"Bat nakatulala Ka dyan yesa?" Tanong Sa akin Ni mama. "Wala po ma." Nginitian ko Siya at pinagpatuloy KO ang ginagawa Kong project.
"Nako anak! Mag pahinga Ka din. Baka masyado Kang babad Sa pag aaral mo na stress Ka na." Nagaalalang Sabi Sa akin Ni mama.
"Okay Lang po Ako ma. May iniisip Lang po Ako Sa project ko." Pero ang totoo Niya iniisip ko parin Yung Huling pag uusap namin ni Zack. Buti na Lang masyado Kami naging busy nung nakaraan Kaya Hindi ko sila nakikita nila Kevin at mukhang busy din sila. Ngayon weekend nandito Ako Sa bahay nagawa Lang Ng MGA project. Buti Naman mas maganda Yun dahil ayoko Makita muna si Zack.
SA tagal naming magkakilala ni Zack nakakagulat na nagkagusto Siya sakin like anong nagustohan Niya sakin kataka-taka talaga.
"Oh Siya Di na Kita guguluhin Dyan anak. Dadalhan na Lang kita Ng meryenda. Ang kuya mo pupunta ba Siya ngayon?"
"Hindi ko po alam ma. Baka busy po iyon alam mo na mag sem-break Kasi for sure naghahabol din Mga teacher nila." Agad na tugon ko Kay mama. "Okay" Pumasok na Siya Sa loob para gawan Ako Ng meryenda. Nag focus na ulet Ako SA ginagawa ko kailangan ko matapos toh.
Ilang oras ang nakalipas natapos ko na din ang project ko. Nakita ko Naman Sa gilid ang ginawang meryenda ni mama Hindi ko pa pala nakakain. Sa sobrang abala ko Di ko napansin na nandito na pala meryenda ko at mukhang kinanina pa nakakapag Ito dito. Kinuha ko Ito ang nilantakan.
Napatingin Naman ang Sa paligid. Ang sarap talaga gumawa dito Sa bakuran. Ang aliwalas dahil SA nga halaman ni mama nakakatanggal ng pagod.
Tumunog Naman bigla ang cellphone ko Kaya agad ko itong kinuha. Anong Meron Bat Ako tinawagan ni eira.
"Hello"
"Yesa, puntahan mo Ako ngayon nasa milktea shop Ako katapat Ng school natin."
"Bakit? Anong Meron?"
"Kasama ko kuya mo pati kaibigan Niya nandito din si Mel. Wag Ka Ng KJ minsan Lang toh relax-relax din pag may time ghorl tyaka halos isang buwan na din Tayo Hindi nagkakasama lahat."
"Okay.. oo na pupunta na Ako Dyan saglit Lang mag-aayos Lang Ako."
"Yey! Bye take care!"
Binaba Niya na agad Ang tawag. Siguradong makikita ko si Zack Doon. Wala Naman din Ako magagawan kahit iwasan ko Siya Nasa same circle of friends Lang Kami. Kaibigan Siya ni kuya Kaya kahit anong gawin ko magkikita at magkikita din Kami Kaya dapat umakto na Lang Ako Ng normal. Kahit Hindi talaga normal Yung Mga nangyari nung nakaraan. Siguradong bobombahin din Ako ni kuya Ng tanong pagnalaman Niya na Yung tungkol Sa Mga manliligaw ko.
Niligpit ko na kaagad Ang gamit ko at nagtungo Sa loob. Pumunta Ako Sa sala dahil nandoon si mama nagpaalam Ako Sa kaniya na aalis dahil gusto nga makipagkita ni eira. Pumayag Naman Siya Ng malaman nandoon si kuya. Nag ayos Lang Ako at umalis na.
Pagdating Ko Sa milktea shop nakita ko kaagad sila kuya Sa iisang table. Kumay Naman agad si Kevin Ng Makita Ako. Agad Naman silang lumingon Sa akin at tinawag ako. Agad Naman Ako lumapit Sa Kanila.
Naghanap Ako Ng bakanteng upuan pero sa tabi na Lang ni Zack ang may bakante. Sinadya Niya ba toh? Naupo na Lang Ako wala na akong magagawa sa kaniya Lang ang may bakante magtataka sila kuya Kung Di Ako tatabi Kay Zack knowing na malapit Kami sa isa't isa Baka kwestyonin pa nila Ako. Pagkatapos ko umupo umorder Lang Ako ng wintermelon milktea.
"Grabe sobrang stress sa school talaga walang pahinga sa school mga activities." Saad ni Stephen.
"Sinabi mo pa! Huhuhu gusto ko din mag pahinga Di ko pa nga Tapos Yung project na binigay samin ni yesa Ng prof namin." Problemadong Sabi ni eira.
Nagusap Lang sila about sa school SA mantalang tahimik Lang si Zack at Greg. Walang nag bago Lagi Naman sila tahimik. Sumipsip Lang Ako SA order Kong wintermelon. Masarap Naman Ito Kaya napangiti Ako. Bawal Ako SA sobrang Tamis pero minsan Lang Naman Ito 50% sugar Lang Naman pinalagay ko. Biglang na miss ko tuloy si kuya C. Tagal ko na din silang Di nakikita.
"Bat Hindi Ka ata nag sasalita ngayon yesa?" Tanong Sa akin Ni kuya.
"Nahawaan Ka na ni Zack Noh! Lagi Kasi kayo nag kasama nako!" Asar sakin ni Clarence. Pinalo Naman ni Mel Ang braso Niya. "Aray ko Naman babe! Pero hmm alam ko Naman na friends Lang kayo hehehe." Tas kinindatan Ako. Tinutukoy Niya Yung tungkol Kay Nathan.
"May Hindi ba Ako nalalaman?" Kunot noong tinignan ni kuya si Clarence. Pinanlakihan ko Naman Ng Mata si Clarence para ipahiwatig na tigilan Niya na pag nalaman ni kuya Siguradong mayayari Ako.
"Nako Ayang si yesa nung nakaraang araw- Naputol ang sasabihin ni Kevin Ng pasakan Siya Ng donut no eira sa bibig.
"Hehehe wala kuya Alfred nadapa Kasi si yesa nung nakaraang araw Yun Lang Yun. Kevin itikom mo bibig mo masyado Ka madaldal." Paliwanag ni eira. Buti Naman at Di na nagtanong si kuya. Masamang tinignan ni Kevin si eira. Kinain Niya na Lang Yung buong donut. Natawa Naman Ako Sa itsura Niya.
Masayang nag-kwentuhan Lang Kami hanggang Sa maubos ANG milktea namin. Paminsan minsan ay nag-aasaran sila pero nagkakayos din Naman. Boys always be boys Di na mawawala ata sa Kanila Yun.
Matapos ang ilang oras nag desisyon na Kaming umuwi na. Nagprisinta si kuya na ihahatid Niya Ako pauwi para Makita na din si mama. Sumangayon Naman.
Lumabas na Kami Ng milktea shop. Nagulat Naman Ako Ng Makita si Nathan paglabas namin.
"Yesa..." Sabi Niya Ng Makita Ako.
"Uyy ikaw Yung nanliligaw Kay yesa diba!" Masayang bigkas ni Kevin at nilapitan si Nathan ineeksamin Kung Siya nga talaga Yun.
"Manliligaw? Nanliligaw sayo Yan yesa?" Bakas Ang pagtataka SA mukha ni kuya.
"Kuya Kasi...." Di ko alam Kung paano mag uumpisa mag paliwanag. Apaka malas ko Naman.
"Kuya mo Si Alfred yesa?" Tanong Sa akin ni Nathan.
"Kasi......" Nagpabalik-balik ang tingin ko SA kanilang dalawa. "Kasi... Ano..- Nagaantay Lang sila Ng paliwanag ko.
"Tigilan mo na ang panliligaw Kay yesa wala siyang nararamdaman sayo." Walang emosyon na Sabi ni Zack Kay Nathan.
---------------------------------------------------------
10:29pm
Thursday, January 20. 2022
-majoy
---------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/145577503-288-k252229.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?