Chapter 7.

12 7 0
                                    

Tulala lang ako habang naglalakad dito sa field. Dito ako dinala ng paa ko. Nagsisimula na ang klase ko pero di parin ako pumapasok. Ano bang gagawin ko sa buhay ko ngayon? Dadating si mommy pupuntahan niya kaya si daddy??

Kinakabahan ako pero masaya din ako. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Si kuya kaya ano kayang iniisip niya ngayon? Masaya kaya siya na umuwi na si mommy??

Nagpabalik-balik ako ng lakad.

"ALFRED! ALFRED! Saan ka pupunta?" Naagaw ng pansin ko si stephen hingal na hingal na hinahabol ang kuya ko. Hindi niya na nahabol si kuya dahil huminto na siya. Maya-maya dumating si kevin at clarence na hingal na hingal din.

"Kasalanan mo ito kevin!!" Galit na sabi ni clarence.

"Bakit ako?" Sabay turo sa sarili niya.

"Bakit kasi pinakita mo pa kasi iyon sa kaniya! Alam mo naman ang kalagayan ng pamilya niya ngayon!" Inis na himutok ni clarence.

"Tigilan niyo na nga ang pagtatalo diyan. Puntahan natin sila zack at greg kaylangan nila ito malaman." Saad ni stephen at umalia na sila.

Alam na ni kuya na nakauwi na si mama! Bigla na lang umalis si kuya. Anong gagawin ko? Baka kung anong gawin niya kailangan ko siya mahanap! Di na talaga ako makakapaok ngayon bahala na bukas basta ang kailangan ko ngayon mahanap si kuya.

Pagkalabas ko ng school naisip ko na di ko alam kung saan siya unahahanapin di naman kasi ganun magkakilala baka magulat siya bigalaan na lang ako sumusulpot. Siguro naman nandito lang siya sa paligid.








Nabigo ako mahanap si kuya. Ang sakit ng paa ko kakalakad. Hapon na at maggagabi na din. Napabuntong hininga ako. Kasalukuyan akong nasa park. Wala ng mga bata at onti na lang ang mga tao. Nasaan ka kuya? Sana ay okay ka lang.

Tumunog naman mula sa bulsa ko ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha at ainasagot.

"Oh! Kuya C, napatawag ka?" Takang tanong ko.

"Napanood ko ang balita yesa. Okay ka lang ba?? Nasaan ka ngayon gusto mo puntahan kita??" Tanong niya.

"Okay naman po ako kuya c wag mo na po ako alalahanin sa susunod po dadalaw ako diyan miss ko na kayo."

"Sige basta pag may problema ka nandito lang kami magiingat ka." Bilin niya.

"Opo,opo, sige na may gagawin pa ako. Pauwi na po ako usap na lang po ulit tayo mamaya"

Aalis na sana ako nang makita ko si kuya nakaupo sa damuhan at may hawak na bote ng alak. Mukhang lasing siya. Kaagad ko naman siya nilapitan.

"Kuya nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap."

"Kuya okay ka lang ba?" Tumingala naman siya sa akin para makita ako.

"Mukha ba akong okay sa lagay ko ngayon miss??" Mukhang di niya ako nakilala. Bigla naman siya tumawa.

"Sana nga ay okay ako! Letse naman kasing buhay ito!" Pagkasabi niya nun ay binato niya sa malayo yung boteng hawak niya.

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon