Chapter 25.

10 1 0
                                    


Ngayon ay tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga estudyante ng IU, lahat ay busy at may kaniya-kaniyang ginagawa. Ngayon kasi ang bukas na kasi ang exam at halos lahat ng estudyante ay nag rereview.

Pag pasok ko sa hallway nakita ko ang ibang estudyante na nag gagahol ng mga project nila. May nga estudyanteng naghahabol din sa mga teacher. Ganito talaga lagi ang senaryong makikita mo pag-paparating na ang exam.

"Yow!yow!yow! Yesaaaaaa!!" Nakita ko naman si clarence na tumatakbo papunta sa akin may hawak itong notebook at hinahabol siya ni kevin

"Ibigay mo sakin yan!!" Sigaw ni kevin. Natawa naman ako sa kanilang dalawa.

"Ayoko nga!!" Saad ni clarence at nag tago sa likod ko.

"Ano ba nag rereview ako clarence!!" Naiinis na wika ni kevin. Nagpatintero sila sa gitna ko at nahihilo na ako sa kanila.

"Tumigil nga kayong dalawa para kayong mga bata! Nahihilo ako sa inyo." Natatawang sabi ko. "Clarence bigay mo na yan kay kevin."

"Oh! Yan na nga nakakaawa ka naman."

"Saan ka pupunta yesa?" Tanong ni kevin.

"Sa library." Mag rereview ako. Buti na lang natapos ko na lahat ng mga project at ipapasa ko kaya medyo kalmado lang ako isa na lang ang iniisip ko ngayon yung exam.

"Sama ako!" Saad ni kevin at sumod sa akin.

"Ako din!" Sabi din ni clarence.

"Wag kayo maingay pag pasok natin sa library at wag niyo ko guguluhin sa pag rereview ko." Paalala ko sa kanila.

Btw ngayon wala kaming klase free day namin itong mga estudyante para makapaghanda sa exam at maipasa lahat ng di pa namin napapasa.

Pagkapasok namin sa library tumahimik na yung dalawa buti naman. Naupo kami sa isang bakanteng table. Nilabas ko yung mga librong nasa bag ko at mga notebook ko pagkatapos nagsimula na ako magreview.

Maya-maya tumayo si clarence at kumuha ng libro. Wala ba siyang balak na mag review? Tinignan ko naman kung anong libro ang binabasa niya. The lion king napairap naman ako sa aking isipan.

Si kevin naman ngayon ko lang siya nakita na seryoso sa ginagawa niya. Ang tahimik niya ngayon. Akala ko puro kalokohan lang alam nito pero nag seseryoso din pala.





Napapikit-pikit ako ng mata dahil biglang sumakit ito. Ilang oras na ba ako nagbabasa? Hindi ko kasi namalayan yung oras. Tinignan ko notes ko ng mga irereview ko may kulang akong libro na di ko nadala naiwan ko ata sa bahay. Napakamot naman ako ng ulo.

Nagulat naman ako ng makita ko si greg sa harapan ko. Anong ginagawa niya dito? Nagtataka ko siyang tinignan. Napalingon naman ako sa gilid ko. Nandito din si kuya alfred, stephen at si zack na nasa gilid ko.

Bakit hindi ko napansin na at naramdaman na nandito sila? Hinanap ko naman si clarence at kevin. Nawala sila.

"Nasaan sila clarence at kevin? Kanina pa ba kayo dito?" Pabulong na tanong ko sa kanila.

"Umalis muna sila at oo kanina pa kami nandito hindi mo lang ata napansin." Bulong na sagod ni kuya alfred. Napatango-tango naman ako.

Tinitigan ko naman yung libro at notebook ko napangalumbaba ako. Biglang sumakit yung ulo ko. May mali kasi sa solution ko. Di ko magets hays.

Kinalabit naman ako ng katabi ko.

"Oh?" Medyo napatalon ako sa gulat ng bumulong siya sa tenga ko mismo.

"Gusto mo tulungan kita dyan? Napansin ko kanina ka pa sa page na yan." Lumingo naman ako sa kaniya sasagot sana ako kaso ang lapit ng mukha namin sa isa't isa isalang sagundo din ako natigilan bago ako bumalik sa katinuan at lumayo sa kaniya. Tinignan ko sila greg at kuya alfred kung nakita nila yun at mukhang hindi kasi busy sila sa pagbabasa.

"Ah-ah sige." Utal na wika ko. Kinastigo ko naman ang sarili ko sa isipan ko ng mautal ako. Kinakabahan ako. Kinuha ni zack yung notebook ko at may sinulat doon. Nang binalik niya sa akin nakalagay na doon kung saan ako nag kamali at tinama niya iyon. Nagets ko na.

"Salamat." Bulong ko kay zack. Nagulat naman ako ng ngumiti siya. Ilang beses ba ako magugulat ngayong araw? Bumalik na ulet ako sa pag rereview.


Pag katapos ng ilang oras ng pag rereview natapos na din ako!! Napainat naman ako ng kamay ko.

"Tapos na kayo?" Tanong ko sa kanilang lima. Tumango naman sila kaya nag simula naman ako mag ayos ng gamit.

"Lahat yan dala mo yesa?" Takang tanong sakin ni kevin.

"Oo."

"Grabe buti di ka nabigatan dyan." Nginitian ko lang si kevin. Mabigat kasi siya pero okay lang kasi kailangan ko ito kung hindi ko dadalhin at ireview itong mga ito siguradong bagsak ako.

Isusukbit ko na sana sa balikat ko ang bag ko ng kunin ito sakin ni zack at binigay niya sakin ang bag niya.

"Palit tayo ng bag." Saad niya lang at na una nang maglakad.

"Hmmm i smell something fishie, naamoy mo ba stephen?" Tanong ni clarence kay stephen at inakbayan ito.

"Oo" tinitigan ako ni stephen.

"Bakit?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Wala!" Sabay na sabi nila at sumunod kay zack. Tinapik naman ni greg ako sa balik at sumunod din sa kanila.

"Anong meron?" Tanong ko sa sarili ko. Sinabayan naman ako nila kuya alfred at kevin sa paglakad.


Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi ni stephen.

"Ano?! Mag pe-perform kayo sa collage night! Wow naman!" Napalingon naman sakin silang apat.
Tinakpan naman ni kuya alfred ang bibig ko.

"Bakit?"

"Wag ka maingay yesa! Surprise yun!" Sabi ni kevin.

"Sorry di ko alam." Nabatukan naman ni kuya si stephen.

"Ang ingay mo kasi muntik na tayo doon!" Sita ni kuya.

"Aray! Ang sakit ng batok mo ah! Sorry naman!" Inis na reklamo ni stephen.

"So anong song yung ipeperform niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Secret" saad nila.

"Hala anduga!"

"Abangan mo na lang kami performance namin sa collage night littel girl." Bulong sa akin ni kuya. Napabuntong hininga naman ako.

"Bakit di mo kasama si eira ngayon?" Tanong ni stephen.

"Ah may pinuntahan siya ngayon eh. Bukas pa daw siya papasok." Sagot ko.

Natanaw ko naman ang sundo ko pagkalabas namin ng gate. Kaya nakipagpalit na ako ng bag kay zack.

"Sige na uwi na ako nandyan na sundo ko. Kita na lang tayo bukas."

---------------------------------------------------------

1:26pm

Wednesday, April 29. 2020

-majoy

---------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon