Madami kaming pinuntahan at sobrang napagod ako kakalakad. Parang may paltos pa ata ako. Naupo naman ako agad dito sa damuhan. Kasalukuyan kami huminto dito sa picnic grove para mag lunch hindi masiyado mainit dahil napapalibutan kami ng madami puno at malilim. Nagkalat ang mga vendor na nagtitinda ng kung ano-ano.
"Yesa tumayo ka nga muna! Baka madumihan ka. Maglatag muna tayo ng sapin!" Galit na sabi sakin ni eira. Pinadyak-padyak ko naman ang paa ko sa inis pero tinigil ko din ng tumunog ang buto ko.
"Aray!" Agad naman na lumapit sa akin si eira. "Sakit ng paa ko kakalakad natin tignan mo oh may paltos na huhuhu." Naiiyak kong sabi kay eira.
"Sige na sige na gagamutin natin yan mamaya! Umupo ka na lang dyan lalatagan ko dito. Tapos dito ka na umupo."
Dumating naman sila kevin at may mga dala-dalang pagkain. Naglatag din sila at inayos ang mga pagkaing dala nila. Sobrang sarap ng hangin dito sobrang sariwa malayo sa mga polusyon. Minsan ayain ko sila mama at papa pumunta dito kasama si kuya.
"Yesa ang sarap nung cupcake na binigay mo sakin. Di pa ako nakapag thank you sayo! Lagi ka kasi busy! Bakit ka ba kasi busy? Di ka na nakakasabay samin kumain." Umupo sa tabi ko si kevin.
"Nagsisimula na kasi thesis namin. Ang sakit nga sa ulo. Pagkatapos nitong filedtrip may title defense na kami." Paliwanag ko.
"Alam mo yesa! Ang sama niyan ni kevin napakadamot! Ayaw kami patikimin ng gawa mo na cupcake!" Sumbong sa akin ni stephen.
"Oo nga pag gumawa ka kami na lang gawan mo wag na iyan si kevin!" Pagsang ayon naman ni clarence.
"Nakakatampo naman best. Ako yung best friend mo at lagi mo kasama tapos si kevin lang ang binigyan mo!" Nako naki sali pa ito si eira.
"Hayss oo na oo na!! Bukasan niyo yang bag na yan may isang box ng cupcake dyan sa inyo na lang. Hindi ko iyan gawa sorry pero si mama ang gumawa niyan sa susunod bibigyan ko kayo lahat." Kaagad naman binuksan ni eira ang bag ko. Bumungad sa kaniya ang iba't ibang pagkaing pinadala sa akin ni mama.
"Yesa bibitayin ka na ba? Grabe itong pagkain mo dito andami ah!" Nilabas ni eira ang box at binuksan ito. "Siguradong masarap ito si tita nag bake! Nako sabihin mo kay tita pag pumunta ako sa bahay niyo turuan niya ako mag bake!" Hindi ko na sila nasabihan wala pa silang kaing kanin tapos nag sweets na sila. Kumuha din sila stephen at clarence.
"Ang sarap! Kayo din alfred at greg! Tikman niyo sakto lang hindi ganoon katamis." Nakangiting inalok ni clarence ang mga ito at nilapit sa kanila ang box. kumuha naman ang mga ito at kumain.
"Ikaw zack kumuha tikman mo masarap yan." Kaagad naman ako napangiti ng kumuha siya. Akmang kukuha na si kevin ng nilayo sa kaniya ni clarence ang box.
"Hoy!! Bigyan niyo ko!!" Galit na sabi ni kevin.
"Wala-wala kami nga napakadami ng binigay sa iyo isang box yun tapos di mo naman kami binigyan." Hinanakit ni clarence. parang mga bata.
Nakita ko naman si mel kaya kaagad ko siyang tinawag. Wala siyang kasama. Tumayo ako para puntahan siya.
"Malungkot na mag isa halika na!! Doon ka samin!! Masaya nandoon sila zack o" pagpilit ko sa kaniya at hinila ang kamay niya. Akala ko ay aayaw pa siya pero nag pahila naman siya.
"Ayan dyan ka sa tabi ni zack!" Sinamaan naman ako ng tingin ni zack ng sabihin ko iyon. "Wala na kasi ibang pwesto." Bulong ko kay zack.
"Kuha ka ng cupcake mel masarap yan!" Kumuha naman siya at kumain.
Umupo naman ako sa tabi ni eira. Ang sakit talaga ng paa ko. Kumain lang kami at nag share sa mga pagkain naming dala. Tinignan ko naman si kuya nakatingin ito sakin agad ko naman siya nginitian. Nafefeel ko iniiwasan niya ako at tumatahimik siya pag nandito ako dahil siguro yun sa kuya thing.
"Masarap ba? Kuya alfred?" Tanong ko sa kaniya. Kaagad naman siyang napapikit-pikit.
"Ah Oo masarap.....Medyo pamilyar ang lasa." Masaya ako. Akala ko magagalit ulit siya na tinawag ko siyang kuya. Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi kasi pabulong lang iyon.
Matapos namin kumain ay niligpit namin ang kinainan namin at nilinis ang mga ito. Nilagay namin sa basurahan ang mga basura namin. Nag aya naman na maglibot-libot muna kasi maya-maya pa naman ang alis namin kaso hindi ako pumayag kasi ang sakit ng paa.
"Akin na ang paa mo yesa gagamutin natin yang paltos mo." Nanlaki naman ang mata ko ng makakita ng alcohol.
"Eira naman! Wag na alcohol! Ang hapdi-hapdi na nga mas lalo mo pa pahahapdiin. Penge na lang ako ng band aid." Tumayo naman siya at iniwan ako. Ilang saglit lang ay bumalik na din siya may dalang dalawang band aid. Napansin ko naman ang cute na design na band aid. Pokemon.
"Mahilig ka pala sa pokemon ah!" Asar ko kay eira.
"Hindi ah nang hingi lang ako kay zack wala akong band aid na dala eh." Lihim naman akong natawa sa utak ko. Iyong lalaking yun mahilig sa pokemon. Hahahaha
Ako lang natira dito pati si kuya alfred na natutulog ata. Umalis sila kevin, stephen, greg, clarence, at eira magkakasama sila na naglibot. Ayaw daw nila maupo lang dito. Kailangan daw yung kinain nila bumaba. Si zack at mel naman bigla nawala malamang magkasama iyong dalawa na iyon. Sobrang tahimik lang namin ni kuya alfred ayoko naman mag ingay ayoko distorbohin ang pagtulog niya. Tinitignan ko na lang yung ibanh kasama namin dito. Nag humming na lang ako ng mahina para di mabagot. Gusto ko rin sana sumama sa kanila kaso kailangan ko ito ipagpahingang paa ko gusto ko makasama sa noah's ark noh. Siguradong hindi ako mag eenjoy mamaya kung ganto ang paa ko.
"Sorry sa inasta ko nung nakaraan." Nagulat naman ako ng mag salita si kuya akala ko tulog siya.
"Okay lang. Ako nga dapat ang mag sorry. Kung hindi ka komportable na tawagin kitang kuya okay lang din naman." Okay lang naman pero may isang parte sa akin na sana okay lang sa kaniya tawagin ko siyang kuya.
"Hindi okay lang masiyado ko kasi dinidibdib ang nakaraan. May kapatid kasi ako at gusto ko siya lang ang tatawag sa akin na kuya. Matagal ko na din siya hindi nakita." Tinignan niya ang porselas na nasa kamay niya.
"Ang ganda siya may gawa niya?" Tanong ko sa kaniya. Kahit alam ko naman ang sagot.
"Oo binigay niya ito sakin nung mga bata pa kami. Miss na miss ko na siya."
"Napaka swete ng kapatid mo sayo. Siguradong miss na miss ka na din ng kapatid mo." Pinigilan ko na maiyak sa harapan niya. Niyakap ko naman siya. Naiyak na ako.
"Sorry masyado ako emosyonal na mimiss ko tuloy ang kuya ko." Saad ko habang nakayapap sa kaniya.
"Okay lang makikita mo naman sila pagkatapos ng fieldtrip." Natatawa niyang sabi sa akin.
"Wala ng bawian ah pwede kita tawaging kuya ahh." Napatango-tango naman siya. Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kaniya at agad pinunasan ang luha ko. "Sorry ganito talaga ako."
Masaya akong maging kuya siya kahit hanggang dito na muna. Sobrang saya ko ngayong araw na ito sana di na ito matapos. Sana sunod sunod na.
---------------------------------------------------------
2:23pm
Sunday, December 29. 2019
-majoy
---------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Fiksi RemajaNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?