Chapter 42.

5 1 0
                                        


Tinulungan ko maglinis si manang Sa kusina. Nagmomop Lang Ako Ng sahig. Tinitignan Lang Ako ni manang. Napabuntong hininga Siya at kinuha sakin ang mop.

"Ako na Dyan maupo Ka na Lang Doon." Pagtataboy Niya Sa akin.

"Gusto Lang Naman Kita tulungan manang tignan mo pagod Ka na antanda-tanda mo na po dapat mag bakasyon Ka Kaya ko naman na dito Sa bahay mag isa." Tumanda si manang Ng walang pamilya dahil samin wala siyang anak at asawa. Hindi Niya Ako maiwan dahil bata pa Lang ako nun Siya Lang ang pinagkakatiwalaan ni papa na magbantay Sa akin. Inako Niya lahat Ng responsabilidad na dapat si mama at papa ang gumawa nung panahon na wala sila.

"Nako Hindi Ako sanay Ng walang ginagawa tyaka mapapagod Lang Ako Sa Mga bakasyon-bakasyon na Yan." Nag simula na Siya mag mop Ng sahig.

"Isang taon na Lang tapos na Ako Sa pag-aaral manang pag nagkatrabaho Ako mag hire Ako Ng bagong katulong na gagawa Ng Mga gawaing bahay para Di Ka na mapagod tapos aalagaan Kita." Tumigil Siya Sa pag momop at tumingin Sa akin. "Ikaw talagang bata Ka." Naiiyak siyang tumingin Sa akin.

"Hala bakit Ka umiiyak!" Pumunta Naman Ako Sa kaniya at niyakap ko Siya. "Napuling Lang Ako." Sabi Niya at niyakap Ako pabalik. "Mamaya pag uwi Ng kuya mo mag bati na kayo mag-kapatid kayo Di dapat kayo nag aaway." Pagsesermon Niya sakin. "Opo kausapin ko na Siya."











Tinitignan ko Ang picture frame na naka display dito Sa sala. Nandito ang Mga picture namin ni kuya nung bata pa Kami. Tinatanggalan ko Lang Ito Ng Mga alikabok. Andito pa Yung drawing Kong family nung 5years old Ako pa Ako. Kinuha ko Naman ang isang frame Kung Saan nakalagay ang family picture namin lahat Kami ay naka ngiti Sa picture. Kung mababalik Lang ang pamilya namin sa dati siguro ganito Kami kasaya pero walang perpektong pamilya. Lahat Ng Tao nagkakamali.


Napatingin Naman Ako Sa pinto Ng marahas na bumukas Ito. Pumasok si kuya kasunod Niya si papa at mama.

"Ikaw! Wala Ka na ba talagang magagawang Tama ha! Sinabi ko na sayo dati pa layuan mo na iyang Mga kaibigan mo na Yan Kasi wala Naman silang maitutulong sayo! Tignan mo!! Tignan mo nga iyang itsura mo! Nakikilala mo pa ba sarili mo!! Basagulero Ka na!" Galit na galit na Sabi ni papa dinuro-duro Niya pa si kuya. "Wala akong anak na kagaya mo!! Gra-graduate Ka na ngayon Ka pa gumawa Ng gulo!!"

"Wag Ka Naman ganyan Sa anak mo." Awat ni mama Sa kaniya.

"Ayan! Yan Ka nanaman Lagi mo na Lang kinukunsinti Yang anak mo kahit Mali ginagawa kinukunsinti mo Kaya lumaking ganyan Yan!"

"Bakit?.... Bakit?... Parang naging mabuting ama Ka samin ah? Alam mo ba pa kung bakit nagkaganito ang pamilya na Ito! Kasi makasarili Ka! Sarili mo Lang iniisip mo! Nambabae Ka! Nagkaanak Sa Iba! Kaya wag mo sisihin si mama na Siya Ang dahilan bakit Ako nagkaganito!!" Napatili si mama Ng sapakin siya ni papa. "WALA KANG ALAM!" Hinila ni mama ang damit ni papa. "Wag mong saktan ang anak natin!" Sigaw Niya Kay Papa.

"Alam ko pa lahat-lahat Ng ginawa mo!! Ikaw ang dahilan!! Nawalan Ka Ng oras Sa Amin ni mama Kasi nambabae Ka Yung ang totoo Hindi mo ba matanggap!! Umalis si mama dahil Hindi Niya Kaya Yung lahat Ng ginawa mo! Iniwan ko Ang kapatid ko Sa Inyo dahil sayo! Sa tingin mo anong nararamdaman ni yesa nung panahon na yon! Bata Lang Kami nun!!" Puno Ng hinanakit si kuya. "Imbis na humingi Ka Ng tawad Sa Amin ganto ang ginawa mo oh! Masaya Ka na? Nag hiwalay na kayo ni mama diba? Pwede na kayo mag Sama Ng babae mo?!" Sa pagkakataon na Ito kuya Naman ang sumapak Sa kaniya.

"Kahit kailan Hindi Kita matatanggap na ama ko!! Matagal Ng patay ang tatay ko at isipin mo na Lang din na Yung anak mo ay matagal na ding patay!! Magsama kayo Ng bagong pamilya mo magpakasaya kayo!!" Umiiyak na Sabi ni kuya. Hinawakan ni mama si kuya tinignan Niya ang mukha Niya dumudugo ang labi Niya. Napalabas Naman si manang Sa kusina.

Nabitawan ko ang hawak kong picture frame. Saglit sila natahimik. Nasira ang family picture namin. Napahawak Ako Sa dibdib ko Hindi Ako makahinga sobrang sikip. Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil alam Kong wala Ng solusyon pala maging maayos pa ang pamilya naming matagal na sira. Hindi ko na dapat pang ipilit Ito. Tinignan ko silang lahat sobrang sakit Makita silang nagkakaganyan.


Humakbang Ako Ng isang bases. Nanlalabo Ang paningin ko dahil Sa aking Mga luha. Humakbang ulet Ako pero Hindi ko na kinaya napaupo Ako Sa sahig.

"Yesa!!" Sigaw nila. Hinawakan Ko Ang ilong ko. Pagkakita ko Ng kamay ko may dugo Ito. Tinignan ko sila lahat sila ay tumatakbo papunta Sa akin. Tinatawag nila Ako pero nandidilim na talaga Ang paningin ko Hindi ko na Kaya....













Nakadilat Lang Ako wala akong Makita sobrang liwanag narinig ko ang hikbi ni mama. Sumisigaw Siya na "iligtas niyo ang anak ko" Hindi ko alam Ang nangyayari. Naaninang ko na may tumitinging Mga doktor Sa akin. Hindi na nila mapigilan si mama. Tumakbo papalapit sakin si mama at hinawakan ang kamay ko.

"Lumaban Ka yesa!" Umiiyak na Sabi Niya. "Anak ko! Nandito Lang si mama! Hindi Kita iiwan!" Ngumiti Ako Sa kaniya. Hindi ko alam Kung Ito ang ang Huling Beses.

Hindi Ako makahinga Ng maayos parang walang silbi ang oxygen mask na nakalagay Sa akin. Unti-unti bumagal ang aking paghinga.

"Anong nangyayari!!! Doktor anong nangyayari sa anak ko!!" Nagsimula mag wala si mama. Pinilit Ng MGA nurse na bitawan Ako ni mama. SA huli binitawan ko na Lang Siya. Narinig ko ang pag beep Ng makinang Nasa tabi Ko. Sobrang ingay na halos wala na akong marinig. Nagkakagulo ang Mga doktor Sa kwarto.


Mamatay na ba Ako? Sa oras na Ito isinapadiyos ko na Lang ang buhay ko. Nagawa Ko nanaman ang lahat. Hindi akong magsisi mamatay.

Unti-unti nag dilim Ang paningin ko hanggang Sa wala na akong Makita.











---------------------------------------------------------

2:00pm

Monday, January 31. 2022

-majoy

---------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon