Normal na pumasok ako sa school. Nakatunganga lang ako habang inaantay ang guro namin habang rinig na rinig ko ang ingay ng aking mga kamag-aral may mga pagsusulit kami ngayong araw pero wala akong gana mag review habang etong si eira halos maduli na sa binabasa niya. Di parin kami naguusap ni kuya. Napabuntong hininga na lang ako."Yesa? Complete ba notes mo sa economics? Peram naman ako?" Tamad na inabot ko sa kaniya ang notebook sa ibabaw ng table ko.
"Salamat!" Masigla niyang sabi. "Wait bakit hindi ka nag rereview may pag susulit tayo ah!" Puna niya sa akin.
"Tinatamad ako." Saad ko.
"Bago ata yan! Ikaw ba yan yesa?"
"Mag review ka na lang dyan eira. Wala ako sa mood ngayon."
"Okiee ikaw bahala." Sabi niya at nag patuloy na sa pagbabasa. Maya-maya ay pumasok na ang aming guro. Pinaliwanag niya ang gagawin sa pagsusulit at isa-isa kaming binigyan ng papel. Tamad ko itong sinagutan. Ang iba ay hinuluan ka na lang dahil di naman ako nakapg review. Bahala na.
Biglang may humawak sa balikat ko kaya nagising ang diwa ko sa mahabang pagkatulala. Pag tingin ko si eira ito.
"Kanina pa kita kinakausap hindi ka naman nakikinig pala yesa. Okay ka lang ba? Kanina ka pa ganyan." Tanong niya sa akin.
"Okay lang ako eira. Medyo pagod lang." Sagot ko.
"Okiee.. Halikana tapos na klase natin nagutom ako doon. Baka need mo lang kumain tignan mo oh ang payat-payat mo na." Niligpit ko ang mga gamit ko at tumayo na.
Paglabas namin ng classroom nagulat ako ng makita ko si kuya alfred. Nakasandal siya sa koridor habang tahimik na nagaantay ng kung sino. Parang wala lang sa kaniya ang tingin ng ibang babae sa kaniya. Pagkakita niya sa akin ay agad niya akong nilapitan.
"Let's talk" maikling sabi niya. Napatingin si eira sa akin.
"Ah... Usap muna kayo mauna na ako sa canteen yesa.." Agad niya naman kaming iniwanan bago pa ako makapagsalita. Tinignan ko si kuya.
"Sige." Sinundan ko lang si kuya kung saan siya pupunta. Pumasok kami sa music room wala tao dito. Umupo lang ako sa isang upuan dito at si kuya ay nanatiling nakatayo nagiisip.
"Kumusta ka na kuya? Isang linggo din kita hindi nakita." Panimula ko. Nanatili lang siyang tahimik.
"Hinanap mo daw ako." Saad niya.
Tumango ako bago sumagot. "Oo.. Kasi madaming bagay ako sanang gusto sabihin at paliwanag sayo kaso iniiwasan mo ata ako. Okay lang naman kung hindi ka pa handa."
"Sorry kung iniwasan kita." Tinignan ko siya at nginitian.
"Okay lang kuya. Alam kong nagulat kita."
"Pero bakit di mo sinabi sa akin nung nagkita tayo?" Tanong niya.
"Sasabihin ko na sana sayo humahanap lang ako ng tyempo kuya kaso naunahan mo ako nalaman mo na kaagad." Natatawang sabi ko at napakamot ng ulo. "Noon ko pa gusto lumpit sayo kaso nahihiya ako maganda na ginagawa mo ngayon sobrang proud ako sayo bilang kapatid mo. Ayoko lang makaabala kasi busy ka sa banda niyo."
"Pasensya na akala ko sinama ka ni mama nung umalis siya kaya hindi kita hinanap. Gusto kita makita di kita kinalimuta ayesa. Di mo alam miss na miss kita gusto ko bumalik sa bahay kaso buo na desisyon ko gusto ko patinayan kay papa na may mararating ako. Alam ko ikaw ang nahatid sa bahay nung lasing ako naiwan mo ito sa akin." Pinakita niya sa akin ang bracelet. "Tinago ko ito. Hinanap kita kaso hindi kita nahanap. Sorry naiwan ka mag isa sa bahay. Andami kong pagkukulang sayo bilang kapatid ko." Naiyak naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Matagal ko na siya gusto mayakap.
"Okay lang yun kuya naiintindihan ko. Sana mag kaayos-ayos pa kayo nila mama at papa. Buksan mo puso mo kila mama at papa mag-usap kayo siguradong miss na miss ka din nila." Sabi ko habang nakayap sa kaniya.
"Susubukan ko." Niyakap niya din ako.
"Kuya anong ginagawa mo dyan. Bat ayaw mo pumasok?" Tinignan ko siya natunganga lang kasi siya sa labas ng gate.
"Wala ngayon ko lang ulet nakita ng buo ito nung nakaraan kasi hindi. Wala parin pa lang pinagbago." Nginitian ko naman siya. Pinunhan ko siya at hinatak papunta sa loob.
"Manang nandito si kuya." Salubong ko sa kaniya. "Kuya kilala mo pa ba si manang? Siya yung nagalaga sa atin nung bata pa tayo."
"Oo nandito ka parin pala manang."
"Nako iho anong nangyari sa iyo." Niyakap naman siya ni manang. "Ang laki-laki mo na. Teka ipaghahanda ko kayo ng makakain." Umupo kami sa sofa.
"Nasaan si mama?" Takang tanong ni kuya.
"Wala siya baka mamayang gabi pa siya makauwi nasa trabaho eh." Sagot ko.
"Si papa umuuwi ba siya dito?"
"Hindi kuya bumibisita lang."
"Kung sabagay may sarili na pa lang pamilya yun bat pa siya uuwi dito?" Ramdam ko ang galit ni kuya sa sinabi niya.
Dumating naman si manang at nag hain ng pagkain. Nakipag usap din siya kay kuya andaming kwento ni manang nung bata pa kami. Pinakita niya pa sa amin yung picture nung bata kami. Nakakatuwa lalo na at okay na kami ni kuya.
"Grabe tinago mo pala ito manang. Ang liliit pa namin dito manang grabe."
"Oo, tignan mo ito ang kuya alfred mo" tinuro niya ang picture ng isang matabang bata. "Ka-cute tignan mo naman ngayon ang gwapo na." Puri ni manang kay kuya.
"Ikaw talaga manang hindi naman" natatawang sabi ni kuya.
"Talaga ba? Nako manang si kuya tinitilian yan lagi sa school ng mga kababaihan kung alam mo lang." Tinawanan lang ako ni kuya.
"Nako ito bang si ayesa madaming manliligaw ito manang?" Agad ko naman sinamaan ng tingin si kuya.
"Wala ahh!!" Tanggi ko
"Oh! Nako baka may boyfriend ka na di ko alam. Makakatikim muna sila sakin bago maging bf mo." Babala niya.
Naputol ang pagkukulitan namin ng pumasok si mama.
"Manang nasaan po si ayesa...." Napatigil siya ng makita si kuya.
"Alfred anak..." Niyakap siya ni mama. Kumalas naman kaagad si kuya sa pagkakayakap at tumayo.
"Aalis na pala ako gabi na." Paalam nito.
"Ayaw mo ba maghapunan muna dito bago umalis?" Alok ni mama. Tinignan lang siya ni kuya.
"Okay lang busog pa ako. Ayesa salamat bukas na lang ulet." Tanggi ni kuya at lumakad na palabas.
"Hatid ko lang po si kuya ma. Sorry." Kaagad ko naman sinundan si kuya.
"Kuya.." Tawag ko sa kaniya.
"Wag ngayon ayesa. Di pa ako handa kay mama at papa."
"Alam ko kuya. Magiingat ka." Niyakap ko siya bago siya umalis.
---------------------------------------------------------
10:24am
Friday, July 09. 2021
-majoy
---------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
JugendliteraturNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?