Pagdating namin SA bahay nandoon si mama nag hahain na ng among hapunan. Napukaw ang pansin ni mama Ng pumasok Kami ni kuya.
"Anak.." saglit Niya kaming tinignan. "Ah aalis Ka na ba?" Agad na tanong ni mama SA kaniya. "Hmm ipagbabaon na Lang kita Ng pagkain."
Kita Kong nag aalinlangan si kuya Kaya hinawakan ko Siya SA kamay Niya. Panahon na siguro para mag kaayos-ayos na Kami. Unti-unti nababalik na Kami sa dati kahit wala si papa."Hindi na kailangan ma, dito Ako kakain." Napaiyak Naman si mama agad niyang nilapitan si kuya at niyakap.
"Sorry iniwan ko kayo noon. Hindi na ulet mangyayari Yun mananatili na Ako SA tabi niyo at Hindi na Ako aalis pa ulet. Di ko na kayo iiwan pa. Patawarin mo Ako anak naging mahina ang mama niyo." Naiiyak na din si kuya. Sumali Ako SA yakapan nila.
"Okay Lang po iyon ma. Sorry nagalit Ako sayo. Hindi ko Lang po matanggap na ganun niyo Lang Kami iniwan ni yesa pero Di ko po Kaya magalit sayo Ng matagal Kasi mama Kita ikaw nag alaga Sa Amin ni yesa." Saad ni kuya habang nakayakap Kay mama. "Sorry talaga Di ko na kayo iiwan pangako Yan."
"Yey! Okay na kayo ni kuya Kain na Tayo Tama na ang iyakan tignan niyo pati si manag umiiyak na." Sabi Ko at nagtawanan Naman sila.
"Eh Kasi Naman ma'am eh" umiyak Nanaman Ito. Umupo na Kami Sa hapag at masayang kumain.
"Kuya dito Ka na Kaya mag palipas Ng Gabi. Bukas Ka na umuwi." Pilit ko Kay kuya na ngayon ay pauwi na. Tinignan ko si mama. Kaagad Naman nakuha ni mama ang ibig Kong sabihin.
"Oo nga anak dito Ka na Lang muna mamalagi minsan Lang Naman tyaka tignan mo gabi na din." Pag kumbinsi din ni mama.
"Pinagtutulungan niyo Ko hahaha ikaw yesa ah." Natatawang Sabi ni kuya.
"Ako? Bat ako? Nagaalala Lang Naman Ako sayo kuya tignan mo gabing-gabi na. Lipat Ka na Kaya ulet dito kuya Sa bahay okay nanaman kayo nila mama eh. Dito Ka na Lang kaysa nag babalik-balik Ka para may kasama din Ako pag wala si mama." Suwesyon ko. Natahimik Naman si kuya Sa Mga Huling sinabi ko.
"Hindi ganun kadali Yun yesa." Nalungkot Naman Ako pero Hindi ko pinahalata. Gusto ko Lang Naman makasama Siya Ng mas matagal.
"Okay pero mag stay Ka na muna dito ngayon kuya bukas Ka na umuwi Doon SA Inyo!" Wala Ng nagawa si kuya. Napangiti Naman Ako.
Inayos ko ang kwarto ko. Hindi Kasi malinis pa Ang kwarto ni kuya pati ang guest room since biglaan Lang ayaw ko Naman abalahin pa si manang dahil alam Kong pagod din Yun Kaya Sabi Ko Kay kuya tabi na Lang Kami. Ganun Kami nung bata kami eh tinatabihan Niya Ako lagi matulog lalo na pag bumabagyo KAso matagal na nung last na nangyari Yun. Kaya ngayon sobrang saya ko miss na miss ko din Kasi Siya and mukhang tatabi din si mama samin.
Pumasok si mama at kuya. May dala-dalang damit si mama at binigay Ito Kay kuya.
"Pasensya Ka na anak eto Lang nakita Kong kasiyang damit sayo. Mga natirang damit Ng papa mo dito." Sabi ni mama.
"Okay Lang po ma."
"Kuya Doon Yung Cr." Tinuro ko SA kaniya Kung Saan ang Cr ko. Kaagad Naman Siya pumunta Doon.
Tinabihan Naman Ako ni mama SA kama at niyakap.
"Salamat yesa anak. Di mo Kami sinukuan Ng kuya at papa mo." Salad Niya habang nakayakap sakin.
"Ma, Bat ko Naman kayo susukuan. Pamilya Tayo kahit may ibang pamilya na si papa mama at papa ko parin kayo and kuya ko parin si kuya. Kahit ano pang Mangyari Di ko kayo masisi Mahal ko kayong lahat. Kayo Lang Meron Ako Kaya Bat ko kayo susukuan." Niyakap pa Ako lalo Ng mahigpit ni mama at hinalikan SA buhok.
"Masaya na akong kasama ko kayong dalawa Ng kuya mo. Hanggat nandito kayo Sa tabi ko kuntento na Ako. Mahal na Mahal ko kayo Ng kuya mo." Bulong ni mama sakin. Gumanti Naman Ako SA kaniya Ng yakap.
Napaisip na Lang Ako habang kayap ko si mama. Paano ko sasabihin SA Kanila ang sakit ko. Paano ko uumpisahan. Anong magiging reaksyon nila. Gumaganda na ang lahat. Gusto ko bago man Lang Ako mawala masaya sila. Pag sinabi ko Yun SA Kanila Siguradong malungkot ulet sila. Ayaw ko silang malungkot Ng dahil Lang sakin. Ayokong maging pabigat Lang SA Kanila. Kaya ko pa Naman indahin Ang sakit ko. Kaya gusto ko SA nalalabing oras Ko makasama ko ang Mga Mahal ko SA buhay. Gusto ko mag spend Ng madaming oras SA Kanila dahil Di ko alam Kung kailan Ako mawawala Di ko ma sila makakasama.
Pag labas ni kuya galing Cr agad siyang lumundag SA kama.
"Kuya Naman eh ang bigat-bigat mo Baka masira mo kama ko." Tinawanan Niya Lang Ako at tumabi Kay mama.
"Bat kayo Lang mag kayap payakap din Ako."
"Hays parang kailan Lang ang liliit niyo pa ngayon ang lalaki niyo na Di na kayo kasya SA kamay ko." Natatawang Sabi ni mama. "MGA dalaga't binata na. Nako Baka may Mga kasintahan na kayo."
"Ayan si kuya ma! Laging pinagkakaguluhan Ng MGA babae sigurado Yan Meron na Yan!" Sumbong ko Kay mama.
"Bat ako! Baka ikaw may Naliligaw na sayo yari talaga sakin Yun. Kikilatisin ko Ng malala Mga lalaking Yun. Pag pinaiyak Ka uupakan ko." Wala pa nga nagbabanta si kuya.
"Ngek wala Naman Ako manliligaw eh." Alma ko.
"ABA MABUTI! KUNDI nako nako!"
"Hayaan mo ang kapatid mo Alfred matanda na Yan" saad ni mama.
"Sows ma nako wag mo kunsintihin Yan Bata pa Yan para mag nobyo nobyo mag Aral Ka muna." Parang tatay nako.
"Mas malala Ka pa Kay Papa kuya." Inirapan ko Lang Siya. Bigla Naman Niya Ako kiniliti Kaya kiniliti ko din Siya pabalik.
"Ikaw ah!!" Gigil na sigaw ni kuya. Natawa Naman Ako Ng kiniliti Niya Ako.
"Kayong dalawa gabing Gabi na na nako! Tigil niyo Yan magsitulog na!" Saway samin ni mama.
"Si kuya ma! Hahahahahahaa" Di Ako makapagsalita Ng maayos dahil kiniliti Niya Ako.
Buong magdamag nagkukulitan Lang Kami.
---------------------------------------------------------
10:36pm
Sunday, December 12. 2021
-majoy
---------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Novela JuvenilNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?