Hmmm... Paano ko Kaya pagbabatiin si kuya at papa. Sila na Lang Di magkasundo. Last time na nag usap sila Hindi maganda Ang kinalabasan. Parehas sila mainit Ang dugo sa isa't isa.
"Wahhh!! Ayoko na!!" Nilukot ni eira Ang bondpaper na hawak niya at tinapon. Pang ilang ulet Niya Ng ginagawa Yun andami ng papel na nagkalat SA paligid namin.
"Nakakainis na wala talaga ako talent Sa pag drawing!! Bakit may art subject Sa business course?!" Halos isumpa na ni eira Yung ginagawa niyang reflection Sa art subject namin. Di namin major ang art subject pero pa major din Kasi andaming pinapagawa.Kasalukuyan Kaming gumagawa ngayon ni eira Ng reflection drawing namin Sa art subject namin Kung ano natutunan naming Sa tinuro niyang 7 elements of arts.
"Nakakagigil talaga nag business ad pa Tayo tapos may ganito Di Naman toh kasama Sa pag handle Ng business eh mag dradrawing ba Tayo pag nag handle Tayo Ng business kagigil." Angal pa ni eira.
"Tama na Yan eira Nasa field Tayo oh pinagtitinginan na Tayo ng Mga Tao dito. Pag nalaman pa Ng Mga Yan Kung sinong teacher ang sinusumpa mo for sure magagalit Yang Mga Yan sayo alam mo Naman si sir tan sikat Yun." Pabulong Kong Sabi Sa kaniya at luminga-linga Sa paligid. Nahihiyang nginitian ang ilang nakatingin Sa Amin.
"Kahit pogi Yun si sir galit, kahit crush ko Siya galit parin Ako Sa kaniya pinahihirapan Tayo! Ay ayoko na Siya isipin umiinit ulo ko! Patingin nga Ako Ng sayo penge Ako idea." Hinablot Niya Naman sakin Yung bondpaper na pinagguguhitan ko. SA totoo Lang Di pa Ako nag simula mag drawing ulap Lang naguhit ko Doon at Di ko Rin alam Bat Ako Ng drawing Ng ulap.
"Bat ulap Lang drawing mo?" Takang tanong sakin ni eira habang nakatingin Sa gawa ko. Napakamot Naman Ako Ng ulo at kinuha Sa kaniya. "Di pa Ako tapos nagsisimula pa Lang Ako Di ko Kasi alam paano Ako mag sisimula hehehe."
"Okay Lang Yan yesa parehas Tayo walang talent Sa drawing. Kanina pa Tayo dito SA field pero wala Naman tayong nakuhang idea ano ba Yan." Tumayo Ako at pinulot ang Mga papel na tinapon ni eira itong babaeng toh Baka mamaya paglinisin pa Kami Ng buong school Sa ginawa Niya. Napabuntong hininga Naman Ako at binigay Kay yesa Yung Mga kalat Niya.
"Anong oras Yung susunod natin na subject?" Tanong ko Kay eira.
"3:10pm na ngayon sunod natin na subject 4:00pm last subject natin ngayong araw. Bali Meron pa tayong 50mins." Napatango-tango Naman. Nagsimula na Ako iligpit ang Ilan Sa Mga gamit ko. Sa bahay ko na Lang tatapusin Yung reflection namin Di Ako makapag isip Ng maayos dito masyadong madaming gumugulo SA isipan ko.
Habang nagliligpit Ako Ng gamit napansin ko na may maliit na paper bag Sa bag binuksan ko Ito at nakita ang isang panyo. Napaisip Naman Ako. Naalala ko dapat ibabalik ko Ito Kay Zack. Hala antagal na Ng panyo Niya sakin Di ko parin nababalik. Binalik ko Naman Ito agad Sa lalagyan. Sabi Ko pa Naman Sa kaniya lalabhan ko Lang tas ibabalik ko na Sa kaniya nalimutan ko. Sa Dami-Dami na namang iniisip ko hays.
"Sila Kevin Yun ah!" Napatingin Naman Ako SA tinitignan ni eira. Sila Kevin nga. P.e class ata sila kawawa Naman tirik na tirik pa Naman araw.
"Oo nga sila Kevin Yun. P.e class ata sila ngayon." Sabi Ko Kay eira. Napansin Naman Kami ni Kevin Kaya kinawayan Kami. Natawa Naman Ako Ng pinagalitan Siya Ng teacher Niya dahil Sa ginawa Niya."Tara na eira! Baka mahuli pa Tayo Sa klase natin." Aya ko.
"Ay oo nga pala! Saglit Lang ligpitin ko Lang gamit ko."
Natapos na ang klase namin ngayong araw. Ilang weeks na Lang bago ang Sem break namin. Di ko alam Kung anong gagawin ko Sa panahon na Yun Baka Sa bahay Lang ulet Ako depende Kung may mag aaya pero alam ko may Plano si eira. Bat ko na iniisip malayo-layo pa Naman Yun. Dapat ang isipin ko ngayon paano Yung Mga papasa Kasi for sure naghahabol ang Mga teacher namin dahil pag tapos Ng Sem break finals na agad namin Kaya Di ko talaga alam Kung ma enjoy Ako ang Sem break dahil Baka mag bigay Ng Mga home activities and project ang Mga teacher namin.
Naglakad Lang Kami ni eira papuntang gate. "Sobrang wasted ako ngayon grabe mga prof natin." Sabi ni eira at inayos nag salamin Niya.
"Kaya nga.." Napahinto Naman Kami ni eira Ng harangin Kami Ng kaklase namin si Nathan. Isang SSG officer and matalino. May hawak Siya bulaklak at chocolate Hindi Siya mapakali at parang may sasabihin. Pinagtinginan Naman Kami Ng ibang pauwi na din na estudyante. Ang ibang kaklase namin ay may mapangasar na tingin.
"Anong Meron Nathan?" Nagtatakang tanong ni eira. "Kaya nga may problema ba?" Dagdag tanong ko Naman.
"Ahh... Kasii... Ano...Kasi" kinamot Niya ang kaniyang ulo pinagpapawisan Siya.
"Yesa!" Napatingin Naman Ako SA tumawag sakin. Si Kevin pauwi na din siguro sila papunta sila Sa gawi namin kasama si Zack, Clarence at mel.
"Gusto Kita yesa dati pa! Pwede ba kitang ligawan?!" Nagulat Ako Sa sinabi ni Nathan. Sigurado akong narinig Yun nila kevin dahil Napahinto Siya. Nanlaki Naman ang aking Mata at Hindi makapagsalita. Inabot Niya sakin ang bulaklak at chocolate na hawak niya.
"Ano Kasi Nathan...." Bago ko pa matapos ang sasabihin ko tumakbo na Siya palabas Ng gate. Siguro dahil Sa kahihiyan pinagtitinginan Kami Ng Mga Tao. "May gusto sayo si Nathan.." Di makapaniwalang Sabi ni eira.
Napatingin Naman Ako Sa hawak kong bulaklak at chocolate. Di parin Ako makapaniwala ang tagal na naming magkaklase.
Tumakbo Naman papunta sakin si Kevin.
"Pumapagibig Ka ah yesa! May pa flowers and chocolate pa Yun! Penge Ako Ng chocolate mo." Pangaasar Niya sakin.
"Huh? Hindi Kevin- oh sayo na nga Ito." Binigay ko Sa kaniya ang chocolate kasama ang flowers. Nakita ko Naman nakabuntot Sa kaniya si Zack.
"Zack!" Tawag Ko Sa kaniya pero parang wala siyang narinig at nag tuloy-tuloy Lang Ng lakad nilagpasan Niya Kami. Anong nangyari Doon Bat Hindi Ako pinansin? Balak ko Sana ibigay Sa kaniya Yung panyo pero parang wala Siya Sa mood.
"To: yesa... Matagal ko Ng gustong sabihin sayo-" agad Kong hinalbot Kay Kevin ang card na kasama Sa bulaklak.
"Manahimik Ka nga Kevin!" Sumasakit any ulo iniisip ko pa Lang ang ginawa Ng kaklase namin si Nathan paano ko Siya haharapin bukas. Nakakahiya talaga.
"Yaan mo yesa! Kung gusto mo din Siya Di Ka namin hahadlangan. Di namin sasabihin Sa kuya mo! Diba babe!" Saad ni Clarence. Tumango tango Naman si Mel.
"Oo nga yesa." Pag sang-ayon Naman ni eira.
Weird ko silang tinignan. Wala akong gusto Kay Nathan Sa Dami-dami Ng problema ko dumagdag pa Siya. Ayokong saktan Siya pero mukhang kailangan ko gawin Yun kaysa paasahin Siya. Ano ba Naman Yan.
---------------------------------------------------------
6:27pm
Wednesday, January 19, 2022
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?