwarto ang sobrang grabe!! 3D yung mga art!! Parang totoo. Pagtinignan mo malulula ka.
"Wow" nasabi ko na lang.
"Ang ganda!!" Saad naman ni yesa.
"Eto na po yung last pwede po kayo mag take ng mga picture dyan kasama ang mga 3D art namin. Your free to do the things that you want. Enjoy." Tapos umalis na you tour guide namin. Kaso andami na nagpipicture.
"Uyy! Mabuti naman at nakita nanamin kayo!" Napatingin naman ako sa tinawag ni kevin. Sila kuya kasama sila stephen, greg, at zack.
"Picturan mo naman kami greg ang ganda niyang bit-bit mo na camera!" Saad ni clarence. Tumango lang ito.
"Bilisan natin mag picture na tayo doon sa 3D art!! Complete na tayo!" Tuwang-tuwang sabi ni stephen at inakbayan si kuya.
"Di pa tayo complete nasaan ba si mel?" Tanong ko sa kanila at nilibot ko ang tingin ko. Tinignan ko si zack at tinaasan siya ng kilay. Nagkibit balikat lang ito. Sarap sapakin girl friend niya tapos di niya alam kung nasaan.
"Hayaan mo na yun yesa pag nandito yun world war 3 nanaman kami. Bilisan na nga natin." Inis na sabi ni clarence.
"Saglit lang paano yan oh? Dami nag papapicture. Paano tayo mag pipicture niyan?" Tanong ni eira.
"Kami na bahala sa inyo." Sabay na sabi ni kevin, stephen, at clarence.
"Iyan nanaman sila. Pabayaan niyo na yang tatlo gagamitin nanaman nila ang moves nilang pang malupitan." Saad ni kuya at tinaas baba ang kaniyang kilay habang nagsasalita. Ang tatlo naman ngiting-ngiti lang.
Nakapag papicture po kami ng matiwasay dahil kila kevin, stephen, ar clarence. Nagpacute lang naman sila sa mga babaeng nag papapicture. At sa tuwing naiisip ko iyon nandidiri ako pero yung mga babaeng nandoon kanina kilig na kilig ang haharot. Pagkatapos namin mag picture ay naghiwalay-hiwalay na kami hindi napansin ng guro namin na humiwalay kami ni eira sa grupo. Natata tuloy ako.
---------------------------------------------------------
8:50am
Sunday, December 29. 2019
-majoy
---------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Подростковая литератураNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?