Chapter 41.

3 1 0
                                    


Nang dumating Ako Sa bahay ay agad akong tumakbo papuntang kwarto ko. Tinawag Naman Ako ni manang pero Hindi ko na Siya nasagot dahil tuloy-tuloy Lang Ako. Pagkapasok ko Sa kwarto ko ni lock ko kaagad Ito. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Napahawak Ako Sa dibdib ko. Napaupo Ako Sa sahig pagod na pagod Ako. Umiyak Lang ako.











Bigla namang kumalampog ang pinto.

"Yesa! Kausapin mo Ako! Buksan mo toh!" Katok Ng katok si kuya Sa pintuan ko pinipilit Niya din itong buksan. Hindi ko pa Siya kayang makausap ngayon.

"Nako! Baka masira ang pinto niyan anong nangyari Bakit sumisigaw Ka?" Narinig ko si manang.

"May nangyari Lang manang. Ayaw Ako kausapin ni yesa."

"Kayo talagang mag-kapatid huminahon Ka muna tyaka kayo mag usap Ng kapatid mo pag okay na kayo. Lalabas din iyan mamaya." Mahinahong Sabi ni manang. Mukhang wala namang magawa si kuya. Wala na akong narinig makalipas Ang ilang minuto bumaba na siguro Siya o pumunta sa kwarto Niya. Tumayo Ako at pumunta Sa kama ko. Humiga Lang Ako at niyakap ko ang unan ko.









Iniisip ko Yung nangyari kanina na nag cheat si Mel Kay Clarence. Nung Una pa Lang alam ko na Di malabong Mangyari Yun. Alam Kong napilitan Lang si Mel na sagutin nun si Clarence dahil gusto Niya layuan si Zack Hindi ko alam Kung ano ang dahilan bat gusto Niya layuan si Zack basta ang alam ko Mahal Niya parin si Zack at napilitan Lang siyang gawin Yun. Lahat Ng ginagawa Niya ay parang Di ayon Sa kagustuhan Niya. Kaibigan ko Siya Kaya kilala ko na ang ugali Niya madalas niyang palayuin ang mga Tao Sa kaniya pero in the end nakikita ko na Yung Mga sinasabi Niya ay Hindi tugma Sa ginagawa Niya.

Kagaya Sa Amin sinasabihan Niya Kami na lumayo ni eira pero Yung Lagi parin siyang nandyan para samin. Lagi niyang pinaglalandakan sakin na malakas Siya at Kaya Niya mag Isa pero deep in side malungkot Siya. Hindi ko Siya masisi Kung ganun ang nangyari pero nalulungkot Ako para Kay Clarence Hindi Niya deserve Yun.

Nasasaktan din Ako para sa sarili ko Kasi may part sakin na umaasa parin na Di gagawin ni Zack yun kahit alam Kong Hindi pa talaga Siya naka move on Kay Mel. Siguro napamahal na din talaga sakin si Zack this past few weeks pinaramdam Niya talaga sakin na kamahal Mahal pa Ako. Hindi Nila parin alam na may sakit Ako pero atleast naramdaman ko saglit na sincere Siya sakin. Nakita ko kumislap Yung Mata Niya at masaya talaga Siya pag kasama Niya Ako.



Kailangan ko na gumising Sa realidad na may sakit Ako at wala Ng Lunas Doon kahit anong gawin ko. Hindi Ako papayag na masira Lang Ng ganito ang pagkakaibigan namin sila na Lang ang Meron Ako. Ayoko na bago mawala Ako mag kakaaway pa Kami.













Sa Dami Ng gumugulo Sa isip ko Hindi ko namalayang nakatulog Ako. Nagising ko Ng may kumatok Sa pintuan ko.

"Yesa? Bumaba Ka na at kumain Ng hapunan nagaantay sayo Ang kuya mo Sa Baba." Sabi ni manang. Tumayo Naman Ako Hindi pa Ako nakakapagbihis.

"Manang wala po akong gana kumain Bababa na Lang po Ako pag nagutom Ako."

"O sige wala nga pala si ma'am Baka bukas pa Siya bumalik may trabaho pa daw siyang tatapusin Sabi Niya." Kaya pala Hindi ko nakita si mama kanina.

"Okay po salamat manang." Pumunta na Ako Sa banyo at naghilamos nakita ang mukha ko Sa salamin sobrang maga Ng Mata ko at namumula pa. Pagkatapos ko maghilamos nagbihis na Ako at nahiga ulet Sa kama. Nakatingin Lang Ako Sa kawalan hanggang Sa makatulog ulet.


















Kumain Lang Ako Ng Agahan. Medyo tinanghali Ako Ng gising ngayon. Mabuti na din Yun Ng Di ko maabutan si kuya. Medyo Masama ang pakiramdam ko ngayon.

"Wala Ka bang pasok yesa?" Nilapag ni manang ang isang hot chocolate SA tabi Ko.

"Hindi po muna Ako papasok medyo Masama po Kasi ang pakiramdam ko tapos na din Naman Ako Sa lahat Ng requirements ko Sa school Kaya kahit Di na Ako pumasok okay Lang." Tumango naman si manang. Hindi na Siya nag tanong Ng Kung ano pa siguro alam Niya na Hindi pa Ako komportableng pagusapan Ang nangyari kahapon. Tinapos ko Lang ang kinakain ko at pumunta na Ako Sa sala. Manonood na Lang Ako Ng pelikula tutal wala Naman akong gagawin.





Nasakalagitnaan Ako Nang panood Ng biglang may tumabi Sa akin Sa upuan. Palingon Ko nakita ko si Zack. Anong ginagawa Niya dito?

"Bakit Ka nandito?" Ilang sigundo siyang tahimik Lang na nakatingin sa akin. Naka school uniform Siya. Nag cutting classes?

"Alam Kong Di Ka papasok... Sorry-" Hindi ko pinatapos Ang sasabihin Niya.

"Napatawad na Kita Zack okay Lang Kung Mahal mo pa si Mel. Hindi mo kailangan mag paliwanag pa sakin pero Kay Clarence nasaktan niyo Siya. Mag kaibigan Tayo ayoko na dahil Lang dito mag away-away Tayo. Please Lang mag usap kayo. Okay na Yung sakin.. Okay Lang Ako. Ako na din bahala mag paliwanag Kay kuya." Ayoko na mas lalo pa akong masaktan Sa Mga sasabihin Niya Baka Hindi ko Lang kayanin. Tinitigan Niya Ako Sa Mata agad akong umiwas Ng tingin.


"Naka uniform Ka? Nako may pasok Ka ata! Hindi Ako papasok ngayon Zack bukas na Lang Tayo mag kita Sa school Baka malate Ka pa!" Tumayo Ako at hinila ko Siya papuntang pintuan. "Ayokong maging dahilan Ng pagkalate mo Zack." Tinulak ko Siya palabas Ng pintuan. Nginitian ko siya.
"Babay na!"

"Sige papasok na Ako. Bukas na Tayo mag usap sa school." Tumango naman Ako Sa sinabi Niya. "Oo Naman!" Pinasigla ko ang boses ko pero nangingilid na talaga Ang luha ko Sa aking Mga Mata. Pagkatalikod Niya Sa akin kaagad Kong sinarado Ang pintuan at napahawak Sa bibig Ko pinigilan ko na humikbi. Sinabi ko na Ito Sa sarili ko na wag Ako iiyak pero naiiyak parin Ako. Pinatay ko na Lang ang TV SA sala at umakyat na ulet ako Sa kwarto ko. Buong araw Lang Ako umiyak.












---------------------------------------------------------

6:41pm

Sunday, January 30. 2022

-majoy

---------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon