Chapter 2.

20 10 0
                                    

Kasalukuyang nagaagahan ako kasabay si kuya C maaga siya pumunta dito sa bahay para sunduin ako at ihatid sa school.

Nung unang punta dito ni kuya c sa bahay napagkamalan siyang boyfriend nila manang natawa ako kasi yung mukha ni manang naka nganga agad ko naman ipinaliwanag na di ko siya boyfriend magkaibigan lang kami at parang kuya ko na dahil limang taon din agwat namin. Andami nilang tanong noon sa akin. Nalaman din nila na doktor si kuya C at siya kasi sinabi ko na bigla ako nahimatay at dinala ako clinic pero hindi ko sinabi na may sakit ako. Nagalala sila pero sinabi ko na okay lang ako.

Nakonsensya ako nung nagsinungaling ako sa kanila pero ganun talaga. May mga bagay na kaylangan isekreto. Malaki ang pasasalamat ko talaga kay kuya C at sa pamilya niya simula ng dumating sila sa buhay ko. Dinadalaw ako minsan ni tita dito sa bahay para kamustahin ako dahil i have mild depression. Tinulungan nila ako bumangot at maging positibo lang.

"Ngayon ang unang araw ng klase niyo. Gusto ko magiingat ka sa mga galaw mo at wag magpapagod. Inumin mo ang gamot mo sa tamang oras. I-text o tawagan mo ako pagtapos ng klase mo. Magpasundo ko sa driver niyo wag ka makulit." Bilin niya. Napairap naman ako sa kaniya.

"Para naman akong bata." Sagot ko

"Oo bata ka talaga di ka marunong makinig sa akin. Doktor mo ako kaya dapat makinig ka sakin wag na wag mo nauulitin ang ginawa mo alam mo naman nagaalala ako sayo kapatid na din kita siguradong malulungkot sila mama at papa pati na din si kuya pag may nangyari sayo." Feeling ko minsan nagiging pabigat ako kay kuya c dahil sa karamdaman ko. Dati may girlfriend si kuya c kaso dahil sa akin naghiwalay sila kaya nalulungkot ako minsan.

"Sorry na kasi!! Bati na tayo kuya c" tumayo ako at niyakap ko siya.

"Oo na alam mo talaga kung ano kahinaan ko. Kapag naglalambing ka di talaga kita matiis."

"Hehehe cute ko kasi kuya c"

Pagdating ko sa school kaagad akong bumaba ng sasakyan ni kuya c at kinawayan siya. Inantay ko makalayo ang sasakyan ni kuya c bago pumasok sa loob. Hinanap ko naman si mel naglakad lakad lang ako alam ko nandito lang yung sa tabi-tabi.

"Nakakainis talaga yung eliza na yun firstday na first day wala tayong pasok! Tignan mo basang basa pa ako!"

"Oo nga sayang itong bagong bili kong bag ang mahal mahal pa naman nito limited edition lang toh noh tapos mababasa lang!"

Eliza? Siguro kapangalan lang ni mel yun.

"Miss umuwi ka na wala tayong pasok ngayon nagkaroon kasi ng gulo kanina sa pagitan ng isang babaeng 3rd year student ng businessAD at mga prince." Saad ng lalaki.

Hala baka si mel nga yun. Basagulera si mel pero alam ko di niya magagawa yun kung walang ginawang mali sa kaniya.

"Ano po bang mukha nung babae?" Tanong ko.

"Di ko na nakita yung mukha niya kasi madaming tao pero sa pagkakaalam ko Maria Eliza laverna ang pangalan niya. Yun lang yung narinig ko hindi ako sigurado." Sagot niya.

"Saan siya dinala?!"

"Sa principal office."

"Sige salamat kuya!!!" Kaagad ako napatakbo papunta sa principal office. Ano ba naman yan?! Eto talaga si mel first day na first day gumawa kaagad ng gulo siguradong magagalit nanaman sa kaniya si tito at tita.





"PAANO NIYO NAGAWA NA MAG CAUSE NG GANITO KALAKING GULO! PATI ANG UNANG ARAW NG KLASE AY NA SAYANG DAHIL SA PAGAAWAY NIYO! WALA NA BA KAYONG IBANG GINAWA KUNDI GUMAWA NG GULO!! MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA MAGULANG NIYO NA NAGPAPAARAL SA INYO MGA KILALANG TAO SILA TAPOS GANITO LANG KAYO!!"

Mula dito sa labas rinig na rinig ang sigaw ni mr. Frank nako lagot na. Galit na galit si mr. Frank ngayon ko lang ito makikita magalit kasi pagpumupunta naman ako dito mahinahon lang ito lagi.

"Sila yung nauna! Paharang harang sila sa daraanan ko!!" Sigaw ni mel

"Wow miss kami pa ang na una ikaw nga itong biglang nanununtok!!" Sigaw ng isa namang lalaki. Tapos narinig ko yung samutsaring sigawan nila.

Papasok ba ako o hindi?? Nagdadalawang isip ako kung papasok ano bang gagawin ko?

Ay bahala na nga kakatok na sana ako ng lumabas si mr. Frank

"Oh your here ms. Yesa what can i do for you?" Tanong nito.

"Ah-wala po titignan ko lang po sana kung okay lang po si ms. Laverna kaibigan ko po." Magalang na sagot ko.

Napabuntong hininga naman ito bago sumagot.

"Hmmm you know what? You should go in there and tell them that they punishment is clean all the school facility cause if they don't do that i will call there parents. Ikaw na mag sabi kasi di sila nakikinig sa akin na stress lang ako. Wala ka naman dibang gagawin bantayan mo sila and report it to me. I just call you some other time but now i have very important meeting to attend and am late so bye." Hindi niya ako hinayaan na makapagsalita at umalis na agad. Napapadyak na lang ako at napakamot ng ulo. Si Mr. Frank talaga sakin pa talaga ito iniwan andaming teacher dito oh!! Di naman ako teacher eh!!

Wala na akong magagawa kundi ibigay ang punishment nila.

Pumasok na ako at nadatnan ko silang nagaaway. Di man lang nila napansin na wala na yung principal. Ang gulo nila grabe. Hinayaan ko lang sila mag away at umupo sa may upuan ng principal. Ayoko mapagod kakasaway sa kanila kung sa principal nga di sila na kinig sa akin pa kaya. Kaya hahayaan ko na lang sila mapagod.

"Bastos ka kaya sinuntok kita!!" Sigaw ni mel

"Bakit naman kita babastusin?! Ni wala ka ngang dibdib eh!!" Saad ng lalaki.

"Oo nga!!" Kampi ng dalawa sa tabi niya.

"KITA MO NA!! BASTOS NA MAYABANG PA!!" galit na galit na sabi ni mel habang dinuduro ang lalaki.

"Tignan mo pri-" naputol ang pagsasalita ng lalaki ng makita na hindi ako ang principal.

"Oh hello...." At nahihiyang nginitian ko sila.

"Hehehe nagulo ko ba kayo sige lang ituloy niyo yung pagaaway niyo dito lang ako manonood. Wag niyo na lang ako pansinin."

"YESA ANONG GINAGAWA MO DITO?!" gulat na sabi ni mel.

"Hello mel wait bago ko sabihin kung ano ginagawa ko dito hmmm. Tapos na ba kayo? I mean tapos na ba kayo mag away?" Walang sumagot sa kanila at nakatingin lang sa akin.

"So silence mean yes. Nandito dahil ako muna pinahawak ni mr. Frank ng kaso niyo hehehe." Tinignan ko yung nakalagay na record book dito sa table ni mr. Frank

"Nakalagay dito ang mga record ng mga paglabag niyo sa rules" napangiwi naman ako na unang una sila sa mga listahan ng mga lumalabag sa rules dito sa IU.

"Miss pwede ba umalis ka na dyan ang principal dapat ang kaharap namin at hindi ikaw!" Inis na saad ng isang lalaki.

"Ikaw si kevin alfonso andami mo ng nilabag na batas dito sa record book at pabalik balik kayo sa guidance office ng dalawa mo pang kasama na si Clarence Alcantara at larious greg gonzales. Tama po ba ako at ikaw best friend ko mel grabe dami mo din palang record. Pero wala na akong magagawa doon."

"Yesa tigilan mo nga kami wag ka na makisama pa sa gulo na ito talagang masasapak kita pagnakisali ka pa." Brutal talaga ni bestie.

"Ah nandito ako para ibigay ang punishment niyo. Di kayo makakauwi hanggat di niyo nalilinis ang buong school pasensiya na napagutusan lang po ako ng principal. Pag di daw kayo sumunod ipapatawag daw po ang mga magulang niyo."

"Shit"

"Fuck"

"Bawal mag mura please lang!!" Saway ko sa kanila.

"Kilos na kayo din abutin kayo ng dilim dito."

-----------------------------------------------------------

9:20pm

Sunday, August 18. 2019

-majoy

-----------------------------------------------------------



The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon