Masakit man isipin na ang ating buhay ay hindi laging masaya. Normal na sa isang tao ang mag karoon ng problema kaya kailangan matuto tayo harapin ang problema at tanggapin kung ano man ang mangyayari sa ating desisyon na gagawin.Tinignan ko lang ang pagkain na nakahain sa aking plato. Kahapon pa ako walang gana kumain dahil narin sa mga di ko inaasahang pangyayari nalulungkot ako para kay zack. Kahapon nung nasa canteen kami kasama namin sila kumain. Di kami kompleto kasi wala si clarence siguro ay kasama si mel. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman ni zack mag katabi kami pero sobrang tahimik niya.
"Manang nagkaroon ka na po ba ng heart broken mo na kaibigan?"
Napaisip naman si manang.
"Hmmm... Oo naman, bakit mo naman na tanong?""May isang heart broken po kasi ako na kaibigan ngayon. Di ko alam kung paano pa gagaanin yung loob niya. Kahit di niya po ipahalata alam kong malungkot siya."
"Ako kasi na papagaan ko yung pakiramdam ng mga kaibigan ko pag pinakikinggan ko yung mga problema nila nandoon lang ako sa tabi nila habang nag kwekwento sila sapat na yun sa kanila."
Hindi pala salita si zack malamang hindi yun mag kwekwento o mag sasabi ng mga problema niya kung gaano siya kalungkot ngayon. Ang hirap naman nito.
"Salamat manang!" Tumayo na ako at nag handa na umalis para pumasok.
Habang naglalakad palabas nakasalubong ko si mama na bagong gising.
"Good morning ma!" Niyakap ko siya.
"Good morning, ang aga mo naman ata ng pasok mo ngayon?" Takang tanong ni mama.
"Ah madami po kasing school work na binibigay samin mga teacher namin. Malapit na din kasi ang exam namin, ma." Paliwanag ko.
"Ganun ba..."
"Sige po alis na ako ma" paalam ko. Paalis na sana ako ng hinawakan ni mama ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kaniya. Tinitigan niya lang ako.
"May sasabihin ka pa po ba ma?"
"Ahhh.... Wala.. Mag-iingat ka." Napangiti naman ako.
"Opo, ikaw din po ma."
Buong umaga nasa computer labaratory lang ako gumagawa ng mga school work. Mas gusto ko gumawa ng school work sa school kasi pag sa bahay ako tinatamad ako. Pag sa school kasi wala akong excuse para hindi gawin ang mga dapat kong gawin at makakapag focus pa ako unlike kapag sa bahay andaming temptation.
Pag-katapos ko gawin ang mga aking gawain niligpit ko na ang aking mga gamit at lumabas na. Habang nag lalakad ako sa hallway hindi ko maiwasana mapakinggan ang mga usap-usapan ng mga iilan sa mga estudyante dito sa school.
May mangyayari daw na big event sa school pagkatapos ng exam. Ano naman kaya iyon?
Napatingin naman ako sa kumpulan ng mga tao sa may announcement area. Lumapit naman ako doon upang makisilip kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
"Ate anong meron?" Tanong ko sa isang babae na nasa gilid ko lahat kasi sila ay masaya.
"Pagkatapos ng exam after 1week mag kakaroon ng Collage Night." Napatango-tango naman ako. Kaya pala. Ang collage night ito ay pinagdidiwang taon-taon naging tradisyon na ito ng IU dito sa collage night parang acquitances ball din ito kung saan nagkakasama-sama ang lahat ng iba't ibang department ng mga collage student. Dito nag kakaroon ka ng chance makita ang mga famous celebrity ng IU mga heartrob kuno. Kung sila excited doon ako hindi di naman kasi ako mahilig sa mga party. Isang beses pa lang ako naka attend ng collage night di ko pa sure kung dadalo ako ngayong year.
Dahil di pa naman start ng klase tumambay muna ako sa field. Sa field talaga masarap tumambay kasi masarap umupo sa damuhan. May mga upuan naman pero mas masarap kasi sa feeling na nakaupo ka sa damuhan. Ewan mas feel ko lang. Habang nakatamabay ako kinain ko yung pinabaon sa akin ni manang. Nakita ko naman sa malayo si clarence at mel. Masayang tinuturuan ni clarence si mel kung paano mag-gitara. First time ko nakita na ngumiti si mel siguro nga ay hindi para sa isa't isa si mel at zack kita ko ang kasiyahan ni mel kay clarence. Bakit kasi pag nagmamahal tayo kailangan natin masaktan?
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Malapit na ang oras ng klase ko. Pupunta muna ako sa CR iinom muna ako ng gamot ko. Pag dating ko sa cr tinignan ko kung may tao sa loob at wala naman kaya nilabas ko ang gamot ko. Pagkatapos ko kumuha ng tableta ay nilapag ko muna ang lalagyan sa lababo. Habang umiinom ako ng tubig biglang pumasok si eira.
Aligaga siyang pumunta sa lababo sa sobrang pag kataranta niya natabig niya ang gamot ko.
"Nako naman! Natapunan ako ng juices." Pinulot naman niya ang gamot ko at inabot sa akin
"Sorry natabig ko, oh ikaw pala yan yesa!" Agad ko naman kinuha ang gamot sa kamay niya.
"Nakakainis talaga baka mamanstyahan pa itong damit ko." Binuksan niya ang gripo at binasa ang kaniya paniyo.
Sinilid ko naman sa aking bag ang aking gamot.
"Para saan iyang gamot na yan may sakit ka ba yesa?" Kinabahan naman ako sa tanong ni eira.
"Ah..... Vitamins ko lang iyon." Medyo nauutal na sagot ko.
"Hmmm.. Okay." Sagot niya habang pinupunasan ang manstya ng juices.
"Ayan tapos na nawala din. Yesa halika na siguradong papunta na yung teacher natin sa room baka malate pa tayo." Sumunod naman ako agad sa kaniya.Buong araw ay nag hapit lang ng mga dicussion yung mga teacher namin. Sobrang nakakapagod at nakakadrain ng utak. Maski sila zack kanina ay puro aral lang ang inatupag habang kumakain kami. At ngayon ay uwian na namin. Makakapag pahinga na din ako pag natapos talaga itong hell week na ito deserve ko talaga mag karoon ng isang buong araw na pahinga. Ilang araw na din kasi ako walang ayos na tulog.
"Sumakit yung ulo ko doon yesa ah. Malapit na yung exam natin hays sana naman makapasa tayo ayokong umulit ng subject na babaksak ako. Sige na yesa nandyan na sundo ko. Mag-iingat ka." Paalam sa akin ni eira bago tumakbo papunta sa sasakyan na nagaabang sa kaniya at mukhang papa niya ang. sumundo sa kaniya kasi nakita kong kumaway ang isang kaedaran lang ni papa na lalaki.
"Sige mag-iingat ka din eira." Minsan naiingit din ako sa mga kaklase ko kasi sinusundo sila ng papa nila ako hindi ni hindi ko makasama si papa. Tulad na lang ngayon ramdam ko ang kakulangan sa akin. Hindi naman siguro masama maiinggit noh?
Nakita ko naman ang magsusundo sa akin kaagad na sumakay na ako sa sasakyan upang makauwi.
---------------------------------------------------------
10:50pm
Saturday, April 11. 2020
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?