Simula:

38 12 0
                                        

Kinakabahan akong nakaupo sa upuan dito sa klinika ni doktor Charles siya ang doktor ko simula nung nag 1st year collage ako sa IU o mas kilala na Imperial Crown University kung saan nag aaral ang mayayaman at kilalang mga personalidad sa bansa. Ngayong darating na pasukan 3rd year collage na ako halos magtatatlong taon na din kaming mag kakilala ni doktor charles. Kapatid niya kasi si doktor chess na namamahala ng school klinik ng paaralan na pinapasukan ko.

Naudlot ang malalim kong pagiisip ng pumasok si doktor charles bitbit ang isang papel na siguradong laman ang resulta sa mga ginawang pagsusuri sa akin. Nanginginig ang kamay ko dahil sa sobrang kaba. Dalawa lang naman kasi ang sagot na nasa papel na iyan patungkol sa kalagayan ko maaring lumala o kaya naman ay ganun pa din.

"Ayesa" pagkuha niya sa atensiyon ko. Umupo siya at humarap sa akin hawak niya ang papel na resulta ng eksamin sa akin.

"Ano po iyon?" Sagot ko at tumingin sa kaniya. Nakita ko sa mata niya ang lungkot.

"Alam mo naman siguro kung ano itong hawak ko." Tumango naman ako bilang tugon sa sinabi niya. Huminga siya ng malalim bago nag salita. "Ayoko na patagalin pa kaya dederetsuhin na kita. Nitong mga nakaraang buwan lumala lalo ang sitwasyon mo at ngayon mas lalo pa itong lumalala iyang mga gamot uting unti nawawalan na ng epekto sayo. Reresetahan na lang kita ng bagong gamot pero hindi ko alam kung makakatulong pa ito sayo alagaan mo ng mabuti ang sarili mo para humaba pa ang buhay mo. Alam mo naman sa sitwasyon mo ngayon bawat araw lumalala ang sakit mo magiingat ka lalo na at ayaw mo maratay dito sa ospital."

"Alam ko naman iyon dok nako naman hindi mo na kaylangan ipaalala pa sa akin iyan halos kabisado ko na yang linya mo na iyan tatlong taon na tayo magkakilala." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Ilang taon mo na nga akong doktor kaya natural na magaalala ako sayo kapamilya na din kita itinuturing kitang nakababata kong kapatid alam mo yan. Isa pa bakit ba kasi ayaw mo pa ipaalam sa pamilya mo na may malala kang karamdaman?! Alam mo naman na anumang oras maari ka mamatay kaya gusto ko sabihin mo ito sa kanila para naman hindi sila magulat na nasa kabaong ka na" iyan nanaman siya. Ako ang unang naging pasente ni dok charles.

Una akong inatake ng sakit ko nung 1st year collage ako nasa play ground ako nung araw na yun umiiyak ako kasi sa dami ng problema ko tapos bigla na lang ako hindi makahinga. Nakita ako ni doktor charles na pauwi na nung araw na yun galing siya sa IU at may kinuhang dokyumento kaagad niya akong dinala sa malapit na ospital na pinagtratrabahuan niya. Inasikaso niya ako nung nasa ospital ako doon ko nalaman na may sakit ako nalungkot ako na depress ako di ko na alam ang gagawin ko gusto ko na lang mamatay ng mga panahon na iyon pero tinulungan ako ni dok charles kaya ngayon medyo okay naman ako at humaba pa ang buhay ko sabi sakin noon isang taon na lang ang itatagal ko ngayon tatlong taon na ako na may ganitong karamdaman buhay parin ako kaya malaki ang pasasalamat ko kay doktor charles napaka bait niya pati si doktor chess. Kuya ang tawag ko sa kanila sabi nila silang dalawa lang daw ang magkapatid at wala silang kapatid na babae sobrang close naming tatlo kaya tinuring na nila ako at ng pamilya nila na nakababatang kapatid na babae tinanggap nila ako kaya masaya ako na meron pa rin ako natatawag na pamilya.

"Kuya naman malakas pa ako grabe ka naman kung makapagsalita makakapagtapos pa ako at mag tratrabaho pa ako noh ikaw talaga kung ano ano iniisip mo. Hayaan mo pag naayos ko ang problema ko sa bahay sasabihi ko din yun sa kanila sa ngayon sikret muna natin yun kaya tahimik ka lang ah." Pagbibiro ko sa kaniya at inirapan niya lang ako para talaga tong bakala itong lalaking ito. Nabigla naman ako ng tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. "Ikaw talaga na bata ka nakuha mo pa na magbiro ng ganiyan." Naramdaman ko na umiiyak siya kaya napaiyak na din ako grabe naman ang drama nako. Maya-maya kumalas din siya sa pagkakayakap wala na yung mga luha niya.

"Oy bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin na para banb hindi din siya umiyak eh siya nga itong nauna.

"Kala mo talaga siya hindi, ikaw pa nga itong una umiyak nadala lang ako." Inis na saad ko sa kaniya at marahas na pinunasan ang luha ko.

"Sus ako pa talaga nasisi sa ka dramahan niya. Nako bawal umiyak yung puso mo." Pinunasan niya yung luha ko sa mukha.

Ayesa Azul Valdez isang tipikal na normal na estudyante ng IU. Mag 3rd year na ako kumukuha ng kursong business administration. Kapatid ko si Alexis Alfred Valdez ang pamilya namin ay kilala sa aming malalaking negosyo. Meron kaming malaking bahay pero sa kasaamang palad pansamantalang ako lang muna ang nakatira mag isa pero di naman ibig sabihin nun ay wala talaga akong mga kasama may mga kasama naman akong katulong,driver,at gwardya. Ang ama ko ay laging busy sa trabaho niya hindi na siya masiyado umuuwi dito sa bahay dahil masyadong malayo ang bahay sa kompaniya kumuha siya ng malapit na condo para hindi na siya mahirapan sa biyahe lalo na at lagi siya pagod. Puno ang schedule niya ng mga meeting at wala siyang panahon na mag aksaya ng oras importante sa kaniya yun kasi Bawat minutong nasasayang pera daw ang nawawala. Si ina naman ayun naglilibot sa buong mundo pangarap niya kasi mapuntahan lahat ng bansa kaya ngayon di ko alam kung nasaan siya. Ang kuya ko naman bata pa lang kami umalis na siya dito sa bahay sumama sa barkada niya. Hanggang ngayon umaasa parin ako mabuo ang pamilya namin.

Hindi ko magawang kamuhian ang pamilya ko sa kabila ng mga nagawa nila sa aming dalawa ni kuya ayoko mag rebelde gaya ng ginawa ni kuya dahil ayoko madagdagan pa ang problema nila gusto ko na ako ang maging tulay ng pagkakaaayos nila kahit na taon na ang lumipas alam ko may pagasa pa.

______________________________________

7:49pm

Friday, May 03. 2019

-majoy
______________________________________

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon