Chapter 27.

5 1 0
                                    

Magkasama kami ngayon ni eira sa bahay at kami ay nakaayos na. Sabay kaming inayusan ng mga make-up artist ni mama. Napagkasunduan namin na sabay na lang kami magpaayos dito sa bahay kasi busy ang mga magulang ni eira ayaw naman daw niya itong distorbohin. Ngayon paalis na kami papunta sa school para sa gaganapin na Collage night. Wala nga dapat akong balak pumunta kasi di naman ako mahilig sa ganito pero pinilit ako ni eira. Bago lang daw siya sa school at di niya pa naranasan ito kaya gusto niya pumunta kaso ayaw niya na wala ako sa tabi niya dahil wala din siyang masyadong kilala.

"Ano pang ginagawa niyo dito?" Tanong ni mama.

"Inaantay na lang po namin si manong ma." Eksaktong pagkasabi ko dumating ang sasakyan. Bumaba doon si manong at pinagbuksan kami naunang pumasok si eira.

"Iyan pala sige anak umalis na kayo at baka mahuli pa kayo mag-enjoy ka doon ah."

"Opo ma, sige na po aalis na po kami." Hinalikan ko siya sa pisngi at pumasok na sa sasakyan.

"Mag-iingat kayo" Tumango naman ako sa kaniya at nginitian siya.

"Okay lang ba ang suot ko yesa?" Napabaling naman ako kay eira ng magtanong siya. Sa totoo lang ang ganda ngayon ni eira hindi ko nga siya makilala naka contact lense siya ngayon at hindi naka suot ng eye glasses niya. Bagay din sa kaniya ang kanyang body hugging gown na color red.

"Oo naman ang ganda-ganda mo kaya." Natatawa kong sabi sa kaniya. Kanina pagkatapos naming ayusan nagulat si eira sa salamin di siya makapaniwalang siya yun. Maganda naman talaga kasi siya di niya lang nakikita sa sarili niya.

"Okay, kinakabahan talaga ako unang beses ko pa lang attend ng gantoh sa dati ko kasing school wala namang ganitong event." Saad niya

"Well atleast ngayon mararanasan mo at tyaka mamaya may performance sila kuya alfred siguradong nagiging masaya yun."






Pagdating namin sa school sinalubong kaagad kami ng ingay ng mga tugtog. Inasikaso naman kami ng SSG nilagay ang pangalan namin sa isang list. Pag pasok namin sa loob sobrang ganda may daming mga palamuti at madami na din ang estudyante. Nasaan kaya sila kuya? Napalibot ako ng aking tingin pero bigo akong makita sila dahil sa daming tao. Tyaka ko na nga sila hanapin sigurado namang makikita ko sila mamaya.

"Doon na lang tayo maupo eira." Tinuro ang gilid malapit sa mga pag-kain.



Nang umupo kami nagsimula na ang event. Nagsalita lang ng onti si mr. Frank tapos ang mga officer's. d
Dami din nag performed akala ko sila kuya alfred lang may ibang mga kumanta pa.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ko kay eira.

Tumango naman siya.

"Sama ka kuha tayo ng pagkain" aya ko sa kaniya.

Pumunta kami sa table ng pagkain may server naman at binigyan kami ng plato tapos ituturo lang namin yung pagkaing gusto namin at lalagyan na nila ito. Habang namimili nakita ko si kevin na kumakain habang nilalagyan yung plato niya ng server.

"Kevin" tawag ko sa kaniya

"Uy yesaaaaaa! Kanina pa namin kayo hinahanap." Sabi niya habang puno ang bibig niya. Natawa naman ako. "Si eira ba iyang kasama mo?" Napalingon naman ako sa likudan ko nakasunod kasi sakin si eira.

"Oo si eira toh ang ganda niya diba!" Nahiya naman si eira.

"Hindi naman" tanggi niya.

Dumating naman sila kuya alfred kasama si zack, greg, at stephen.

"Nandito ka lang pala kevin. Susunod na tayo doon ikaw nandito pa kain ng kain." Sita ni stephen kay kevin.

Kinuha ko naman ang plato ko sa server bago ako humarap ulit sa kanila. Tumabi naman sakin si zack kaya na patingin ako sa kaniya impernes ang gwapo niya ngayon formal na formal.

"Ako na magdala ng plato mo" prisinta niya at kinuha niya sakin ang plato ko.

"Doon na kayo sa table namin umupo" sabi ni kuya alfred. Sumunod na lang kami ni eira sa kanila. Habang naglalakad hindi namin maiwasan mapahinto dahil madami din bumabati dito sa mga kasama namin ni eira. Malamang mga sikat lang naman ang mga kasama namin.

"Kayo ba hindi pa kayo kakain?" Tanong ni eira sa kanila.

"Mamaya na kami kakain pagkatapos ng performance namin." Sagot ni stephen sa kaniya.

"Nasaan si clarence nga pala?" Tatakang sabi ni kevin

"Alam mo na yun kasama naman ang mga chikabebes niya mamaya nandito na din yun." Sagot ni kuya sa kaniya.

Pagkarating namin sa table nila ay umalis din sila dahil maghahanda pa sila dahil sila na ang sunod na mag peperform. Kumain lang kaming dalawa ni eira.

"Nasaan kaya yun si mel? Pumunta kaya siya ngayon?" Naalala ko nanaman si mel namimiss ko na din yung babaeng yun pero di naman kami miss ng babaeng yun bakit pa kasi ganun nangyari. Nasaktan si zack sa ginawa niya.

"Nandyan lang yun."

"Bat kasi nag-away pa kayo." Inis na sabi ni eira.

Di ko na sinagot si eira at binaling na lang sa stage ang aking paningin. Hindi ko pwedeng sabihin kay eira ang dahilan lihim yun nila zack at mel. Nagsisimula na pala ang performance nila kuya. Narinig ko kaagad ang tilian ng mga kababaihan ng magsimula sila mag-perform.

"Ang galing talaga nila." Sumang ayon naman ako kay eira talagang magaling talaga sila.

Kinanta nila ang halaga- by parokya ni edgar

Kahit luma na yung song na yun na nagawa nilang maperform ng tama.

Natapos na sila. Pinalakpakan namin sila. Pagkatapos nun ay nagsalita na ulet ang mc.

"Ready na ba kayo mga boys? Eto na ang pinakaabangan ng lahat! Maari niyo na isayaw ang mga babaeng nakapukaw ng inyong atensyon. Eto na din ang panahon niyo para umamin sa mga crush niyo." Samo't saring reaksyon ang nakuha nila.
"Di ko na patatagalin toh musika maestro." At nagsimula na tumugtog ng love song ang mga musikero.

Sa gitna isa-isang dumadami ang mga kakapares na nagsasayaw. At ako wala akong balak mag sayaw kakain ako. Sumubo akong cake habang nakatingin sa nagsasayaw sa gitna. Nakita ko naman na si clarence kasayaw niya si mel. Kaibigan ko din naman si mel sana masaya siya sa desisyon niya wag niya sana saktan din si clarence nakikita kong mahal na mahal din siya ni clarence.

---------------------------------------------------------

3:42pm

Thursday, March 04. 2021

-majoy

---------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon