Natapos nila mel ang punishment nila kahapon balik na ulit sa normal ang klase ngayon. Kasalukuyan ako naglalakad papunta sa klase ko. Nakakalungkot na hindi kami magkaklase ni mel pero okay lang tuwing recess naman magkikita kami sa canteen.Umupo ako sa nag iisang bakanteng upuan sa likuran. Lahat ay busy sa kanilang kaniya kaniyang ginagawa may kwekwentuhan, may nag cecellphone lang at may naghaharutan.
"Hi" bati ng katabi ko. Ngayon ko lang napansin na may katabi pala ako. Kanina kasi walang nakaupo sa tabi ng upuan na ito.
"Hello" bati ko pabalik at ngimiti.
Di na nasundan ang paguusap namin dahil dumating na ang aming guro. Wala naman masiyadong nangyari puro pagpapakilala pa lang. Hanggang dumating ang recess. Tumayo na ako agad at niligpit ang gamit ko ng tumunog ang bell hudyat na recess na.
"Ahh.... Yesa...." Nag-aalangan na tawag ng katabi ko si eira alam ko na pangalan niya.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Ahhh.... Wag na lang baka kasi makaabala lang kita." Nahihiyang sabi niya.
"Hahahaha diba transferee ka kaya siguradong wala kang kasama sa break. Sama ka na lang sakin." Aya ko sa kaniya siguradong malungkot kumain magisa.
"O-kay lang ba sayo?" Mabilis na tumango ako.
"Let's go!!! Alam mo malungkot kumain magisa kaya sabay na tayo." Nginitian ko siya at sabay kami na naglakad papunta sa canteen.
Kasalukuyan akong nakaupo kasama si Mel at eira habang kumakain Dito sa canteen. Nakangiti lang ako sa kanilang dalawa.
"Anong ngini-ngiti mo Dyan?" Takang Tanong sa akin ni Mel.
"Wala" tinuloy ko na lang Ang pagkain ko.
"Sino Naman iyang kasama mo? Ang kulit mo talaga Noh nagsama ka pa ng isa para gawing kaibigan ako. Sinabi ko na sayo ng ilang beses di tayo magkaibigan." Iyan Naman siya.
"HAHAHA Alam ko. Ay siya nga pala siya si Eira Montesilva Bago nating kaibigan Lagi na natin siyang makakasama."
"ANO?! Iyan na babaeng nerd na Yan!" Biglang sigaw ni Mel kaya napalingon sa amin Ang ibang kumakain.
"Grabe ka Naman Kay eira Hindi porket nakasalamin siya nerd na siya Ang ganda ganda kaya niya." Tinignan ko si eira may malaking salamin siya sa mata Ang mahaba niyang buhok ay sabog sabog mukhang di niya ito sinusuklay at medyo oily Yung face niya pero Wala Naman siyang tigyawat. Siguro kung magaayos siya ng onti siguradong maganda siya! "Kailangan niya lang ng onting ayos." Depensa ko.
"Ewan ko sayo." At Nakita ko Naman Ang famous irap niya. Wala sigurong araw na di ko iyon Nakita.
"Sigurado ka bang okay lang sa kaniya na nandito ako." Bulong sa akin ni eira.
"Okay lang Yan ganyan talaga yang kaibigan matin masanay ka na Dyan." Bulong ko din pabalik.
"Anong pinagbubulungan niyo Dyan?!" Inis na Tanong ni Mel.
"Wala" sagot ni eira.
May sasabihin pa Sana si Mel ng biglang nakiupo sa upuan Namin si Greg, Clarence, at Kevin. May dala dala Silang pagkain.
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?