"yesa bakit kahapon di ka pumasok?" Tanong sa akin ni eira habang nagbabasa ako. Kailangan ko mahabol yung mga na miss ko kahapon na lesson.
"Kasi nagkaroon lang ng emergency."
"Nako buti na lang wala tayong quiz kahapon tapos half day lang tayo. Oh eto yan ang mga ilang notes ko sa mga subject natin." Nginitian ko naman siya.
"Salamat eira."
Habang nagbabasa dumating naman sila kevin. Ewan ko ba nitong mga nakaraang araw napapansin ko super clingy sa akin si kevin. Mga sikat pa naman sila dito baka kung ano isipin ng mga estudyante dito.
"Yesaaaa di ka ba kakain!! Bakit basa ka ng basa diyan?" Kinuha ni kevin ang isa sa mga notebook ko. "Nakakahilo naman ito puro numbers" angal niya. Inagaw ko naman sa kaniya yung notebook ko.
"Kevin manahimik ka nga diyan kailangan ko maaral lahat ng namiss ko kahapon." Hindi niya na ako gaano kinulet pa pero paminsan minsan ay nagtatanong siya.
"Wala ba kayong gagawin this Saturday??" Tanong sa amin ni clarence
"Wala" sagot ni eira at uminom ng cola niya. "Ikaw yesa" baling sa akin ni eira.
"Am not sure... Baka kasi may gawin ako this morning." Naalala ko pupuntahan ko si kuya c sa clinic bibisitahin ko siya.
"Eh sa afternoon yesa??" Tinignan ako ni kevin at inaantay niya ang sagot ko.
"Ahh di ko talaga sure kasi baka ayain ako ni kuya c na pumunta sa bahay nila. Bakit anong meron this Saturday?"
"Gig" napatingin naman ako kay greg. Ah alam ko na.
"May gig kasi kami this Saturday invite ko sana kayo ni eira kaso mukhang bawal ka." Paliwanag ni clarence.
"Di ka ba talaga pupunta? Ayaw mo ba kami i-support?" Malungkot ang mukha ni kevin makokonsensya naman ako pag tinanggihan ko sila.
"Oo nga sumama ka na yesa di pupunta si eira pag di ka kasama." Pagkumbinsi sa akin ni clarence tingin naman ako kay eira tumango siya.
"Sige na nga" wala din naman ako magagawa pag tumanggi ako siguradong sobrang makokonsensya ako ngayon lang naman kasi nag aya eh.
"Yehey 4:30pm sa chello's resto ah kikita tayo doon!!"
Dumating naman sila stephen,zack, at kuya alfred. Agad ako nag focus sa binabasa ko. Umupo din sila dito. Ano pa ba magagawa ko magkakaibigan itong mga ito. Natahimik naman kami ni eira sila-sila na lang ang naguusap. Nakakahiya naman kung makisali kami di ko naman sila gaano ka close si clarence lang at kevin ang close ko sa kanila.
"Yesa di ka talaga kakain? Alam mo mas lalo ka walang matututunan kung di ka kakain." Si kevin parang si kuya c ganyan na ganyan siya pag di pa ako kumakain.
"Busog pa ako kevin. Tatapusin ko lang ito at kakain na din ako."
"Eira madami bang chixs doon sa room niyo baka pwede mo akong ireto." Rinig kong sabi ni clarence
"Nako di ka parin pala nagbabago clarence puro babae parin ang nasa isip!! Ikaw eira lumayo layo ka dito kay clarence may nakakahawa yang sakit di mo alam baka may HIV na yan." Saad ni stephen.
"Aray parang wala ako dito ah!!" React ni clarence.
Napaangat naman ako ng tingin dahil feeling ko may isang tao nakatitig sa akin. Nakita ko na nakatingin sa akin si zack hala baka di niya parin nakakalimutan ang mga kahihiyan ko siguradong nilalait na niya ako sa utak niya.
"Lalim ng iniisip mo alfred?" Takang tanong ni kevin napatingin naman ako kay kuya.
"Ah wala sige bibili lang ako ng makakaen." Tumayo si kuya at sinundan naman siya ni zack.
"Baka di pa siya naka get over doon sa babaeng naghatid sa kaniya." Saad ni stephen.
Napaisip naman ako hala baka hinahanap niya ako.
"Oo nga. i know sister niya yung naghatid sa kaniya."
"Kapatid niya nga kase paulet ulet diba nga sinabi sa akin ng guard."
"Bakit ano bang meron sa sister niya?" Paguusisa ni clarence.
Napatingin naman sila kay greg.
"It's not my story to tell" sabi lang nito.
"Ang dadamot niyo may sikret kayong tatlo nila zack!! Bakit di niyo binabahagi samin iyan!! Maduga magkakaibigan ba talaga tayo dito!!" Maktol ni kevin.
"Madaldal ka kasi" tama si Stephen lahat ng sikreto mo ibubunyag ni kevin sa sobrang kadaldalan nga nito. Dami nga niyang kwento sa akin eh.
Nagulat naman ako ng nilapag sa harapan ko ni zack ang isang burger at mineral water.
"Your so thin" saad niya at pumunta sa pwesto niya kanina at naupo. Iniinsulto niya ba ang katawan ko. Di kaya ako payat sexy kaya ako. Bakit lagi niya na lang ako nilalait? Problema nun.
Nagulat naman ako ng padabog na binaba ni kevin ang inumin niya.
"Bakit ako wala?! Never mo pa ako nilibre zack nakakatampo!!" Maktol niya.
Parang wala namang narinig si zack at nagpatuloy lang sa pagkain.
"Ah...thank you.."Habang naglalakad kami pabalik ng room hindi ko malimutan yung usapan nila clarence.
Hinahanap ako ni kuya. Bakit kasi napaka komplikado ng pamilya namin? Gusto ko talaga sabihin sa kaniya na kapatid niya ako kaso madami pa kaming problema gusto ko ayusin muna ang gusot nila mama at papa bago ako magpakilala sa kaniya. Kasi siguradong gugulo ang lahat lalo na at umuwi na si mama. Kailangan ko na dahan-dahanin ang lahat.
"Yesa? Yesa?" Napatingin naman ako kay eira kanina niya papala ako tinatawag.
"Bakit?"
"Wala...wala.." natatarantang sagot niya.
"Ano nga yun? Di ko kasi narinig yung tanong mo." Nagiwas lang siya ng tingin sa akin.
"Wala di na pala hehehe."
Nakita ko naman si mel tatawagin ko na sana siya pero mukhang nagmamadali siya. Di nga niya kami napansin. Sinundan ko siya ng tingin papunta siya sa likod ng building. Anong meron doon?
"Si mel yun diba? May kikitain ata siya sa likod ng building tignan mo oh may lalaki doon sa dulo na nagaantay."
Tinignan ko naman lalaki nga di ko siya makita ng maayos dahil malayo pero parang pamilyar sakin yung lalaki. Sino naman kaya yun? Hindi ko alam na may kinikita siya. Wala siyang nabanggit sa akin.
"Baka kuya niya lang o kaibigan. Bilisan na nga natin eira."
---------------------------------------------------------
4:37pm
Sunday, November 03, 2019
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?