Chapter 1.

23 10 0
                                    

"Mel! OMG! nacontact din kita!! Sobrang na miss kita!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang cellphone ko ng nakahiga. Maria Eliza Laverna Kaibigan ko siya simula nung dineklara ko nung elementary na kaibigan ko siya parehas kami sa IU nag aaral.

"Paano mo nakuha ang number ko?!" Galit na sabi niya sa akin. Inaasahan ko na naganyan ang magiging reaksiyon niya. Matigas kasi ang puso ng babaing eto cold hearted kung baga. Masungit talaga siya pero nasanay na ako na ganun siya. Alam ko naman na kaibigan niya din ako nahihiya lang siya sabihin yun kaya pinagtatabuyan niya ako hehehe. Sa katunayan ako lang ang nakatagal na maging kaibigan siya kasi lahat ng kaklase namin takot sa kaniya.

"Kaylan ang uwi mo? Nako maganda siguro diyan sa paris!! Pasalubong ko ah! Paki sabi kay tita miss ko na siya!!" Isinawalang bahala ko na lang ang pagbulyaw niya.

"Pake mo ba kung kaylan uwi ko!!" Sasagot sana ako ng binabaan niya ako see ganiyan ako kamahal ng kaibigan ko napakamot na lang ako ng ulo ko.

Habang nakatingala tinitignan ko ang kisame naalala ko na sa lunes na pala ang pasukan at wala pa akong nabibili na gamit nalimutan ko dahil sa dami kong iniisip. Tamad na bumangon ako at nag ayos ng sarili. Pagkatapos ko mag ayos kaagad na ako gumayak.

Pagkababa ko sumalubong sa akin ang mga katulong na naglilinis ng bahay. Ewan ko ba kung bakit pa sila naglilinis eh malinis na naman ang bahay.

"Ms. Yesa handa na po ang agahan." Saad ni manang eva ilang taon na siya nanunungkulan sa bahay na ito at sobrang malapit talaga ang loob ko sa kaniya parang nanay ko na din siya.

"Naku manang sa labas na lang po ako magaalmusal kayo na lang po ang kumain niyan nagmanadali po kasi ako baka madami ng tao pag dating ko sa mall" pagtanggi ko.

"Oh sige mag iingat ka papahatid na lang kita sa driver."

"Nako wag na po manang okay lang po talaga! Kayo na po bahala dito sa bahay. Wag na po kayo mag alala hindi ako mag papagabi." Nakangti kong sabi kay manang nag paalam ako at pumunta na sa mall. Ayoko silang maabala kasi alam ko na madami din silang ginagawa bilib ako sa kanila kasi ginagawa nilang lahat para sa pamilya nila masaya ako para sa kanila.

Pagdating ko sa mall kaagad ako pumunta sa Meriam para bumili ng gamit ko sa paaralan meron nga pala akong monthly allowance kaya nakakabili ako ng kaylangan ko hinuhulugan ni mama at papa ang atm ko every week at sobra sobra yun kasi di naman ako magastos kaya nakakaipon ako. Kadalasan ko lang naman binibili ang mga gamot.

Naglibot libot ako sa miriam at bumili ako ng mga gamit ko madami dami din dahil napuno ko ang isang basket. Binayaran ko ito. Paglabas ko sa meriam biglang kumalam ang tyan ko. Nalimutan ko kumain kaya pumunta ako sa isang kainan at bumili ng burger at maiinom. Tumambay ako saglit upang kainin ito at dahil wala naman akong balak na anuman sa mall ay tumayo na ako.

Tinignan ko ang dalawang bag ng school supply ko grabe medyo mabigat din pala ito pero carry lang.

Habang nag lalakad dahil sa dami ng dala ko di ko masiyado nakita ang dadaanan ko. Biglang may tumawag sa cellphone ko kaya naman napairap na lang ako. Yeah paano ko makukuha cellphone ko ang dami ko dala.

Nakabangga ko naman ang isang lalaki kaya naman nagsilaglagan ang mga dala ko. Nako po!

"Pasensiya na po kuya!" Kaagad ko isa isang pinulot ang mga pinamili ko na na nalaglag. Tinulungan din ako ng lalaking nakabunggo ko. Matapos ko pulutin ang ibang nalaglag ay tumayo na ako at todo hingi ng paumanhin sa nakabangga.

"Pasensiya na po talaga."

"Ayos lang kasalanan ko din dahil di din ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya nakabangga kita pasensiya na rin." Saad niya.

"Okay lang" nginitian ko na lang siya.

"Madami yung dala mo tulungan na lang kita bitbitin iyan hanggang sa makasakay ka mukha kasing hirap na hirap ka at mabigat din ang mga ito."
Mabilis ko naman siyang tinanggihan.

"Wag na!! Baka makaabala pa ako sayo!! Baka may iba ka pang gagawin!!." Tanggi ko

"Hindi okay lang wala na naman ako gagawin ngayon maglilibot lang." Wala na din akong nagawa kasi ayaw niya ibigay sa akin yung ibang mga pinamili ko kaya hinayaan ko na siyang bitbitin iyon at sumunod sa akin.

Pagkalabas sa mall nag para kaagad ako ng taxi. Pumasok ako sa taxi at ibinigay niya sa akin ang mga pinamili ko.

"Maraming salamat kuya." Nginitian ko siya.

"Walang anuman magiingat ka."

Sa gitna ng biyahe ko pauwi tumunog nanaman ang cellphone ko. Sino naman kaya ito? Ang kulit! Kita naman na busy ako eh!

C is calling....

Doctor Charles Manahan o kuya C

Si kuya C lang pala. Ano namang problema nito at napatawag?

"Hello"

"YESA BAKIT UMALIS KA NG MAGISA?! MAMIMILI KA NG GAMIT SA SCHOOL! SUGURADO NA MADAMI IYANG MGA DALA MO! ALAM MO NAMAN NA BAWAL KA NA MAGPAGOD!!" Kaagad ko naman nalayo ang cellphone sa tenga ko. Sigawan ba naman ako.

"Wait lang kuya C huminahon ka muna okay! Okay lang ako ayoko na abalahin pa sila manang kaya ko naman kasi. Paano mo nalaman na umalis ako?" Natatawang saad ko.

"Wag kang tumawa tawa di ako natutuwa! Tumawag ako sa bahay niyo kanina at nalaman ko na wala ka nagpaalam ka na pupunta sa mall ng walang kasama mamaya mapano ka! Ang kulit mo talagang bata ka!" Sermon nito.

"Okay lang po ako kuya C wag ka na magalala dyan! Eto na po pauwi na ako-

"Ikaw talaga Yesa wag mo nga pinagaalala si Charles lagi mo nalang pinapasakit ulo nito!! Kaylan ka ba pupunta ulit dito sa bahay miss ka na ni mama." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumingit si kuya chess.

Chess Manahan kasalukuyang namamahala ng school clinic ng IU.

"HELLO KUYA CHESS!! kumusta ka na po? Pasensiya na po hehehe di ko na po uulitin. Pag nagkaroon po ako ng time magpapasukan na po kasi. Paki sabi kay tita Miss ko na din siya."

"KUYA naman akin na nga iyan! Ang bastos mo talaga kita mo na kausap ko si yesa!!" Galit na sabi ni Kuya C

"Sige na kuya chess babush na po baba na ako sa taxi nandito na ako sa bahay paki sabi kay Kuya C peace di ko na uulitin tapos paki sabi na din kay tita miss na miss ko na din siya!! Sige na babush sigurado sesermonan nanaman ako ni kuya C pagkabigay mo ng cellphone dyan BYE!" Pinatay ko na ang tawag at binayaran yung driver.

"Salamat po."

-----------------------------------------------------------

2:18pm

August 18, 2019

-majoy

-----------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon