"ang galing niyo talaga kanina. Kaya siguro madaming humanga sa inyo kasi ang galing niyo talaga kumanta." Pang ilang beses na puri na kaya iyon ni eira.
"Hindi lang kaya sa magaling kami mag performed mga gwapo din kami." Kumindat ka si clarence ng sabihin niya iyon.
Sinandukan ko naman si kevin ng kanin at nilagay ito sa plato niya.
"Salamat yesa." Nginitian ko naman siya. Kahit kailan talaga ang lakas kumain ni kevin pero hindi naman siya mataba sakto lang ang katawan niya."Hinay-hinay lang sa pagkain baka mamaya bigla ka masobrahan." Paalala ko.
"Akala namin hindi ka na makakapunta ngayon yesa." Saad ni stephen.
"Sorry late ako medyo traffic din kasi." Habang kumakain nag usap lang kami pero hindi sumasama sa usapan sila zack at greg di kasi sila pasalita si kuya naman paminsan minsan ay nakikisali.
Bigla naman tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.
"Hello kuya c napatawag ka?"
"Nandyan si kuya chess ngayon sa chello's resto at hindi ako natutuwa na puro lalaki ang kasama mo. Anong oras na umiinom ba kayo dyan ngayon?"
"Huh nandito si kuya chess bakit di ko siya nakita? Nasaan siya? Napalinga linga naman ako sa paligid." Tinig naman ako nila clarence.
"Ano ngang ginagawa mo dyan? Kung alam ko lang na dyan ka pupunta hindi kita papayagan." Ramdam ko ang inis ni kuya c sa tono ng pananalita niya.
"Kuya c hindi kami nagiinom dito kumakain lang kami at hindi ito bar kuya. Medyo parang bar lang po."
"ANONG MEDYO??" Galit na siya.
"Matatapos na po kami uuwi din po ako." Ang hirap naman paliwanag ni kuya.
"Binabantay ka ni chess dyan umayos ka alam mo naman ang mga bawal sayo."
"Oo na babushhh dami mo pa sinabi kuya love mo talaga ako HAhaha bye bye na love you." Binabaan ko na siya.
"Sorry ahh ganun talaga kuya ko hehehe."
"Sana may kuya din ako yesa nakakaingit ka." Biglang sabi ni eira. "Puro kasi kami babae kaya di ko naranasan ng may protective kuya."
"Gusto mo pakilala kita sa kuya ko nako mabait yun kaso minsan may dalaw nga lang kaya nagsusungit." Tinignan ko si kuya nakatingin lang siya sa akin ng may lungkot sa mata. Di ko napansin na napatigil silang lahat At nakatingin sa aming dalawa. Bumulong naman sa akin si kevin.
"Ganiyan talaga si alfred pag may natiririnig tungkol sa magkakapatid nagiging ganyan."
"Okay lang." Tumingin ako ulit kay kuya at kumakain na ito ng pagkain niya na parang walang nangyari pero hindi na ulit ito nag salita at nanatiling tahimik. Namimiss niya kaya ako? Siguro?
Kasalukuyan kaming nasa labas ngayon tapos na kami kumain medyo ginabi na din kami sobrang saya kasama nila kevin kahit minsan naiilang parin ako kila zack at greg sila lang naman kasi ang pinaka ilag sa tao. Gusto ko din silang maging kaibigan sana naman paunlakan nila ako.
"Hatid na namin kayo gabi na din." Prisinta ni stpehen. Natanaw ko naman si kuya chess na papalapit sa amin.
"Hmmmm si eira na lang ang ihatid niyo mukhang may susundo sa akin." Tanggi ko.
"Sigurado ka ba yesa??" Tanong ni kevin.
"Oo iyon siya." Tinuro ko si kuya chess na paparating. Napatingin naman sila sa gawi ni kuya chess.
"Hindi ba at si doc chess iyon??" Takang-taka si clarence.
"Oo nga!! Wag mong sabihing siya ang kuya mo??" Gulat na saad ni kevin.
"Oo siya nga, bakit?" Nang makalapit sa amin si kuya chess dinamba ko siya ng yakap.
"Kuya chess pinakikilala ko po sayo ang mga kaibigan ko!! Sayang wala si kuya c di niya sila nakilala." Inakbayan naman ako ni kuya chess.
"Kilala ko ang mga ito sila yung madalas na nasa clinic itong mga lalaking eto." Pinaningkitan niya ng mata sila clarence.
"Kuya chess mababait sila ay siya nga pala si eira kuya chess bestie kamiiiii." Nahihiyang nakipagkamay si eira sa kuya ko.
"Hello po."
"Mga bata anong oras na gabi na umuwi na kayo. Aalis na din kami kailangan ko na ihatid toh sa bahay baka magalit pa sakin ang leon dahil di ko inuwi ng maaga itong pasaway na ito." Nagpaalam naman ako sa kanila. Sobrang saya ko ngayon. Minsan lang ako maging masaya kaya dapat sulitin na natin. Inuwi naman ako kaagad ni kuya chess nagkwentuhan kami habang nasa daan dami kong nasabi sa kaniya si kuya chess sobrang bait niya parehas sila ni kuya c ang pinagkaiba lang sobrang maloko ni kuya chess at si kuya c naman ay laging seryoso. Pagdating ko sa bahay nagpalit kaagad ako at natulog.
Ang bilis ng oras parang pumikit lang ako tapos pagdilat ko lunes na. Naghanda na ako pumasok ulit sa school at bumaba na ako. Bakit mukhang busy ang mga kasambahay ngayon naglilinis sila. Anong meron?
Narinig kong ilang beses na may nag doorbell pero wala atang nakarinig kasi busy silang lahat.
"Manang??" Tawag ko.
"Manang mukhang may tao po sa labas may nag dodoor bell eh." Sumigaw naman si manang mula sa kusina.
"Baka iyan yung sinabi ni lita na may padala sa kaniya. Ikaw na lang ang kumuha iha kasi nagluluto pa ako dito. Pwede ba?"
"Okay lang po" bakit feeling ko may darating? Nagkibit balikat lang ako at pumunta sa pintuan. Pag kabukas ko ng pinto bumungad sa akin ang isang babae na may dalang maleta.
Napatitig ako sa kaniya. Natigilan din siya ng makita ako. Tinitigan niya ako. Wala pa rin pinagbago ang mukha niya ganun pa din gaya ng dati at mas lalo siya gumanda. Napaluha naman ako. Umiiyak din siya. Hinawakan niya ang mukha ko. Nakita ko sa mukha niya ang lungkot at pangungulila. Totoo kaya yun nalulungkot ba talaga siya? Namiss niya ba kami ni kuya? Sobrang tagal na panahon na din siyang wala. Tapos ngayon bigla na lang siya nagpakita.
"Ku-kumusta ka na a-anak ko." Nanginginig na saad niya.
"Ma-mama" niyakap niya ako.
"Anak ko" umiiyak siya at ako din. Sobra akong masaya na nagbalik na siya. Sobrang tagal.. sobrang tagal ko itong hinintay. Iba talaga ang feeling. Pinunasan ko ang mga luha sa akin mata. Nang bumitaw siya sa aming yakap ay iniksamen niya ako.
"Ang laki-laki mo na anak. Bakit sobrang payat mo na? Nang iwan kita dito ay mataba ka? Hindi ka ba nila pinapakain ng maayos? Ano ba yan masyado ako emosyonal pumasok nga muna tayo sa loob!! Nako madami akong pasalubong sayo" tumango lang ako at ginayak siya paloob.
Hindi na kaya ulit aalis si mama? mananatili na kaya siya sa tabi namin ni kuya?
_______________________________________
10:25pm
Sunday, December 01. 2019
-majoy
_______________________________________
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?