"Sino Ka ba para sabihan ko na tumigil ikaw ba si yesa? Hindi porket sikat kayo sa school dapat na Kita sundin." Inis na Sabi ni Nathan. Sumasakit ang ulo ko sa Kanila ilang araw na akong Di makatulog Ng maayos. Mukhang magkakagulo pa. Humarap Ako Kay kuya.
"Nililigawan Niya Ako pero... Hindi simula ngayon..." Huminga Ako Ng malalim lumapit Kay Nathan. "Nathan Hindi Naman Ako pumayag sayo na manligaw Ka. Sa tuwing sasabihin ko na sayo Lagi mong iniiba ang topic o Kaya aalis Ka. Hindi ko Naman masabi sayo sa harap Ng madaming Tao dahil ayoko mapahiya Ka. Wala akong nararamdaman sayo Nathan salamat Sa Mga effort mo na appreciate ko talaga pero sorry wala talaga akong nararamdam sayo I see you as my friend Lang." malungkot Niya akong tinignan.
"Ganun ba alam ko Naman na wala talaga akong pag asa sa Una pa Lang pero atleast nag try Ako. Ayoko na gumawa pa Ng gulo aalis na Ako." Tumalikod na Siya samin at nagsimulang maglakad palayo. Nalungkot Ako para sa kaniya wala akong intensyon makasakit. ISA pa mahirap pumasok sa isang relasyon sa kalagyan ko ngayon Hindi ko alam Kung hanggang kailan na lang Ako mabubuhay. Nahinga Ako Ng Hindi na lumaki pa ang gulo. Mabuti Naman mahirap na Siguradong paguusapan Kami pag pasok namin.
"Bawal Ka pa mag boyfriend." Tinaasan ko Naman Siya Ng kilay. "Alam ko kuya." Nauna na Ako maglakad papuntang kotse Niya.
"May gusto Ako Sa kapatid mo..." Napahinto Naman Ako sa nirinig ko. May isa pa pala akong problema. "Hindi ko sinabi sayo toh para mag paalam sayo. Sinabi ko toh para alam mo liligawan ko Siya sa ayaw o gusto mo."
"Woah!" Rinig ko Sabi ni Clarence. Lahat sila gulat Ng marinig Yun Kay Zack.
"Sabi na nga ba eh! Kaya pala! Talaga pa Lang may gusto Ka Kay yesa!!" Tuwang-tuwang Saad ni Stephen. Si Kevin nakanganga Lang at Hindi makapaniwalang tinitignan si Zack. Walang pake Naman si Greg. Si kuya inis na nakatingin Kay Zack.
"Umuwi na Tayo ayesa!" Sigaw ni kuya. Bahagya siyang huminto SA harap ni Zack. "Hindi ko narinig ang mga sinabi mo Zack." Umiling-iling pa Siya at hinila na Ako. SA gilid Ng Mata ko nakita ko si Mel na may malungkot na mukha may gusto pa ba Siya Kay Zack? Hindi na Ako nakapagpaalam Kay eira dahil nakalayo na Kami sa Kanila.
Pagdating namin sa kotse tahimik Lang Ako na nakaupo. Nagaantay Ng sasabihin ni kuya.
"Wag mong intindihin ang sinabi ni Zack Baka kulang Lang Yun sa tulog." Seryosong Sabi ni kuya at pinaandar ang sasakyan. Tumango naman Ako at tumingin na Lang SA bintana. Pero may pangamba parin Ako Hindi nagbibiro si Zack sa sinabi Niya Kita Kong determinadong manligaw Siya sakin. Alam ko Naman Saan hahantong lahat Ng toh. Ayaw ko magkaroon Ng lamat ang pagkakaibigan namin Ng dahil Lang sakin. Another rejecting session nanaman ba ulet?
Masayang nagligpit Ako Ng Mga gamit ko dahil eto na ang last day namin sa school sa sem break na namin. Grabe ang hell week. Hanggang ngayon may iilang estudyante paring naghahabol sa mga kulang nila. Buti na Lang Ako wala na akong kulang maenjoy ko Yung bakasyon namin kahit ilang weeks Lang Yun.
"Yey! Sem-break na din!! May balak Ka ba sa break yesa?" Napaisip Naman Ako. Wala Naman depende Kung may puntahan Kami ni mamaya sa Christmas. Family gathering? Hmm parang wala Naman Di Naman uso samin Yun since matagal ng wala ang sila Lolo at Lola SA side ni mama at nagiisa Lang siyang anak. Kay Papa Naman Hindi ko alam Di ko kilala ang sa side Niya since matagal na Kaming Hindi nagkakasama.
"Hindi ko pa alam eira depende if may mga relatives or gathering Kaming pupuntahan ni mama. Sa ngayon wala pa Naman." Lumakad na Kami palabas.
"Okie dokie may balak Tayo this sem-break naalala mo pa ba Yung napagusapan natin sa rooftop! Wala Naman tayong gagawin eh Sama Ka!" May magagawa pa ba Ako at tyaka for sure pag balik namin busy na Kami lahat bihira Lang Naman din Yun. Next year graduating Kaming nila eira Kaya dapat enjoy na Kami ngayon at Hindi ko din alam Kung aabot pa Ako Sa graduation namin next year malungkot isipin Yun pero any time pwede Ako atakihin and this past few days madalas Di Ako makahinga Ng maayos.
Matagal na din simula nung last visit ko sa hospital. Pinipilit na Ako bumalik ni kuya c para mag pa check up pero ayaw ko. Ayaw ko marinig Kung Lang days or month na Lang Ako mabubuhay. Gusto ko enjoy lahat kasama Mahal ko sa buhay ayaw ko na alalahin hanggang kailan Ako dito sa earth atleast wala akong pagsisihan dahil pag na tegi Ako Kasi nakasama ko sila.
Paguwi ko sa bahay sinalubong ko si mama Ng mahigpit na yakap. "I love you ma."
"Anong Meron anak? Bakit ang sweet-sweet Naman Ng baby girl ko." Niyakap Niya Ako Ng mahigpit. "Ma Naman matanda na Ako! Gra- graduate na nga Ako next year!" Angal ko sa kaniya.
"Sus! Ikaw parin ang baby girl ko!" Natawa Naman Ako. Pagkatapos namin magyakapan umakyat na Ako para magbihis at makapaghapunan na.
Nasa kalagitnaan Ako Ng pag akyat Ng marinig ko si mama.
"Darating ang kuya mo mamaya dito daw siya muna. Kinuha Niya Lang Yung ilang gamit Niya Doon sa tinutuluyan Niya. Pinalinis ko Kay manang ang kwarto Niya." Natuwa Naman Ako na dito si kuya kasama ko sila ngayon pasko ilang years din simula nung last na magkakasama Kami magpasko at Hindi ko na matandaan Yun dahil bata pa Ako. Gusto ko maiyak sa tuwa.
"Okay ma!" Umakyat na Ako SA kwarto ko.
Nakatingin Lang Ako SA salamin dito hanggang ngayon nanginging parin ang kamay ko pero kalmado na Ako. Huminga Ako Ng malalim. Inatake nanaman Ako.
Regular Naman Ako umiinom Ng gamot ko pero parang wala na itong epekto sa akin. Madalas ang paninikip Ng dibdib ko at pangalawang Beses ko na din tong atake. Ilang butil Ng luha Ang kumawa sa aking Mata hanggang sa nagtuloy-tuloy na tahimik akong umiyak.
Siguro kailangan ko na sabihin kila mama ang sakit ko?
---------------------------------------------------------
8:17pm
Sunday, January 23. 2022
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Ficção AdolescenteNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?