Special Chapter
Love story
Of
Azel Cardova Valdez
And
Anthony Valdez
__________________________________Isang sikat na businessman si Anthony Valdez at si Azel Cardova naman ay nagpapatakbo ng isang bahay ampunan. Noon pa talaga ay mahilig na tumulong si Azel sa mga batang walang magulang o kaya sa mga taong nangangailangan. Kaya lagi siya naglulungsad ng mga charity events.
Nagkakilala si Anthony at azel ng mag-host ng charity event si anthony sa kaniyang bahay ampunan. Hindi sila magkasundong dalawa dahil may ugali din kasi si anthony. Mataas kasi ang tingin ni anthony sa kaniyang sarili kaya kinaiinisan ito ni azel.
Lingid sa kaalaman ni anthony na isang anak din pala ng mayaman na angkan si azel siya ang magmamana ng isang business ng kaniyang magulang na hotel & resort. Nagkita ulet sila sa events ng magulang ni azel kung saan pinakilala siya ng magulang niya kay anthony. Labis naman ang inis ni azel ng magkita sila ulet. Kasama noon ni Anthony ang kaniyang nobya na si Shena Palma Na di rin gusto ni azel ang ugali. Akala kasi noon ni shena na may gusto si azel sa kaniyang nobyo na si anthony. Sukang-suka naman si azel pagnaiisip niya yun. Sobrang bait niyang tao pero pag ang kaharap niya ay si anthony ewan ba niya nadedemonyo siya bigla. Simula nung event na yun madalas na din sila magkita ni anthony dahil nagtraining na din kasi si azel na hawakan ang kanilang business at ka partner nila ang business na hinahawakan din ni anthony kaya ayun pagnagkikita sila laging may world war 3.
Hanggang isang araw iniwan si Anthony ng kaniyang nobya na si shena upang kamitin ang pangarap nito na maging isang sikat na model. Sobrang naging heartbroken ni anthony dahil doon. Walang nagawang tamang trabaho si anthony kaya namoblema din si azel dahil sa dumating din sa puntong pabagsak na ang business nito. Pinagsabihan ni si anthony na hindi lang yun ang babaeng makikilala niya sa mundo. Naawa si azel sa sinapit ni anthony kahit naman galit siya kay anthony may puso parin naman siya hindi naman din kasi tama ang ginawa ni shena na iwan lang basta si anthony.
Tinulungan niya si anthony mag move-on. Dahil nga sa pangyayaring iyon naging magkaibigan sila. Nalaman ni azel na hindi naman pala ganoon kataas ang tingin ni anthony sa kaniyang sarili at nalaman naman ni anthony na hindi talaga mataray si azel na may ginituan itong puso. Madalas sila mag kasama at lumabas kasama ang kanilang mga kaibigan. Minsan na nga silang napagkamalang mag nobyo at mag nobya. Natawa naman sila. Pero habang tumatagal nahulog din sila sa isa't isa. Hanggang nagkaaminan sila. Di nagtagal ay kinasal sila at nagkaanak. Masaya naman ang kanilang pamumuhay noon.
Nagkaroon sila ng dalawang anak. Pero habang tumatagal nawalan ng oras sa kanila si anthony at si azel ay mas naging focus sa kanilang dalawang anak. Habang tumatagal nagkaroon sila ng pagtatalo ni anthony at dumoble-doble ang problema nila. Hanggang sa nagkahiwalay sila.
At ngayon nagkita ulet sila.
"Hindi na ako papayag na tawagin mo na bastardo si alfred anak mo siya anthony! Bakit ba hindi mo magawang suportahan siya sa gusto niya! Hanggang ngayon ba ay galit ka parin sa kaniya!" Galit na sigaw ni azel kay anthony.
"Siya ang tagapagmana ng lahat ng business natin azel sa kaniya dapat yun kung hindi lang siya nagloko at sumali sa lintik na banda na yun na wala naman idudulot na maganda sa kaniya!" Balik na sigaw din ni Anthony.
"Doon siya masaya anthony kaya mas lalo nagrerebelde si alfred kasi hindi mo siya naiindihan."
"Sa tingin mo ba tinuring tayo na magulang ng batang yun? Tignan mo nga kung sagut-sagotin ka lang kanina at kung paano niya tayo itanggi na magulang niya. Pagkatapos natin na palakihin ganun ang ginanti sa atin" saad ni anthony.
"I can't believe you anthony! Anak mo yun! Wala ka na ba talaga katiting na pagmamahal sa kaniya! Okay lang na hindi mo na ako mahal pero sa anak natin! Please lang magpakatatay ka! Ang hirap kasi sayo puro business ang nasa utak mo! Kinalimutan mo na kami ng mga anak mo! Yan ang dahilan kaya kita iniwan! Di ko na makita na mahal mo kami! Nasasaktan din naman ako kami ng mga anak mo." Umiiyak na sabi azel.
"Sabihin mo ng selfish ako pero iniwan ko ang mga anak natin kasi hindi ko kayang tumira dito ang sakit lang pero ngayon na kaya ko na titiisin. Titiisin ko para sa mga anak ko bumabawi ako sa mga taon na hindi ko sila nakasama sana ikaw din. Mag paka-ama ka sa mga anak mo na kinalimutan mo na ng matagal.""Ang laki ng pinagbago mo anthony di naman tayo ganto dati alam kong di na mababalik yung tayo pero sana naman kahit sa mga anak mo lang bumawi ka sa kanila. Indihin mo sila. Alam kong may bagong pamilya ka na. Ilang taon na naka-focus ka sa kanila baka pwedeng sa mga anak ko naman. Kaya lang naman sila nagkakagayan kasi kasalanan din natin wala tayo sa tabi nila nung panahon na kailangan nila tayo. Hindi pa huli lahat para kunin natin ang loob nila. Na maging okay ang lahat." Agad namang lumambot ang expression ng mukha ni anthony. Napagtanto niya na madami nga siyang pagkukulang sa mga anak nila. Tama nga ang sinabi ni azel. Sinisi niya ang kaniyang sarili dahil sa nangyari sa pamilya nila.
"Sorry.. Kasalanan ko.." Saad ni anthony at ginulo ang kaniyang buhok.
"Hindi kasalanan nating dalawa hindi tayo naging mabuting magulang. Pinabayaan natin sila. Iniwan mo kami tapos iniwan ko din sila maling-mali ang ginawa ko... Tama na anthony umuwi ka na magpapahinga na ako." Di niya na inantay pang magsalita si anthony at iniwan na itong magisa sa hapagkainan.
Hindi na din tinapos ni anthony ang kaniyang kinakain dahil nawalan na siya ng gana dahil sa sagutan nila kanina. Imbis na mapayapang hapunan ang gagawin nila nauwi pa ito sa bangayan. Ilang taon na silang hindi nagkakasama ganun pa ang nangyari ng magkasama-sama sila.
Buong ang loob ni anthony pagalis niya sa bahay nila. Na aayusin niya ang hidwaan sa pagitan nila ng anak niya na si alfred. Pati ang hindi nila pagkakaunawaan ni azul. Andami niyang pagkukulang sana lang ay mapunan niya ang mga yun.
---------------------------------------------------------
9:08pm
Thursday, March 11. 2021
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Fiksi RemajaNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?